Chapter 20 : Special Tortang Talong
Gising na ako pero mas pinili ko nalang na manatiling nakahiga at nakapikit, malamig ang panahon at rinig parin ang patak nang ulan sa labas.
" hmmm..."
Enjoy na enjoy ko yung init na hatid nang unang niyayakap ko ngayon, nanatili parin akong nakapikit at ninanamnam ang unang yakap yakap ko, mabango, may kalakihan, mainit, pero may katigasan? hmm, not bad, very comfortable para sa isang unan.
" hmmmm......" mas idiniin kopa yung sarili ko dito.
Napadilat ako nang kumulog nang malakas, mas malabo yung paningin ko kasi kakagising kolang tas dikopa suot yong salamin ko.
Pilit kong inaaninag hanggang unti unting luminaw ang imahe nang niyayakap ko ngayon.
"hmmmmmm!!!" napa ikot ako bigla na naging dahilan nang pagkakahulog ko sa kama.
" arayyyyyy....." mahaba pero mahina kong daing habang nasa sahig,
" Leader!?!" sabi bigla ni Ken na kita kita kong napabangon sa kama.
" nandito ako Ken," sagot ko
Bumaba sya sa kama at agad na nilibot ang kwarto, nanlaki payong mga mata nya nang makita nya ako sa sahig.
" Leader! bat andyan ka?!" may kalakasan nitong tanong.
Tinulungan nya naman akong bumangon, pag katayo ko pinagpagan ko yong damit ko.
" hehe, sorry nahulog ako sa kama, pero ayos lang di naman masakit.." sabay pilit na ngiti
" nasipa ba kita Leader?! " tanong nya.
" naku hindi, malikot talaga ako matulog, sorry,..." sabi ko at tumalikod at kinuha yung salamin ko sa bed table, humarap ako ulit kay Ken pero medyo nakayuko ako kasi sinusuot ko yung salamin.
Pag ka suot ko may naaninag akong naka umbok sa isang tela,
" ano yan? " taka kong tanong kay Ken habang turo turo yung naka umbok sa harapan nya.
Nakatingin lang ako dito nang ma realize ko kung ano tong tinitignan ko at turo turo kopa,napa angat yung mukha ko at nakita ko si Ken na pulang pula sa mga oras nato.
" kyahh!" sabay talikod," Tim!!?? ano yung nakita mo!!!!" sigaw sigaw ko sa isip ko,
" sorry Leader...."
" no Ken, normal lang yan, no need na mag sorry ka, pagamit nang banyo mo ah..." diko na sya hinintay na makasagot at mabilis na naglakad papuntang banyo nya, pag kasirado ko nang punta napa sabunot nalang ako sa buhok ko,
" shocks, nakakahiya ka talaga Tim, turo turo mo pa ah?, " sabi bigla nang utak ko.
Nakakahiya tuloy lumabas, malipas nang ilang minuto binuksan ko na yung pinto at sinilip kong nasa loob pa ba si Ken, buti wala na.
Paglabas ko kinuha ko agad yung mga dala ko kagabe, kukunin ko na sana yung medicine kit nang mapagpasyahan ko nalang na iwanan ito dito, wala kasing mga gamot si Ken dito,
Pagkalabas ko nang pinto agad kong naamoy yung mabangong niluluto ngayon sa kusina, may naririnig din akong nag piprito,pag kababa ko nakita ko si Ken sa kusina na nakatalikod habang nagluluto, tinignan kolang ang likod nito. Naramdaman siguro nito na may nakatingin sa kanya kaya lumingon ito likod nya.
" goodmorning Leader, upo ka muna Leader tatapusin kolang to..." bati nya habang nakangiti.
Napalunok ako nang laway at pumunta sa kusina at umupo sa upuan don.
" ano yang niluluto mo Ken..?" tanong ko sa kanya, ambango kasi diko napigilang magtanong, diko na inisip yung nakita ko kanina,
" ahh ito ba, special tortang talong, recipe to Papa, wait lang malapit nato Leader." sagot nya habang nakangiting naka harap sakin.
" hmm take your time, tsaka bat ambilis mo naman ata nakaluto nyan Ken." tanong ko, nagluluto din naman ako nang tortang talong sa bahay pero di naman ganito ka dali.
" ahh may mga preserved na ganito na kasi ako sa ref, para luto agad pag gusto ko kumain nito, ginagawa ko to pag wala akong magawa dito sa bahay. " mahaba nitong sagot habang harap harap parin yung niluluto nya, pero kita ko yung mga ngiti nya habang sinasabe nya yon.
" ahhh, " sabi ko nalang,
Dirin nagtagal at napansin konalang na nakahanda na ang agahan sa harapan ko, napalunok pa ako nang makita ko yung itsura nang tortang talong nya.
" special nga" sabi ko bigla
" hmmm?" si Ken
" yung talong special nga, andaming sahog naman nyan."
" oo Leader, masarap din yan,kain na tayo?"
Tumango ako at nagsimula na ngang kumain.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°( -. -)
" pano bayan Ken una na ako, remind kolang na inumin mo parin yung gamot mo kahit na medyo magaling kana huh, " paalala ko sa kanya habang nag susuot nang jacket.
" opo Leader, Leader aalis ka naba talaga? may ulan pa oh." sabi nya bigla
" Ken mas malakas pa yung ulan kagabe, "
" kahit na Leader, wait kalang dyan may kukunin lang ako. " paalam nya bago sya patakbong umakyat sa kwarto nya, bumalik sya sa harapan ko na may dalang... jacket?
" suotin mo" sabay abot sakin nong jacket.
" huh? may jacket na ako Ken, tsaka nakakahiya naman sayo."
" no I insist, suotin mo yan baka ikaw pa magkasakit nyan Leader" sagot nya agad.
Wala na akong nagawa kundi suotin nalang yon,may pag ka makulit din pala tong Ken nato, kulay puting jacket ito na may maliit na naka imprentang siomai sa gitna, may kalakihan din ito
"salamat, sige una nako ako Ken, bye" paalam ko.
" salamat din ulit Leader, kung di dahil sayo baka may sakit pa ako hanggang ngayon, salamat"
" hmm.." sagot ko nalang habang tatango tango, nagkatitigan pa kami sandali nang ako na mismo bumitaw.
" sige Ken, uwi nako bye!"
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°[ ÷ × ÷]
VOTE AND COMMENT PLEASEEEEEEEEEEEEEEEEEE
_charlemagneticfield
BINABASA MO ANG
All About Him | BL
Novela Juvenil" Ewan ko nalang talaga Tim pag di kapa naging Valedictorian dyan sa pinaggagawa mo" Diko nalang ito pinansin, mas gusto kopang maupo nalang dito sa desk ko sa harap nang libro na ginagamit kong panakip sa mga mata kong taimtim na sumu sulyap sulyab...