Chapter 01 : Meet My Kentot

243 14 2
                                    

Chapter 01 | Meet my Kentot

" Okay class you may take your break"

Agad namang nabuhayan tong mga magagaling kong kaklase mula sa kanilang kinauupuan, nakarinig lang nang break,

" Tim di ka kakain? recess na oh"  sabi bigla ni Chacha nang mapa daan ito sa kinauupuan ko.

" Sige salamat nalang Cha busog pako ehh tas may ni rereview pako para sa next subject natin"

" Pag ikaw di naging Valedictorian ewan ko nalang talaga Tim"  napailing nalang ito bago umalis at pumaroon sa canteen.

Itinuloy ko nalang yung pagbabasa sa Chimestry, di lang din naman ako yung naiwan sa classroom, marami rami din kaming pinili nalang ang mag relax o kaya mag basa nalang kesa makipag siksikan sa canteen, baka maapakan patong sapatos ko bagong bili panaman to.

" psst!"

Inayos ko muna yung eyeglasses ko bago ko harapin yung disturbong kaklase kong tumawag sakin.

" Recess tayo!"

Yung slight na inis na naramdaman ko kanina agad namang napalitan nang hiya at kaba

" Ahhh kas......"  di na natuloy yung sasabihin ko nang may nagsalita mula sa likuran ko.

" Wag na tol, dyan nalang tayo rank game"

" Sige buti pa nga"

Yumuko nalang ako habang namumula.
" yan kasi wag ka kasing assuming, napahiya ka tuloy" sabi pa nang utak ko. Lumingon lingon pako baka may naka kita, hays buti nalang wala. Nakakahiya

Hinay hinay kong binuklat ulit yung binabasa tsaka ako palihim na sumisilip sa taong nagpapa bilis nang puso ko mula pa Grade 7.

Sya pala si Ken,( slight na ubo) Ken Santiago, 18 years old pero di halata kasi ang tangkad kasi nya mga 6 siguro to, gwapo as in gwapo matangos ang ilong, masisingkit na mga mata na pinarisan pa nang isang microscopic na nunal sa kaliwang gilid, maputi sya, may maninipis at mapupulang mga labi at makakapal na kilay.

nu bayan namumula nanaman ako....

Tsaka mas nakakabighani payong personality nya, sobrang bait nyang tao at super friendly and approachable, yung mga di masyado lumalapit sa kanya sigurado akong isa din ito sa mga taong kagaya ko na nahuhumaling din sa kanya.

Diko mapigilang mapangiti habang sinisilip ko sya, namamaga na siguro tong mga balat ko sa ilalim nang pantalon dahil sa kaka kurot ko. Makita ko lang syang tumatawa kumpleto na yung araw ko.

Crush ko sya simula pa nong Grade 7, so kung bibilangin natin mga 5 taon nadin akong may gusto sa kanya kasi Grade 12 na kami ngayon.

Nasa crack section ako buong juniorhigh at sya naman ay napapabilang sa science class, mag ka kompetensya nga yung mga section namin kasi kaming mga nasa crack kami yung mga di nakapasa for ESEP entrance examination, at masasabi talaga nating matatalino yung mga mula sa science class, matalino rin naman ako siguro? 1 point lang naman kasi yung kulang ko para makapasok sa class nayan.

Nong mag se seniorhigh na ako napag desisyunan kong mag STEM kasi pangarap ko kasing maging doktor at tsaka ano, si Ken dito din papasok.

Nag review ako nang mabuti non para makapasok ako sa 1st section, alam ko kasing mas malaki yung chance na maging magka kaklase kami kasi diba nga matalino sya,

Pero di nga talaga naayon sakin yung tadhana, oo nasa 1st section ako while sya naman nasa 2nd. Sana pala diko nalang masyadong ginalingan ayan tuloy.

Nakakadepress sya sa totoo lang.

Kahit na ganon kuntento narin ako sa pasimple kong pag daan daan sa hallway nila at pasulyap sulyap kasi magkatabi yung mga classroom namin.

All About Him | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon