Chapter Thirty Six

10 2 0
                                    

Laboratory

Yorie

Damn that lazy eye.

"Taray.. akala ko ako mauuna sa'yo rito.. legit pala talaga yung feelings mo." Medyo nakanguso kong ani kay Kiaro, legit na pala kasi talaga lahat, akala ko kasi in the end, it's a prank niya lang lahat ng drama niya kanina.

Suot ko rin pala today ang weapon dress ko, hindi ko talaga maipagkailang ang cute ko dito.

"That's a bit mean, I'm not just acting, I really need to save someone there... I'll be brave this time." Lumungkot bigla ang mga mata niya pero alam ko naman na may determination sa tono ng boses niya, hindi pumiyok e.

Bumuntong hininga nalang ako, sa huli ang nginitian ko rin siya ng simple na agad niyang napansin.

"We'll save him, all of them actually." Napangisi kong ani, napatitig naman siya sa'kin at sa huli ay tumango rin siya't bahagyang ngumiti.

Ala-dose na ng gabi, andito rin kami ngayon sa isang park na hindi rin naman kalayuan sa school namin. May elementary school din kasi malapit sa school namin kaya may park rito. Tumakas lang din ako sa bahay ngayon at buti nalang tulog na tulog lahat ng tao sa bahay. Kahit pa alam kong naka-stop ang oras dito kapag in-game kami, sinigurado ko pa rin na mukhang may nakahiga sa kama ko gamit ang mga cute kong mga unan.

Kasalukuyan rin naming inaantay si Elamrune kaya naman nagtungo muna kami sa isang duyan dito at umupo sa mga 'yon. Malumanay lang kaming nagsu-swing. Dun ko lang din napansin na pareho pala kami ngayong may dalang medyo malaking back pack.

"I was just about to play you as a character in the game you know.. before we first met, I really thought your a new survivor design.. you really look like a 3D anime." Bigla niyang sambit sa'kin kaya't napalingon ako sa kaniya. Napangiti nalang ako dahil do'n, kahit ako napansin ko rin naman 'yon. Parang mas maganda pa nga ako bilang 3D anime kesa real life, lol.

Pero alam ko rin namang walang kupas ang dala kong ganda kahit 3D lang 'yan or real life pa, magandang pamana 'to sa'kin galing pa sa dugo ng mga ninuno namin no.

Wala nga lang may gustong umangkin sa ganda ko. Hindi ko rin naman pinapaangkin kaya no thanks nalang.

"Have you check your own character profile?" Biglang tanong din ni Kiaro, napaisip naman ako do'n. Oo nga no..

"Ah.. oo pero isang beses lang e, naging busy na kasi ako agad kakalaro sa actual.. saka magmula ng gawin ko 'tong misyon, hindi ko na ginustong buksan pa yung Escapar game app." 

"Really? It must be really hard for you huh.."

"Hmhm! Oo naman, mukhang madali lang kung titingnan mo, pero mahirap kalaban ang mga tumitinding feelings."

"Well that's true.. wait.. buti nalang hindi ka nalalaro ng mga players? I mean your character is recorded di'ba?"

Oo nga no? Pero sa bagay, andiyan si Elamrune.. kahit pa gusto niya akong atakihin lagi sa puso, alam kong hindi niya ako pinababayaan ng basta-basta.. may plano siya.

"Hm.. malamang kasi andiyan si Elamrune.. sira tuktok minsan no'n, pero alam kong hindi niya ako pinababayaan.. recorded lang yung character ko pero hindi ako playable no."

"He's really a magician.. pero you know what? Your survivor character cost a 5 million souls in the game! And guess what? Some players are complaining because they can't use your character, though some of them used mod or cheats just to buy you.."

Eh!?

Natulala ako ng saglit kay Kiaro dahil sa sinabi niya! 5 million souls? Souls kasi ang kumbaga, ang "money" rin ng laro para makabili ka ng mga skins, characters, and other stuffs sa game!

ESCAPAR [PUBLISHED UNDER Ukiyoto Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon