Chapter 17 : Young Pork

60 3 1
                                    

Chapter 17 : Young Pork



Patihaya akong lumundag sa kama pagkapasok ko sa kwarto,sobrang nakakapagod tong araw nato.

Magiisang oras na ako nahiga dito habang ninanamnam ang hangin na nagmumula sa ceilling fan,

" hays.."

Pilit kong ibinangon yung katawan ko, kailangan kona magluto para sa hapunan namin ni kuya. Pagbaba ko sa kusina agad kong binuksan yung ref namin para makapili nang lulutuin, napakagat nalang ako sa hintuturo ko nang makitang halos wala nang laman yung ref,

Napakamot ako sa ulo ko, kung pupunta pa ako sa grocery baka masyado na akong gabihin, pag tingin ko sa cellphone ko 5 : 05 pa pala, 7 uuwi si kuya kaya may oras pako para mamili.

Patakbo akong umakyat at nagpalit nang damit,

" may utang ka sakin kuya.." sabi ko habang kumukuha nang pera mula sa ipon ko.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°[¬ . ¬]

" 1 kilo shrimp check..., hmmm baboy..."

Pumunta ako sa meat station, nagtitingin tingin ako sa mga karneng naka display,

" may young pork kaya sila dito....tssk ano to tocino.. "  pabulong kong sabi, napangiti nalang ako sa mga kalokohan ko

" actually meron po kami non sir... "

Napa angat ako nang tingin sa saleslady sa harapan ko.

" seryoso?"

" yes sir! ito po sir oh"  sabay turo nya sa karneng naka display.

Tinignan ko nang mabuti yung karne, infairness parang young nga..

" pano mo nasabe aber?" tanong nang mataray kong utak

" feel ko lang"

" baka scam to ate huh..."

" hala di po sir! ano sir kuha po kayo?"

" sige ate, ahh mga 3 kilo lang," iniisip korin kasi yung sarili ko, baka pagbitbit ko sa mga punamili ko diko pa kayanin.

" balik po kayo ulit sir!"

Nginitian kolang ito bago ko itulak yung cart, pumunta naman ako sa huli kong bibilhin, crackers taran!!!!!!

" hala san nayon, dito lang naman yun dati ahh." nagtaka bakit wala na sa dating lagayan nang mga crackers yung binibili ko.

" ahh kuya san po yung mga crackers nyo?" tanong ko sa isa sa mga staff na nagchecheck nang mga paninda.

" yung crackers ba, andon o, don sa taas" paglingon ko ayon nga sa pinakataas,

" salamat kuya"

Andon lang pala yon, pinuntahan ko yung quarter na yon,

" lord help me...."  nanlumo ako nang diko manlang maabot ito sa kinalalagyan.

" UY TIM!!"  may tumawag sakin, paglingon ko nakita ko agad si Kevin, di lang sya, andon din si Ken,

" hi Tim"
" hi leader" bati nila sakin nang makalapit sila

" hello, namimili rin kayo?"

" ahh oo, actually pupunta na sana kami sa counter nang mapansin ka namin." sagot ni Kevin

Tinignan ko yung basket na dala nya, puro mga chichirya lang naman, tsaka can beer.

" ahhhh" napatango ako.

" tapos kana Leader" tanong bigla ni Ken

" tapos sa ano?"

" sa pamimili...."

All About Him | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon