Chapter 26 : Salmon

41 2 0
                                    

Chapter 26 : Salmon


" ssssssss..... Sssssssssss"

" tim wag kang gagalaw....!!"  mahinang sigaw ni Kael, kahit di nito sabihin ay di talaga ako gagalaw, sa mga oras nato naging blanko na ang pag iisip ko na tanging kaba lamang ang nararamdaman, first time kong makakita nang ahas nang ganito kalapit sa mukha ko na halos dalawang talampakan lang ang layo mula sa akin. Nakikipagtitigan ako sa ahas, kulay green ang balat at triangular shaped ang ulo, mahilig akong magbasa nang mga libro tungkol sa science, nakakabasa din ako nang mga tungkol sa animals kaya alam ko ang mga treats nang isang makamandag na ahas, ang hugis tatsulok nitong ulo ang nagpapakita na isa to sa mga uri nang makamandag na mga ahas.

"sssssssssssss.... Sssssssssss" nakatayo na ang ulo nito, nagpapahiwatig na handa na itong manuklaw, naiiyak na ako sa sobrang kaba, gusto kong tumingin sa baba kaso pag gumalaw ako siguradong tutuklawin kaagad ako nito.

" ssssssssssssss... Ssssssssssss" mas naging agrisibo ang anyo nito, kailangan ko nang mag desisyon, bahala na!

walang pasabi akong tumalon patalikod habang nakadikit parin ang paa ko sa sanga, nakapikit lamang ako habang nahuhulog at hinihintay na tumama ako sa matigas na lupa, pero mali ako, may sumalo sakin

Sa pag bukas nang mga mata ko bumungad ang nagaalalang mukha ni Ken, diko alam kung san ako kumuha nang lakas para yakapin nalang sya bigla sa leeg at don umiyak

" kala.. ko mama mmatay na ako... ."

" shhh, Leader ayos na," pagpapakalma nito habang himas himas yong likod ko, bumababa naman ako sa pagkakayakap nya at tumayo nang matuwid habang nagpupunas nang luha

" salamat Ken.." tumango naman ito bilang sagot

" Shocks Tim kala ko kakagatin ka na non, buti nalang nakatalon ka agad, okay kanaba? ," nagaalalang pahayag ni Cha,

" oo Cha salamat"  dumako ang tingin ko kay Kael na pareho kay Cha ang ekspresyon, tumingin ako kay Kael pero di to nakatingin sakin, seryoso itong nakatingin kay Ken, napansin ata ako nito kaya tumingin sakin saglit bago tumalikod at naglakad papalayo

Di ata to napansin nang tatlo kaya inaya ko nalang silang bumalik sa mga tent. Pagdating ko don una kong hinanap si Kevin, nag aalala kasi ako sa kanya dahil sa pag alis nya kanina nang walang pasabe, nakita ko naman agad ito don sa may bangin kaya nilapitan ko

" Kevin.." pag agaw ko nang pansin nito bago umupo katabi nya, tinignan naman ako nito

" may problema ba?" tanong ko

" wala naman Tim, by the way Tim ayos kanaba?"

" hmm ayos na naman, Kevin iniiba mo naman yong usapan eh, ano nga kasi yong problema mo "

" wala nga" walang kwentang sagot nito bago nag iwas nang tingin

" Kevin.."

" wala nga kasi, ang kulit kulit eh" inis nitong sagot na kinainis ko naman

"tinatanong nga lang kita, bala ka na nga jan" sabi ko bago tumayo, maglalakad na sana ako nang magsalita ito

"okay, im just upset"

Nilingon ko sya at bumalik sa pagkaka upo katabi nya, nakakunot kotong tinignan

"bakit? may nasabi ba kaming masama sayo kanina? sorry."

"no Tim, wala kayong nasabi" sagot nito agad

" o wala naman, e bakit ka ganyan?"

" wala"

" ayan ka na naman Kevin, bakit nga" diko naiwasang mainis dito

"kasi..."

"kasi?"

All About Him | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon