Chapter 09 : Plan
" so ano na.."
" ano na? ikaw kaya ang leader"
" heee! so diba sabi ni maam mag co community service daw tayo, ano gusto nyung gawin natin?"
Medyo naiilang pa ako magsalita kasi katapat ko mismo nang upuan si Ken, naka form kasi kami nang circle para makapag usap kami nang maayos.
" mamulot kaya tayo nang basura" suggestion ni Luwalhati.
Napatango ako habang tinitignan isa isa bawat members except Ken,
" okay sa inyo?"
"no freaking way, may allergy ako sa mababahong bagay tsaka nangangati ako pag nakahawak nang madumi" sabi bigla ni Gill, napalunok nalang ako nang laway,
" ang arte mo!" pang aasar ni Marquez
" im not maarte im just telling the truth" nakapameywang pang sagot ni Gill habang nakataas ang isang kilay.
" uhhhmmmm, guys please mag usap tayu nang maayos huh pwedi," pag putol ko sa bangayan nang dalawa habang nagpipilit nang ngiti.
" any other suggestion?" napalunok ako nang laway, pati rin naman ako walang maiisip nakaka distract kasi masyado tong si Ken, another bad effects of love, nagiging mahina yung utak mo.
" ahhh" sabi bigla ni Ken habang nakataas kaunti yung kamay.
" what about magpakain nalang tayo sa mga street childrens"
Kahit kailan talaga ang bait nito.
" good suggestion" sabi ko nalang na patango tango pa.
" guys makinig naman kayo sakin diba nga......"
Reklamo ni Gill nang barahin ito bigla ni Marquez.
" ikaw na mag adjust nahihirapan kami dahil sayo ehh"
" uhmm guys, makinig muna kayo ahh, Gill diba may camera ka, ikaw nalang kukuha nang mga litrato para sa documentation natin pwedi? di mo naman kailangan lumapit masyado samin kung nadudumihan ka"
" okay fine para sa grades"
" tsaka pala sabi ni ms. Phang na sa susunod na araw na ipapass to kaya dapat bukas na tayo mag pakain sa mga bata ok ba yun?"
Napatango silang lahat.
" so napagisip isipan ko na sana mamayang gabi na tayo mag handa nang ipapakain natin, kailangan kasi natin damihan para mas marami yung makakain"
Napatango sila ulit.
" tsaka mamayang 5 dapat may mga ingredients na. "
Napatango na naman sila.
" MAG SALITA NAMAN KAYO!!!!" ma attitude kong utak." So san tayo mamayang gabi?" sabi ko sabay clap.
" hindi pweding samin maraming bata"
" hindi din pwedi samin may mga bisita kasi sa bahay"
" sa inyo Leader"
Nagulat pa ako kaunti nang tanungin ako bigla ni Ken.
" wag don samin baka magalit Kuya ko"
" guys di din pwedi sakin sobrang dumi pa nang bahay ko."
Napabuntong hininga nalang kami, teka lang...
Sabay sabay kaming napatingin kay Gill habang nakangiti.
" hahays yan tayo ehh, basta tulungan nyokong mag ligpit ahh"
BINABASA MO ANG
All About Him | BL
Teen Fiction" Ewan ko nalang talaga Tim pag di kapa naging Valedictorian dyan sa pinaggagawa mo" Diko nalang ito pinansin, mas gusto kopang maupo nalang dito sa desk ko sa harap nang libro na ginagamit kong panakip sa mga mata kong taimtim na sumu sulyap sulyab...