Chapter 06 : Same Heartbeat

79 9 0
                                    

Chapter 06 : Same Heartbeat



Ken Santiago  POV :

Nasa waiting shed ako sa harap nang school naghihintay nang masasakyan, mga sampung minuto narin yung lumipas mula nong umupo ako dito, puno naman kasi halos lahat nang mga taxi sa mga oras nato kasi uwian narin nang ibang kalapit na mga school. Napasandal nalang ako sa headboard nang kinauupuan ko habang sinusulyapan ang bawat sasakyang dadaan.

"Bakit pa nga ba ako uuwi, wala naman akong uuwian."

Isang humaharorot na puting van ang dumaan,sinundan koto nang tingin hanggang maglaho ito sa paningin ko.

" Ma! bili po tayu ice cream!" sigaw nang pitong taong gulang na Ken habang hila hila yung kamay nang mama nyang namimili nang prutas sa isang stole.

" shhh, diba behave lang tayu baby Ken dyan ka lang."

" ma! di napo ako baby! big boy na po ako!"  napa crossarm nalang ito habang naka kunot ang noo.

Ayaw nya kasing tinatawag pa syang baby, lagi syang sinasabihan nang papa nya na dapat alagaan nya daw lagi ang mama nya pati narin ang dalawang taong gulang na kapatid, protekatahan ito at siguraduhing maging goodboy lagi.

Naghanap ang batang Ken nang pera sa kanyang bulsa, buti nalang at meron pa syang tirang pera na binigay sa kanya nang papa nyang naghihintay sa kanilang kotse.

Agad na tumawid ang batang Ken na di pinapansin ang mga sasakyang dumadaan makabili lang nang pagkaing gusto nito.

" UY KEN!  NAKO BATANG TO! ale pakibantayan naman sandali nitong baby ko"

Rinig pa ni Ken ang sigaw nang Mama nyang kung di sya nagkakamali ehh nasa kabilang dulo pa nang daan. Di nya ito nilingon.

" Manong yung may cookies po!"

Sarap na sarap ang batang Ken habang dila dila nya icecream na dala dala.

Agad naman syang bumalik sa tindahan nang prutas kung san sya nang galing pero ang kanyang pinagtataka ay kung bakit may kumpulan nang mga tao sa gitna mismo nang kalsada, di nya nalang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Nagtaka sya nang makita nya nang mag isa ang dalawang taong gulang na kapatid sa tindahan habang umiiyak, nataranta sya sapagkat ngayun nya lamang nakitang ganun katindi ang pag iyak nang nakababatang kapatid,

" Ma!? San na po kayo!?" sigaw nya at nilibot ang paningin.

Don nya lang napansin ang ama nyang nakaluhod sa kumpulan nang mga tao.

"pa bat po kayo umiiyak?" takang tanong nang walang kamuwang muwang na si Ken.

" na nak yung mama mo iniwan na tayo!" don na humagolgol tuluyan ang kanyang ama habang akap akap sya,

Nanlaki ang kanyang mga mata nang don nya lang napansin ang nakahandusay na babaeng naliligo sa sariling dugo,

" ma?"

Dumating sa punto na sinisi ko yung sarili ko sa pagkawala nya, di naman ako sinisi ni papa pero kahit pa pagbalik baliktarin natin ang mundo, kung di sana ako naging pasaway di sya mawawala

Nang mag highschool na ako, napag desisyunan na ni papa na sa ibang bansa nalang magtrabaho para mabuhay nya kami nang kapatid ko. Kaya mag aanim na taon nadin akong mag isang namumuhay.

Sinusundan nang mga mata ko bawat humaharorot na kotseng dadaan.

Kakatingin ko napansin ko ang pamilyar na pigura nang taong patalon talon pa habang naglalakad,

Agad ko naman kinuha ang cellphone ko tsaka nag kunwaring may kausap habang nakayuko...

Palihim ko syang sinusulyapan, titigil sandali sa paglalakad tapos aamuyin yung hawak nya tsaka ngingiti at patalon talon na naman na maglalakad.

Napangiti nalang ako sa mga simpling kilos nya,

Sino bang 17 years old ang ganyan maglakad sa panahon ngayun, sya lang!
Gusto ko tuloy syang iuwi sa bahay tsaka gawing keychain.

Pinagpatuloy ko lang ang pag sulyap sa kanya hanggang sa di inaasahan ay bigla nalang sya napatid at nadapa sa semento,napatayu pa ako.  

" tutulungan ko ba sya o hindi?!" tanong ko sa utak ko.

Buti nalang paluhod lang ang pakakadapa nya kaya agad naman syang nakatayo.

Mabilis akong nagpanggap na may kausap sa phone para di nyako mamukhaan.

Ilang sandali lang halata yung pagkataranta nya tsaka nagpaikot ikot, may hinahanap.

Nanlaki nalang yung mata ko nang bigla syang lumuhod at pinasok yung kanang braso nya sa kanal

Iilawan nya yung ilalim nang kanal bago nya ipapasok ulit yung braso nya.

Gustong gusto ko na sya tulungan kaso sobrang nahihiya ako.

Anong gagawin ko!

Plan A: Pupuntahan ko sya at tatanungin kong kailangan nya nang tulong.

3...2....1.... ACTION!

" Kailangan mo nang tulong?" tanong ko sa kanya na kabadong kabado, tititigan nya lang ako at tatakbo ako bigla sa sobrang hiya.

" HINDI PWEDI YUN!!!!!"

Plan B: Kunwari akong dadaan sa harap nya tsaka pasimpling ihuhulog ang phone ko don mismo sa kanal, imbes na phone ko yung kunin ko uunahin ko yung hinahanap nya.

3.....2....1....ACTION!

Naglalakad ako tsaka pasimpling ihuhulog yung phone.

" hala yung phone ko!" titingin sya sakin sandali bago ibabalik yung atensyon sa madilim na kanal.

Aabutin ko yung phone ko.

" ito ba yung hinahanap nya, malambot tsaka mabalahibo, bola bato" tanong ko sa isip ko.

Sa pag angat ko nang mga kamay ko.

" hello!" nakangising sabi samin nang daga na hawak hawak ko.

Bigla nalang sya tatakbo at iiwan ako.

"LALONG HINDI!"

Na dissapoint ako sa sarili ko at malungkot na titingin sa mga sapatos ko.

Nang tignan ko sya ulit bakas yung kabiguan sa mga mukha nya, pawis na pawis pa.

Huminga ako nang malalim at lumunok nang ilang beses bago tumayo.

" Gusto mo tulungan kita dyan?"  casual kong tanong habang nakangiti.
He nodded.

Agad ko namang nakuha yung bote nang perfume na inaabot nya kanina pa.

" Salamat talaga Ken, sorry nadisturbo pa kita nadumihan pa tuloy yung uniform mo" nakayuko nyang pasasalamat sakin.

" ehhh parang di naman tayo mag kaklase, tsaka kahit sino naman tutulong kung nakita kang nahihirapan dyan."

Sabay kaming naglakad pauwi nang bahay, sobrang lakas nang kabog nang dibdib ko sa bawat segundong kasama ko sya sa paglalakad.

" salamat pala talaga ulit Ken"

Tumango ako.

" sige una na ako Tim"

Mabagal akong naglakad at hinihintay na marinig ang pagsara nang gate bago ako lumingon.

" I like you since day one Tim, sana maramdaman moko"

°°°°°°°°°°°°°°°°°°\(>~<) /




VOTE AND COMMENT PLEASEEEEEEEEEEEEE.

_charlemagneticfield










All About Him | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon