Chapter 27 : Game

42 2 1
                                    

Chapter 27 : Game

" ahh!!! lumayo ka sakin ambaho mo!"

" wag kang mag inarte Cha pare pareho lang naman tayo ditong walang paligo tss.."

" pero Tim i swear nangangamoy kana talaga, diko na kakayanin makatabi ka pa matulog mamaya." sabi ni Cha na may nandidiring mukha, pangatlong araw na namin ngayon dito at kagigising palang namin,

" grabe ka naman Cha, makasabi ka naman kala mo naman dirin nangangamoy, "  sabay stetch nang braso ko.

" i admit it, hayyst pano bato, wala ba silang public banyo dito, and speaking of banyo natatae na ata ako, Tim pakikuha naman nong tissue"

" ewww ang salaula ah, pwedi namang di sabihin"

" hayyst bilis na NATATAE NA AKO!!!!"  binato ko naman sa kanya yung isang rolyo nang tissue

" labas na baka dito kapa magkalat" pananaboy ko sa kanya, mabilis naman tong lumabas, wala pang 10 seconds bumalik na naman ito

" um Tim, san pala ako mag popoop? "

" aba ewan ko sayo"

" Tim please tinatawag na talaga ako nang kalikasan"

" balakajan diba sabi mo mabaho ako"

" mabaho ka naman talaga at mas babaho kapa kung mismo dito sa loob ako abutan nitong letcheng tae nato, Tim diko na talaga kaya...!!!!!"  nabahala naman ako sa mga pinagsasabi nito

" wait Cha pigilan mo muna, teka lang!" taranta kong binuksan yung bag ko at don kinuha yung maliit na pala,  natotonan koto don sa live action nang Dora, pfft

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° ( #. #)

" wews, thanks Tim, you're re the best" sabi ni Cha sabay punas nang noo, kakatapos lang mag.......... nitong babaeng to, aakto pa sana ako nitong yayakapin

" he! dyan kalang wag kang lalapit...... AHHHHH!!" wala na akong nagawa nang makayakap nato sakin, jusko kaka ano palang, ewwwww

" thanks Tim, tara na"

" kadidri ka Cha!"

Pagdating namin sa mga tent nagtaka kami bat wala yung tatlo,

" san na yong mga unggoy nayon"  sabi ni Cha habang nagkakamot nang ulo, naglakad lakad nalang kami sa tabi nang ilog para hanapin sila pero diko inaasahan nang may bigla nalang yayakap sakin mula sa likod at mas diko pa napaghandaan yung biglang pag lundag nya kasama ako papunta sa tubig..

"HMMMPPP!!!!"  gusto ko mang sumigaw pero wala akong magawa, nakaloblob yung buong katawan ko sa tubig, kaya pinilit ko nalang na i relax yung sarili ko habang hinihintay yung pag ahon namin mula sa tubig

Malalim ang bawat paghinga ko habang mahigpit na nakayakap sa taong nagdala sakin sa muntik ko pang kamatayan, di ako marunong lumangoy,

Rinig ko ang mahinang pagtawa nitong taong kayakap ko, alam kong si Kevin to kaya mabilis kong pinagsusuntok yung likod nya habang sya naman don na tumawa nang malakas.

" kainis ka, gusto mo ba kong mamatay huh!"

" haha, sorry Tim, joke lang, tsaka di naman kita hahayaang malunod eh,"

" tssk," pagkasabi ko non don kolang napansin na hubad baro pala tong unggoy nato kaya pinilit kong bumaba sa pagkakayakap nya.

" gusto mo bang malunod? " tanong nya, pansin ko kasi na hanggang dibdib nya lang yung tubig kaya alam kong mababaw lang to, nakakapit parin ako sa kanya habang pilit pilit na sinasayad yung mga paa ko sa ilalim nang tubig,di naman ako nagkamali mababaw nga talaga, kaya don na ako humiwalay kay Kevin

All About Him | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon