Chapter 22 : Bus
" Manong dito napo, salamat po manong." matapos ko mag bayad bumaba na ako sa taxi at bumungad sakin ang malamig na paligid, 4 : 40 palang nang umaga at halata ito sa dilim nang paligid. Agad naman akong nag lakad at pumunta sa waiting shed sa harap nang school para don hintayin yong mga ka grupo ko. Nasa gitna palang ako nang pedestrian lane ay pansin ko na may naka upo sa waiting shed, madilim ito kaya diko makita kung sino yung naka upo.
Tahimik akong naglakad at nakita kong natutulog pala yung tao, yakap yakap nito yung malaki nyang bag, napangiti nalang ako nang mapagtanto ko kung sino to.
" tiktilaok!!!" may kalakasan kong bulong sa kanya,akala ko magugulat sya pero nagsalita lang ito habang naka yakap parin sa bag nya.
" wag mokong matiktilaok dyan Tim baka magdilim yung paningin ko sayo" banta nito
" luhh bat ka galit Cha? mag gogoodmorning lang naman sana ako eh" natatawa kong sagot, ini angat nya yung mukha nya at humarap sakin na may naniningkit na mga mata, natawa pa nga ako nang mapansin kong may muta pa ito
" alam moba Tim kanina pako alas kwatro dito? kulang ako sa tulog dahil sa cellphone kong advance ang time na ang aga aga nag alarm, kaya parang uwa mona Tim patulugin mo muna ako please...."
" He! diko naman kasalanan na advance yang time mo tas Cha mga 10 minutes nalang dadaan na dito yung bus kaya mag ready kana. " paalala kopa, si Cha naman parang wala ng narinig at pinagpatuloy parin yung pag iglip, balakajan
Kinuha ko yung headset ko at nakinig nalang nang music...
Habang nakikinig nang music nasulyapan ko ang papalapit na bulto nang taong hinahangaan ko mula pa noon,it was Ken smiling brightly habang papalapit sakin, nakasoot ito nang gray hoodie, may dalang malaking malaking bag sa likod tsaka isang malaking bag pa na bitbit sa kaliwang kamay nya. Nakatingin lang ako sa nakangiti nitong mukha habang papalapit sakin.
" heartbeat heartbeat sweety girl....
heartbeat heartbeat in my life....."" Leader?" sabi ni Ken sa harap ko habang nakakunot ang noo, winiwave din nya yung kamay nya sa mukha ko, napayuko nalang ako bigla
" AHHHHHHHHH PARA KANG TANGA TIM!!!!!!" sigaw kopa sa isip ko, don kolang na realize na para akong tanga na nakatulala sa harap nya, ahhhhh!!!!
Huminga ako nang malalim bago iniangat yung mukha ko at binigyan sya nang pilit na ngiti.
" hehe, goodmorning Ken, sorry nakikinig kasi ako nang music parang nawala ako sa katinuan ko, hehe" sabay lunok nang laway
" ayos lang, ganyan din naman ako pag nakikinig nang music, paupo ah." paalam nya kaya napa usog naman ako kunti, pilit koring tinutulak sa Cha pero ayaw talaga mag pa awat. Nakaupo lang kami ni Ken habang nakadikit lang yung balikat ko sa kanya, shocks ang init sa pakiramdam nito, balikat palang to ah, balikat lang
" ang aga mo ata Leader, mga 8 minutes pa bago mag 5," pag basag nya sa katahimikan
" ah eh oo, excited lang ata, di pa kasi ako nakakapag stay sa bundok nang matagal " nakangiti kong sagot habang nakatingin rin sa kanya
" same." simple nitong tugon, di na ito nagsalita at pinagpatuloy konarin yung pakikinig nang music hanggang dumating si Kevin na naka white hoodie na pinarisan nang itim na walking shorts,di rin kita ang binti nito dahil lagpas tuhod din yung itim nyang medyas habang naka rubber shoes.
Nag goodmorning ito sakin at kay Ken, nakatayo palang ito sa harap namin nang dumating nayong bus na sasakyan namin.
" shit! buti nalang naka habol, so tara na?" sabi bigla ni Kevin
BINABASA MO ANG
All About Him | BL
Teen Fiction" Ewan ko nalang talaga Tim pag di kapa naging Valedictorian dyan sa pinaggagawa mo" Diko nalang ito pinansin, mas gusto kopang maupo nalang dito sa desk ko sa harap nang libro na ginagamit kong panakip sa mga mata kong taimtim na sumu sulyap sulyab...