Chapter Twenty Two

11 2 0
                                    

Posibilidades de escapar

Yorie

Pagkadilat ko, agad akong napasinghap ng hangin na para bang kinulang na ako sa oxygen at agad akong napabangon sa hinihigaan kong kama! Habol hininga ako na halos ramdam ko rin na pinagpapawisan ako, shocks! Mapahawak ako sa dibdib ko at hinaplos ito dahil mabilis din ang tibok ng puso ko.

What the heck.. omg.. ay...

Napapapikit at napapailing ako habang inaalala ang mga nangyari, grabe! Grabe talaga, grabe talaga siya! Lagi nalang 'tong nangyayari ah!

"Gosh! Lagi mo nalang akong binibigla! Papatayin mo talaga ako sa kaba! Nakakaloka!" Napalo ko pa ang kama na hinihigaan ko matapos kong isigaw 'yon dahil inis! Inis rin akong napasandal sa kama at napayakap sa sarili at saka pinagmasdan ang paligid ko.

Nandito pa rin ako sa kuwarto ko.. napatingin ako agad sa alarm clock sa side table ko at bahagya akong napanganga ng makita ko ang orasan, gosh...

8:30 na? Ibig sabihin, nanaginip pala ako?

Pero kahit panaginip ang dating no'n, alam kong nangyari pa rin 'yon...

Sa tindi rin at sa hinaba-haba ng panaginip ko, hindi manlang ako nagising ng mas maaga? Gosh!

Sa bagay, mukha lang panaginip pero alam kong nangyari 'yon.. basta't nando'n sa Elamrune, surely nangyari talaga 'yon!

Malalim nalang akong napabuntong hininga at bakas pa rin sa mukha ko ang pagod. Hindi lang talaga 'yon basta panaginip dahil ramdam ko pa rin yung sakit ng katawan ko sa tanda kong pagkakabagsak ko sa bathtub. Napahawak ako sa puwet pati na rin sa likod ko at medyo napadaing sa sakit. "Ooh aray aray!"

Gosh, kailangan ko na ng masahista, kailangang ma-refresh ang mga flesh ko!

Hinaplos-haplos ko tuloy ang ibang parte ng katawan ko na masakit. Doon ko rin napansin na hanggang  ngayon talaga ay suot ko pa rin yung dress na bigay sa'kin ni Elamrune. Naalala ko tuloy bigla yung nangyari pati na rin yung sinabi ni Elamrune.

"Grabe.. ang astig pala nito.." medyo napangiti ako sa sarili ko habang pinagmamasdan ko ang damit ko. Omg isa pala 'tong weapon! Hindi halata at base pa sa lakas nito pang level 50 na! Kalahati sa pinakamataas na level sa game, gosh!

Pero dahil doon ay naalala ko kung paano sumabog yung halimaw sa mukha ko no'n dahilan para mawala agad yung ngiti ko at mapalitan ng pakla ang emotion ko! Gosh natalsikan ako ng kadiring dugo! Need ko na maligo, hindi na ako mabango!

Agad tuloy akong umusad sa kama at tuluyang tumayo sabay takbo patungo sa loob ng banyo; at dahil naalala ko pa rin yung nangyari iniwan ko ng bukas yung banyo, lumabas pa ako ulit ng nagmamadali para i-lock yung pinto ng kuwarto ko to make sure na ako lang dapat mag-isa dito.

Mahirap na at baka pumunta pa ulit si Jacob at maging halimaw nanaman! Nabaliw ako sa kaniya pakshet siya, aish!

Nagmamadali rin akong pumasok sa banyo. Tiningnan ko agad ang sarili ko sa salamin at ng may mapansin ako ay agad akong natigilan.

Omg.. may mga konting bakas ng dugo ang damit ko, pero ako mismo ay walang bakas ng dugo. Buhay na buhay na rin ang itsura ko, hindi katulad sa tila panaginip ko.

"Argh, need ko 'to labhan, amoy dugo." Nakangiwi kong ani pa at inipit ang ilong ko. Ngunit natigilan ako muli ng mapansin ko sa salamin ang suot kong damit, sa may bandang tagiliran ko ay may bulsa at may nakaipit na kung anong mini book ata 'to.

Agad akong may naalala sa mga sinabi ni Elamrune! Lalo akong napatitig rito at saka ito malumanay na kinuha sa bulsa ko.

Omg, naalala ko na 'tong notebook na 'to! Namamangha kong pinagmamasdan ang harap at likod nito. Gosh ang luma na nito at halatang na-stock 'to sa isang tabi.

ESCAPAR [PUBLISHED UNDER Ukiyoto Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon