Prologue

145 8 0
                                    

Kung kaya kong mabulag ng ganitong paraan ay mas kaya kong maging matatag sa maraming paraan.

Reminder-This is a work of fiction. Names, places events and incidents are only fictitious along the author's imagination. Resemblance to actual people, living or dead or certain events is purely coincidental.





"Jess! Si Jonas!" Tinuro ko 'yung long time crush ko. "Ang gwapo niya!"

Lumapit sa'min si Jonas at tinignan si Jess. Sana ako na lang ang tignan niya!

"Anong oras ka uuwi?"

"Later, I'm gonna hang out with Karie."

Tumingin sa'kin si Kuya Jonas tapos bumalik ulit kay Jessica.

"H-Hi Kuya Jonas." Tumango lang siya tapos umalis na. Sinundan ko siya ng tingin tapos binatukan ako ni Jessica.

"Kadiri ka, sa Kuya ko pa talaga." She said.

"Eh crush ko si Kuya Jonas eh! Bakit ba?" Arte niya, kala mo ayaw akong kapatid someday.

"Mag-aral na lang tayo dahil bumabagsak ka na. Gusto mo bang madisappoint si Tito Endrio." Ouch naman, Jessica.

"Ayoko. Sige sa bahay na lang tayo dahil walang tao." I offered.

"Sige tapos magluluto tayo, I love it!"

Umuwi ako tapos kasama si Jess then hinanda ko ang mga kailangan namin. Books,pens,papers,laptop,food.

"Ewan ko ba kung bakit pero kakaiba ang napapansin ko sa'yo eh."

"Ano naman?"

"Hindi ko alam pero parang lumalabo 'yang mata mo. Kapag may pinapaabot ako sa'yo kahit malapit lang ay tinatanong mo pa."

"Ahh...mannerism ko lang ata. Hayaan mo na." Please Jess...'wag mong aalamin.

"Sige pagaralan na lang natin ang damages in the body." She opened the book then flipped through the pages. "Sa mata! Ang sabi rito 'wag daw masyadong tumutok sa gadgets lalo na kapag nakabalot. May negative effects din dito, malamang eh damages in the body nga diba? Tanga naman nito." Sumubo ako ng fry habang tinatawanan si Jessica. "Bawal daw 'yung aabot hanggang madaling araw dahil baka lumabo ang mata, ma damage ang brain at mawala sa sarili. Always drink water and avoid the use of drugs."

After that I swallowed the fry then slowly shut my eyes. Hindi ko namalayan na nahimatay ako tapos naiwan pa si Jessica ritong mag-isa.

Jessica

Nawalan ng malay si Karie all of a sudden! Tinawagan ko si Tita Amber pero hindi siya sumagot! Sinubukan ko si Kuya Kal pero wala talaga! Si Koral naman ay nasa school pa kaya wala akong ibang choice.

"Kuya!" [What?] "Tulong! Si Karie nahimatay tapos wala sina Tita!" [Wait for me. Parating na ako.]

Ang tagal dumating ni Kuya! Kinakabahan ako dahil sa babae na ito. Sana magising siya tapos sisigaw ng it's a prank! Karie sana nagloloko ka lang! Pero hindi ka naman nagloloko sa mga ganito eh!

Wake up!

Dumating na si Kuya tapos tinignan niya ang kundisyon ni Karie. He was also panicking pero he remained calm. Hinintay kong magising si Karie kasi akala ko magigising na siya kay Kuya eh!

"Call Dad and tell him we have a patient." He said to me.

Tinawagan ko agad si Dad at pina ready ang ER. Karie kapag talaga may masamang nangyari sa'yo sasapakin talaga kita!

We arrived at our hospital then sinugod agad si Karie. Gosh naman Kariessa! Sasakalin talaga kita.

Dumating agad sina Tita at Koral dahil nurse ni Karie si Kuya Kal.

"Anong balita?"

"She's still inside pero magiging maayos rin."

"Anong nangyari kay Karie?"

"Bigla po siyang nahimatay!"

"May balita na ba?"

"Not yet pero don't worry po. Dad has it under control." Kuya said.

Sana nga lang. Kariessa Rivers, kapag hindi ka maayos na nagising I swear you will pay. Sana maayos ang lagay ni Karie because I know how hard it is for her family to let her go...pati na rin ang isa diyan.

Love is BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon