Chapter 23 : Track

44 2 2
                                    

Chapter 23 : Track





" mga iho ito pala si Kael, anak ko, sya yung magiging tour guide nyo don sa bundok,"  pakilala samin nang baranggay captain nang sitio Apollo sa binatang nasa harap namin ngayon.

" hi po." bati samin ni Kael, matangkad ito, pansin din ang maputi nitong balat dahil na siguro sa klima nang lugar nila, masasabi kong nasa kaedaran lang din namin sya.

" by the way wag nyo nang alalahanin yung mga kakailanganin nya don sa bundok especially pagkain, pinaghandaan ko na yan para sa apat na gabing pamamalagi nyo roon,." sabi ni Cap, si Kael naman ay tumango tango habang nakatingin samin.

" maraming salamat po kap, aalis napo kami. " paalam ni Kevin.

Lumabas na kami nang baranggay hall at nag simula nang maglakad paakyat sa mataas na bundok, sabi din ni Kap na aabutin daw kami nang apat na oras sa paglalakad papunta sa isang tribong naninirahan doon. Tatlo kaming nasa unahan, ako si Cha at Kael, habang nasa likod naman  si Ken at Kevin. Tig iisang malalaking backpack nalang ang dala namin dahil narin sa layo nang pupuntahan, sabi ni Kap si Kael na daw bahalang bumaba ulit para kunin kung may kakailanganin pa kami, dala din ni Ken at Kevin ang mga tents namin, habang naglalakad kami nagsalita bigla ni Cha

" Kael ilang taon kana? po ka kasi nang po samin kanina eh parang magkaedaran lang naman tayo." tanong ni Cha,

" haha, yon ba, 14 palang po ako ate." sabi nito habang nagkakamot nang batok.

" ehh?!!"  sabay naming reaksyon ni Cha, di kasi kami makapaniwala na 14 palang to, ang tangkad nya na tas medyo mukhang matured narin, natawa nalang ito habang tumatango

" seriously? shocks Tim 14 palang antangkad tangkad na pero ikaw 17 na parang grade 8 parin!" sabi ni Cha bago tumawa, relax Tim, babae yan wag munang patulan.

" hiyang hiya naman ako sa height mo ano, maka pamintas eh." 

" lol atleast mas matangkad pa ako sayo! burnn... "  kaibigan ko ba talaga to?

" Ate okay lang naman height nya, bagay naman." sabat bigla ni Kael

" oo nga Cha, diba tol?" sabat naman ni Kevin sa likuran na tinanguan naman ni Ken

" kausap ko kayo? tara na nga wag nyong pansinin yang dalawang unggoy dyan sa likod"  taray ni Cha bago umakbay saming dalawa ni Kael, pinapagitnaan kasi namin sya.

" Cha mabigat!!" reklamo ko pero patuloy parin to sa pag akbay samin at nag lakad nang mabilis.

Magdadalawang oras na kaming uma akyat nang bundok, pwro sa dalawang oras nayon walang ni isa samin ang nag reklamo, pano ba naman kasi ang gagamda ng view dito, may madadaanan kaming kakahuyan na di naman masukal, minsan naman maglalakad kami sa paakyat na part nang bundok na puro berdeng damo lang ang makikita na may mga kulay dilaw na bulaklak, mag aalas nwebe na nang umaga, sikat na ang araw pero di masakit sa balat. Habang naglalakad nga kami ay kuha kami nang kuha nang litrato ni Cha,

" Guys pahinga muna tayo sandali?!"  sabi ni Cha na sinang ayunan naman naming lahat, umupo kami sa ilalim nang isang puno na nagsilbing silungan namin sa araw, paakyat ang parteng to at tanging ang puno lang nato yung pweding mapagpahingaan dahil flat ang lupa sa paligid nito. Habang nagpapahinga kami nilibot ko yung paningin ko sa lugar, tulad nang mga kanina, andito kami sa walang kakahoy kahoy na part nang bundok na puro damo at kulay dilaw na bulaklak lang makikita, diko maiwasang mapangiti, dagdag pa sa ganda nang view ang imahe nang iba pang bundok,nasa ganong sitwasyon ako nang may magsalita

" Leader, gusto mo?"  sabay abot nang cup noodle, tinanggap ko naman to, kahit may araw pansin parin ang lamig nang paligid dahil na siguro sa taas nang bundok.

" salamat Ken."  i smiled, ngumiti ito pabalik bago tumingin sa sa tanawin, diko inalis ang tingin ko sa mukha nyang lalong gumwapo dahil sa sinag nang araw, binalik ko ulit ang atensyon ko sa tanawin habang nakangiti, namumula rin siguro ang pisngi ko dahil sa kilig, oo kinikilig parin ako tuwing nakikita ko ang mukha nya, ayyts

" Leader bat ka nakangiti?" napatakip nalang ako nang bibig at pisngi, shocks napansin nya pala yon

" ahh wala, ang ganda kasi nang view, picture tayo?" diko alam kung san ako naka kuha nang confidence para yayain syang mag selfie, pero Tim close na naman kayo diba? but it doesnt mean na di na ako makakafeel nang hiya no.

"sure!" agad nya namang sagot, nag presinta syang sya nalang ang kukuha nang litrato namin.

" ang cute natin dito." sabi nya bigla habang nakatingin sa phone.

" ikaw lang naman yung cute." mahina kong sambit.

" hmmm?" napatingin ako kay Ken nang mag react sya, nakataas ang dalawang kilay nito tela gustong ipa ulit yung sinabe ko, shockks

" TIM! KEN! TARA NA! " sigaw bigla ni Cha, hulog ka nang langit Cha, napatayu naman kami agad at pumunta sa may pwesto nila,

" so ano tara na?!" tanong ko sa kanila

" lets go!" hyper na sagot ni Cha.

So ayon na nga naglakad na kami, may nadaanan kaming kakahuyan at isa pa, may sobrang linaw na mga batis din kaming nadaanan na sa sobrang linaw kitang kita yung mga isdang lumalangoy don, isa lang ang masasabi ko, sobrang ganda nang mount apollo.

" pwedi nga rin tayong manghuli nang isda para kainin kung gusto nyo." sabi bigla ni Kael na kina excite naman namin ni Cha, di pa kasi ako nakaranas non

" talaga!? Tim manghuhuli tayo nang isda!!"  excited na sabi ni Cha habang hila hila yung braso ko.

" oo na manghuhuli nga tayo kaya itigil mo yang kakahila mo Cha, pag ako talaga natumba..."  pagbabanta ko

Ang loka loka naman mas lalo pa akong kinulit dahilan para mapataw nalang kami.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°(^×^)





VOTE AND COMMENT PLEASEEEEEEEEEEEEEEEEEE



_charlemagneticfield










All About Him | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon