Chapter 07 : Diary
July 8, 2020
Dear Diary....
Yoko na sa earth!!!! Si Ken lang mundo ko!!!! Nasabi ko nang lucky day ko nong nakaraang araw at masasabi kong lucky day ko rin ang araw nato, huhuhu, im such a mess nong makabalik ako galing canteen so i need to change my clothes, wala akong damit na extra kanina kaya Ken allow me to lend some of his shirt, how gentleman right? Sya pa nga mismo nagkusang nagbigay, di nga ako nag gagalaw kanina buong araw kasi ayaw kong mawala yung amoy ni Ken sa shirt nya, Ken pwedi bang diko nalang to ibalik?
Kumuha ako nang gunting.
" Sorry talaga Ken itong brandtag lang naman kukunin ko, sorry sorry!"
Ginupit ko kaagad yung brandtag na nakatahi sa loob sa bandang gilid nang t shirt.
" di nya naman siguro mapapansin to, sorry talaga Ken"
Nang magupit ko na nang tuluyan hinalikan ko to bago ko to idikit sa diary ko,
Ahhh tungkol pala sa diary kong to, dito ko sinusulat yung mga di malilimutang karanasan ko na involve si Ken, kumukuha ako nang kahit anong bagay na magpapaalala sakin sa araw nayon, kahit ano pwedi.
Grabe madami dami nadin akong koleksyon mula pa Grade 7.
Sa pag buklat kong muli nito, nakita ko yung kauna unahang page nito, napangiti akong muli habang inaalala ko kung pano nagsimulang mahulog ang loob ko sa kanya.
" ATTENTION!!!!!" napahawak nalang ako sa tenga ko sa nakakabinging sigaw nang intern naming si Ms. Phang.
Kakatapos lang nang isang meeting sa gym, participants sa meeting nato ang lahat nang mga bagong studyante nang school.
" ATTENTION!!!!! order ito nang Year level coordinator natin! Yung babangitin kong mga sections ay magpapaiwan para mag linis sa buong gym!"
" tsskkk"
" noooooo"
" no magkakapimples ako"Umalingawngaw sa gym ang di pag sang ayun nang mga studyante, may iilan pang nagmamadaling makapunta sa main entrance tsaka sa exit nang gym para maka takas.
" HEY SHUT UP!!! MANONG GUARD PAKI LOCK PO NONG MGA PINTO!"
" okay listen everyone, uhhm, Section Newton( science class), SPA A (special program in arts) and B, SPJ ( special program in journalism),SPS C ( special program in sports), Sampaguita( crack section) together with Camia, Jasmine, Hyacinth, Daffodils, Lily, Tulips, Marigold and Carnation maiiwan kayo... "
" ahhhhhhhhhhhh!!!! " alingaw ngaw nang mga natawag na section,
" Yung mga di natawag makakalabas na kayo, yung mga nabanggit ko nandon sa storage room yung mga gagamitin nyu, and by the way class mayors check nyu attendace nang mga classmates nyung naglinis"
Tanging yabag at tawa lang nang mga papalabas na section ang maririnig sa buong gym,
" BILIS NAAAAAAAAA!!!!!!!!!"
Agad namang gumalaw ang lahat at nagkanya kanyang linis, may naghakot sa mga monoblock chairs, nag walis sa mga mahahabang upuan sa gilid at sa ibabaw nang entrance, may nagwawalis sa sahig bago mag mop, at may tagahakot nang basura papuntang exit.
Dahil nga class mayor ako nag check naman ako nang attendance habang may hawak na feather duster,
Halos magiisang oras din bago natapos linisin ang buong gym sa lawak ba naman nito,
" tara na Mayor!"
" una na kayo ibabalik ko pa to sa storage room" sabay taas sa dalang feather duster
BINABASA MO ANG
All About Him | BL
Novela Juvenil" Ewan ko nalang talaga Tim pag di kapa naging Valedictorian dyan sa pinaggagawa mo" Diko nalang ito pinansin, mas gusto kopang maupo nalang dito sa desk ko sa harap nang libro na ginagamit kong panakip sa mga mata kong taimtim na sumu sulyap sulyab...