( hi po, di po ito yong chapter 9,ewan koba kay watty nagloloko, yung chapter 10 11 12 13 naiba yung sequence, tignan nyo nalang may mga numbers naman bawat chapters, thanks)
Chapter 13 : Day
" bat ngayon kalang umuwi Tim..."
Shocks, gising pa pala si Kuya!, diko maiwasang matakot nang tawagin nya ako sa pangalan ko, ganito talaga sya pag galit. Di naman galit yung pagkakasabi nya pero halata sa malamig na tugon nito.
Kabado man, dahan dahan parin akong naglakad sa may sofa kung san sya nakaupo,tumabi ako sa kanya habang nakayuko,
" sorry Kuya, diko naman alam na gagabihin ako masyado, tsaka diba nag paalam naman ako sayo." nakayuko parin ako sa mga oras nato.
" bunso kahit na! tumawag ako sayo para ako na sana mismo susundo sayo pero dika sumagot!"
" sorry talaga kuya, diko napansin lowbat na pala phone ko sorry talaga... " kunting kunti nalang talaga iiyak na ako, minsan lang kasi pagalitan ni kuya ehh.
" tsaka sino yung kasama mo kanina huh! kilala mo ba yon! pano kung masamang tao yun! "
" kuya kaklase ko po yon,... "
" kahit na! pano kung......... "
Di na nya natuloy yung sasabihin nya nang mapansing humihikbi na ako,
" sorry na talaga Kuya, di na mauulit.... " nahihirapan pa ako magsalita, minsan lang kasi pagalitan ni kuya dilang talaga ako sanay.
" kandong ka sakin bunso.... " mahinahon nyang sabi nya habang tinatapik nya yung binti nya.
Dahan dahan naman akong tumayo tsaka kumandong sa kanya,
" sorry na bunso, nag aalala lang naman ako sayo, tahan na, sorry na..." malumanay nyang ani habang naka pulupot sa bewang ko yung dalawang braso nya.
Agad ko naman syang niyakap at siniksik yung mukha ko sa leeg nya, yinakap nya naman ako pabalik
" sorry na bunso, napaka iyakin mo talaga, sorry, " at paulit ulit nya akong hinalik halikan sa pisngi.
" kuya tama na! namumuro kana ehh" nakasimangot kong sabi habang nilalayo yung mukha ko sa kanya,
" sorry na huh, kain kana?"
" oo kanina pa."
" pano bayan dipako kumakain, sabayan moko"
" pero kuya busog pa nga ako!"
Di na nya pinansin yung pagrereklamo ko nang walang kahirap hirap syang tumayo habang buhat buhat ako, napakapit nalang ako nang mabuti sa mga leeg nya.
Malaking tao kasi tong kuya ko, actually sila ni papa, minsan nga habang nag pupush sya bigla bigla nalang akong papatong sa likod nya pero di naman sya tumitigil, tumatawa pa nga.
Napasimangot nalang ako, kulang na nga ako sa height, kulang pa sa timbang..
" actually Tim normal lang naman yung Body mass index mo, para sa isang babae nga lang,haahah"
Kaasar nag paparamdam na naman yung ma attitude kong utak.
So ayon na nga, kumain sya habang nakayakap ako sa kanya at napag pasyahang matulog nalang,
" bahala kanang bumuhat sakin papuntang kwarto ko," at sinobsob kopa yung mukha ko sa leeg nya. Zzzzzzz
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°(/ - . -) /
" this is it guys, lets go!" masigla kong sigaw sa harap nang mga ka grupo ko, lahat kamiy may dala dalang malalaking echo bags laman yung mga ipapakain namin.
BINABASA MO ANG
All About Him | BL
Teen Fiction" Ewan ko nalang talaga Tim pag di kapa naging Valedictorian dyan sa pinaggagawa mo" Diko nalang ito pinansin, mas gusto kopang maupo nalang dito sa desk ko sa harap nang libro na ginagamit kong panakip sa mga mata kong taimtim na sumu sulyap sulyab...