Chapter 18 : Rainy Walk

57 2 0
                                    

Chapter 18 : Rainy Walk


" Cheerleading competition champion goes to..................."

nakapikit na ako ngayon at hinihintay na sana ang team namin ang i dedeclare ni winner,
" lord please lord, kahit ito lang......"

" PINK DOLPHINS!!!!!!! you will receive............"

Authomatic akong napayuko pag karinig at pagkarinig ko sa mga katagang yon,

" ayyyy..."
" hay sayang..."  mga salitang naririnig ko mula sa likuran, mga ka grupo kong nanghihinayang sa pagkatalo, diko nga alam kong kaya ko silang harapin sa mga oras nato.

" guys sorry guys, natalo tayo... sorry..." paghingi ko nang pasensya habang naka yuko, pinipigilan koring maluha, ito kasi yong first experience ko as a leader sa cheerleading tapos natalo pa, nakakalungkot lang...

" hala okay lang Tim!"
" Tim para kang ewan, okay lang ano ba, hahaha"

" talaga?" nakasimangot kong ani

" oo nga Tim para kang sira" natatawang sagot ni Trish, at yong iba naman naka ngiti lang, diko naiwasang mapaluha sa mga oras nato,

" thank you guys," sabay group hug.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°(T._.T)

" while making your background of the study, the first thing you should rememb...."

shocks super nakakaantok tong umagang to, pano ba naman kase, si Kuya nagyaya mag movie marathon kagabi na sobrang na enjoy ko naman, sobrang lakas nang ulan kagabi hanggang ngayon, trip kasi namin ni Kuya manood nang movie especially horror tuwing may bagyo, yung kulog at kidlat na nagpapadagdag pa nang thrill sa movie, kaya ayon super puyat. Hanggang ngayon malakas parin yung ulan, ramdam ramdam ito nang buong paligid, balot na balot nang makakapal na mga jacket ang buong klase, at ako namay nilalasap yung init na hatid nang makapal kong jacket, ang sarap matulog.

" remember that it should be...... Dizon! are you listening!?"

Diko napansing napapapikit na pala ako habang naka upo, agad naman akong nabuhayan nang marinig ko yung boses nang teacher namin sa research.

" sorry po Maam,"

" class alam kong nilalamig kayo at pati din naman ako pero please pay attention, next week magsisimula na kayo mag conduct nang research malapit na mag december, kaya pay attention understood?"

" yes maam!!!" sabay sabay naming sagot.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° [ =,,, =]​

Pansin ang mabilis na pag dilim nang paligid, alas sinko palang nang hapon pero nagmimistula nang alas sais nang gabi dulot nang bagyo, naiwan ako sa classroom kasama yung tatlong iba kopang mga kaklase, kami kasi naka assign na mag linis muna bago umalis.

" Tim tara na andilim na oh, bukas na natin yan tapusin " 

" guys anong bukas? sabado bukas,"

" ay oo nga pala, pero Tim andilim na baka wala na tayong masakyan"

" sige na mauna nalang kayo may payong naman ako, maglalakad nalang ako pauwi"

" sigurado ka Tim?"

" oo promise, sige na." nakangiti kong sambit

" sige ikaw bahala, tsaka yung susi Tim nasa table lang, una na kami Tim, bye!!"

Nginitian ko nalang sila at nag ayos na nang mga bangko, buti nalang at natapos nadin, andilim na kasi nang paligid, oo mahilig ako sa horror pero never kong inimagine yong sarili ko na ma experience nang mga ganon, takot din ako sa dilim no.

All About Him | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon