Chapter:19

11 2 0
                                    

Kasama ko sina Jonas at Jessica sa bahay dahil may sasabihin daw si Mama sa'kin.

"Kuya! Mama! Andito na si Ate." Yumakap si Koral sa'kin. "Musta?"

"Ayon wala pa ring makita."

"Baby upo ka na." He helped me sit down on the couch.

Hindi ko alam kung bakit andito kami pero isa lang ang masasabi ko. Ang sama ni Kuya Kalfred.

"Ay punyeta!" May nilagay silang malambot na bagay sa hita ko. "Kapag ito daga!"

"Ang cute!" Jessica squealed. "Akin na lang?"

"Jess behave." Jonas warned.

Ano ba kasi ito? Baka kagatin ako bigla tapos maiinfect ako tapos-.

"It's a dog guide. Her name is Daisy."

"Aso?" Yehey! "What kind of dog?"

"Pomeranian." Kuya answered. "Ayan ang pinadala ni Tito Lito sa bahay. He said it was a gift para bago ka makakita ay may aso kang tutulong sa'yo."

I was stroking through Daisy's head. "Any news on the glasses?"

"Malapit na raw kaya steady ka lang Ate." Koral and Kuya gave us food before we left. Si Mama naman ay inayos ang gamit ni Daisy para daw hindi na kami mahirapan.

We were on our way back to the Condo when someone's phone rang.

"Karie may tumatawag." Jessica said. "Sagutin ko lang."

"Okay."

Natahimik lang kami ni Jonas noong sinagot ni Jessica ang tawag.

"Hello? Kaibigan niya ako. Oo kasama ko siya. Bakit? Kailangan siya ni Vince ngayon?"

Biglang tumigil ang sasakyan tapos napasubsob ako sa dashboard.

"Aray!" Jessica complained. "Wait lang ah?"

"Jonas what happened?" I asked.

"May dumaan na hayop." Oh okay. "Sorry."

"Hello? Oh sige paki-text na lang ng oras para mapuntahan kaagad ni Karie si Vince. Sa malapit lang na eskinita? Ahh sige sasabihin ko na lang sa kaniya."

"Who was that?" I asked while Daisy was on my lap.

"Si Dave. Kaibigan ni Vince, nga pala kailangan daw ni Vince ng therapist. Sabi he tried to do it again. Ang alin?"

"Oh no..."

"What is it Karie?" Tanong ni Jonas.

"Can you drive to Vince's place?"

"Why?" He sounds annoyed. "Bakit ka kailangan ng lalake na 'yon?"

"Please Jo, he just needs me."

"Bakit? Hindi ba kita kailangan? Ako ang boyfriend mo, Karie. Not him."

"Seryoso ka?" Sa lahat ng oras na pwede siyang mag-selos ngayon pa talaga? "Drive me to his house. He needs me, Johnson."

"Fine." He drove to Vince's place. Tinulungan ako ni Jessjca na makalabas and Jonas helped me walk somewhere. "Tao po?"

"Wow marespeto ah?" Pang-aasar ni Jessica sa kapatid niya.

May bumukas na pinto. The person who opened it sounded like they were in a rush.

"Ikaw ba si Ms. Rivers?"

"Not really." Jessica answered. "Siya."

Natahimik siya saglit tapos may humawak sa braso ko. "Kailangan ka ni Vince."

Love is BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon