Chapter 19 : Fever
Ken Santiago's POV :
Nanginginig akong pumasok nang bahay at agad pumasok sa banyo para makaligo, minabuti ko nang dalian yung pag ligo ko upang agad na makapag pahinga, sobrang nilalamig na kasi ako at sobrang sakit pa nang ulo ko,
" magkakasakit ata ako..." bulong ko
Matapos magbihis at magpa tuyo nang buhok dali dali akong humiga sa kama at nanginginig na nag kumot. Alam ko namang may lagnat ako, matagal nadin simula nong huli kong mag kasakit nang ganito, yung panahong andito pa si Papa para alagaan ako.
" mawawala naman siguro to bukas.." isip isip kopa.
Wala naman kasi akong gamot sa lagnat, di naman kasi ako masakiting tao kaya di nako bumibili non, pero mali ata ako.
Malalalim ang bawat paghinga ko habang nanginginig ang buong katawan na may kasamang pag ubo, pinipilit kong patulogin yung sarili ko para diko na maramdaman tong mga to.
Nasa ganong sitwasyon ako nang mag vibrate bigla yung phone ko, may tumatawag. Dahan dahan ko tong inabot mula sa ilalim nang lamp,
" leader?.." bat tumatawag si Leader? nawala bigla yung sakit nang ulo ko nang makita ko yung name nya sa phone.
Diko alam pero kinakabahan ako sa tawag nya, first ko syang makakausap sa phone.
Nakatutok lang ako sa screen nang magdesisyong sagutin na ito.
" Ken......" bungad nya, umobo ako bago ako nakasagot.
" hi Leader, ( ubo) napatawag ka ( ubo)" pilit kong ginagawang normal yong boses ko pero di talaga maiwasang mapa ubo ako minsan, sobrang sama nang lalamunan ko ngayon,
Nilayo ko yung phone ko nang mapa ubo ako bigla, ayaw kong marinig nya
" kasi Ken, gusto kolang i check ka.. "
" check? " sabay ubo, ano bayan....
" oo Ken, i che chek kolang kong maayos ba pakiramdam mo....., anlamig kasi kanina... baka ano... nag kasakit ka... ayos kalang ba? ..."
Napangiti nalang ako nang marinig ko yung mga sinabe nya, he sounded very concern, bahagyang nakakuyom yung kamay ko habang tinakip sa bibig ko,kilig ba tawag dito........
Sasagot na sana ako pero di ko napaghandaan yung ubong lumabas mula sakin, nilayo ko yung phone ko at umubo nang bahagya.
" oo leader ayos lang....ikaw ba.."
" ayos lang din, sure ka Ken ayos kalang?....."
" oo naman Leader ayo..." napatigil ako nang mapa ubo naman ako bigla, punamulahan ako sa hiya
" ayos lang promise...." pa tuloy kopa
" Ken! may ubo ka!" medyo may kalakasan nitong sagot,
" no leader normal la..... ( ubo) " napasapo napang ako sa noo ko nang mapa ubo na naman ako bigla, sasagot pa sana ako nang magsalita na naman ito
" Ken! may ubo ka nga! sorry Ken....!! kasalanan ko to ehh, " alam na alam kong nag papanic na naman ito,masakit man yung ulo pero napangiti ako nang tudo nang maimagine ko yung itsura nya sa mga oras nato, alam na alam ko kung pano sya kabahan, kakamutin at kakamutin nya yung buhok nya kasabay yung cute expression nya habang kabado.
" no leader, ayos lang ako promise, mawawa din to bukas......"
" hindi Ken, pano kung mapano ka dahil sakin, pupunta ako dyan..."
BINABASA MO ANG
All About Him | BL
Novela Juvenil" Ewan ko nalang talaga Tim pag di kapa naging Valedictorian dyan sa pinaggagawa mo" Diko nalang ito pinansin, mas gusto kopang maupo nalang dito sa desk ko sa harap nang libro na ginagamit kong panakip sa mga mata kong taimtim na sumu sulyap sulyab...