Chapter Thirty

10 2 0
                                    

Kiaro gameplay

Third person

"Hey, let me show you something so interesting." Panimulang ani agad ni Kiaro nang makaupo siya sa kaniyang upuan at harapin ang kaniyang katabi. Taka naman siyang nilingon nito sabay tingin sa phone na hawak ni Kiaro at kasalukuyang ginagalaw ito. "Ano 'yon?"

"You know the escaping game Escapar, right? Damn, dude they updated the game again and this time they added a lot of details that's so unbelievable yet cool." Malumanay na kwento ni Kiaro sabay pinakita nito ang screen ng phone niya sa katabi. Napatitig naman do'n ang lalaki at napataas ang isang kilay nito. "That's.. weird.. baka naman nasa story mode ka? Ung may pa story film pa about sa character mo before mag-start ang game?"

"Nope! I don't think so dude, I was currently playing the game while I lost my control with my character, man, this will be perfect for my content, ano sa tingin mo?" Hindi mawala-wala ang ngiti ni Kiaro habang pinapanood din ang recorded gameplay niya na kasalukuyang nagpe-play sa kaniyang phone. "I was so surprised when the survivor is talking with the catcher, which is my character, and look at this! This scene was so epic! I don't understand why it happened but look!" Napapatitig naman ang katabi ni Kiaro sa phone at nangunot muli ang noo ngunit kita sa mga mata nito ang pagtataka at bahagyang pagkabigla.

Kasalukuyang nagpe-play ngayon sa phone ni Kiaro ang eksena kung saan, malapit nang hawakan ni Yorie ang kamay ng mysterious catcher, the dark controller. Kung saan agad ding nagising si Yorie at ginamit ang kaniyang dress weapon. Habang si Jaime naman ay nakadapa na sa sahig at hinang-hina..

"You used free camera mod to see this?"

"Yup, so interesting right? It looks like something is happening for real or something like that."

"I must say it's really cool, na-upload mo na ba 'yan sa channel mo?"

"Well--"

"I am looking for Kiaro Dela Fuente, is he here?"

Natahimik agad ang buong klase ng sumulpot ang isang babaeng naka-high ponytail at naka-cross arms ngunit naka-mask, sa labas ng kanilang pinto. Karamihan rin ay napatingin kay Kiaro na napatitig lang sa babaeng naghahanap sa kaniya.

"Who are you?" Takang tanong pa ng binata.

"Are you Kiaro Dela Fuente? I need to talk to you in private, please follow me." Seryosong usal nito at agad ding tumalikod at naglakad palayo habang nanantiling naka-cross arms. Lalo namang nagtaka si Kiaro ngunit agad na rin siyang tumayo at naglakad, kinalabit pa siya ng kaniyang katabi na ngayon ay medyo nakangisi na.

"A girl is looking for you dude, patulan mo na." Natatawa pang ani nito na agad nginiwian naman ni Kiaro. "Nah, stupid, I'm too busy.. unless if she's pretty."

"Hahahah! Jerk, alis ka na, baka nagaantay na 'yon."

•~•~•~•~•

"Ah, who are you again?" Tanong muli ni Kiaro, kasalukuyan na sila ngayong naglalakad sa gilid ng quadrangle ng school patungo sa likod ng isa sa mga malalaking building doon.

"I'm Yorie." Sagot naman ng dalaga habang nangunguna sa paglalakad at hindi pa nililingon ang binata.

"Oh.. and where are we going?"

"Dito."

Agad nagtaka ang binata nang huminto sila sa tapat ng isang malaking puno. Napatitig na lamang si Kiaro kay Yorie at napansing tumingala ang dalaga sa taas ng puno at piniwesto ang kamay niya sa gilid ng kaniyang bibig, though naka-face mask pa rin ang dalaga.

"Elamrune? Elamrune! Oi!"

"Elam.. who's that?"

"It's me."

ESCAPAR [PUBLISHED UNDER Ukiyoto Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon