Chapter 16 :
Mabilis na lumipas ang dalawang linggo, lunes ngayon at ito na ang araw kong san gaganapin ang Intramurals, sa araw na ito magkakasubukan na nang abilidad ang bawat manlalahok sa bawat kupunan,teka nga lang bat ba ganito ako magsalita.
" guys! Galingan natin ahh, ito lang yung maitutulong natin sa team kaya galingan sana natin, maasahan ko ba kayo?! ."
" OPO LEADER!"
Ngumiti ako sa kanila at huminga nang malalim, grabe kahit dito lang kami at mag che cheer sobrang kinakabahan parin ako, ginawa ko naman ang best ko sa pag le lead, hayst
" uhm, mic test, Good day students of Moonpass Academy!, ito na ang araw kung san maipapamalas na natin ang kanya kanyang lakas, abilidad at teamwork,this is me Violet Recom this year's intramurals host,what are we waiting for lets welcome our athletes!, lets start with... PINK DOLPHINS!!!! "
Sunod sunod na naglakad papuntang field ang kupunan nang Pink dolphins, syempre kulay pink yong mga soot nila, nangunguna sa paglalakad ang mga grade 7 at huli ang mga grade 12 athletes,
" YOU HO-HO-HOT PINK DOLPHINS! "
" YOU HO-HO-HOT PINK DOLPHINS!"
" YOU HO-HO-HOT PINK DOLPHINS!"Diko mapigilang pawisan sa kaba, nakatingin lang ako sa cherring squad nila na bigay todo sa pag eexecute nang routine,
" Tim ok kalang" tanong ni Trish habang hawak hawak yung isang kamay ko na nanlalamig na.
" hindi ehh, kinakabahan ako" pilit kong ngiti
" Tim ano kaba, kakabogin natin yan, para san payong mga ensayo natin? kaya leader relax"
Sinuklian kolang ito nang tipid na ngiti at huminga nang malalim.
" LET'S WELCOME THE ORANGE TIGERS!!!"
" ORANGE, AHH HAHA, ORANGE AHH HAHA!
" ORANGE, ORANGE, ORANGE, ORANGE OHH!And then nahagip na nang mga mata ko si Ken na gwapong gwapo sa soot nitong kulay orange na hapit na sport jacket at pants,
" GO KEN!!!! "
" anong go ken tim? Di yan kasali sa pinagpractisan natin uy... " bulong bigla ni Trish
" sorry." diko napansing nadala na ako sa emosyon ko, ang guess what nakatingin sakin ang mga athlete, napa yuko nalang ako, ako pala yung may hawak nang megaphone nang team, tatanga tanga kasi. Nong maramdaman kong wala na sakin ang atensyon iniangat kona yung mukha ko at sumalobong sakin ang nakangiting mukha ni Ken mula sa malayo, diko napigilang pamulahan tsaka ko ibinaling pakaliwa yung mukha ko at nakita kong namumula si Trish na dirin mapakali.
" Trish okay ka lang?"
" hindi ako okay!"
" hala bakit, may sakit kaba?!, dalhin na kita sa clinic!?"
"no need Tim, si Ken kasi nakatingin sakin kanina habang nakangiti, shit Tim ang gwapo! at bat nya ako tinitignan kanina?! wahh" kinikilig nitong sagot.
" ahhh" ibinaling ko nalang ulit yung paningin ko sa team namin na nasa field, yung kaninang kilig bigla nalang nawala, ang assuming ko kasi kala ko pa naman sakin sya nakatingin, kay Trish pala ma aaminin kong napakaganda rin.
" And now lets welcome our school head! Mr. Johson to officially announce the start of the event,a round of applause.
" Good day students of Moonpass Academy, and now I officially declare the start of the 116th Moonpass Intamurals."
Kasabay nito ang pag sindi nang, ahh ano ba tawag dito, basta yung sinisindihan tuwing start nang mga sport events,heheh
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°(- . -)
BINABASA MO ANG
All About Him | BL
Jugendliteratur" Ewan ko nalang talaga Tim pag di kapa naging Valedictorian dyan sa pinaggagawa mo" Diko nalang ito pinansin, mas gusto kopang maupo nalang dito sa desk ko sa harap nang libro na ginagamit kong panakip sa mga mata kong taimtim na sumu sulyap sulyab...