Let me play with my rules
Third person
"Argh!"
Kasabay ng pagdaing ni Joseph ang paupo niyang pagbagsak sa sahig. Rinig din sa buong paligid ng bahay ang pagbagsak ng painting frame sa sahig at ang tunog ng mga basag na salamin. Agad inilayo ni Jaime ang arnis niya at muling bumuwelo upang hampasin muli si Joseph!
"T-teka pards! Wait! Ah!" Sa sobrang taranta, agad tumalikod si Joseph at mabilis na tumayo at lumayo sa catcher! Ngunit huminto rin siya agad at hinarap ang kaibigan.
"Wala akong time ngayon para dito! Mauubos na--" hindi na naituloy pa ni Joseph ng mabilis na tumakbo ni Jaime at agad siya nitong hampasin!
"Ah!"
Ngunit mabilis na nakaiwas ang binata nang agad siyang yumuko at agad tumakbo sabay yakap niya sa sikmura ni Jaime! Buong lakas niyang patulak na dinala si Jaime hanggang sa mabangga niya ito sa pader! Muntik pang mawala sa balanse si Joseph ngunit agad siyang nakatayo at mabilis na umatras palayo sa binata!
Kinakabahan pa siyang napatitig kay Jaime na ngayon ay napapadaing sa sakit ngunit bakas rin gulat sa mukha nito lalo ng mapatingin siya kay Joseph na napapanganga nalang dahil sa kaniyang nagawa.
"Shit nadikit ako sa'yo! Putcha! Ikaw kasi!" Agad pinagpag ni Joseph ang sarili habang bumabakas na sa isipan niyang baka maging na catcher siya. Ngunit napansin niya namang walang nangyayari kaya agad din siyang napatingin muli kay Jaime na ngayon ay nakatayo na lamang ng tuwid at nakababa na ang kaniyang arnis. Naguguluhan pa rin siyang nakatingin kay Joseph na hinihingal at halata na ring pinagpapawisan sa kaba.
"Nakakagalaw ka?"
"Ha? O-oo.. oo! Yung diary! Putcha!" Mabilis na tumalikod si Joseph at agad bumalik sa isang pader kung saan nakasabit pa ang ilang paintings. Ngunit agad niyang napansin ang pwesto kung saan nakasabit ang kaninang painting na ngayon ay nasa sahig na at basag.
Lalapit na sana siya roon ng agad sumigaw si Jaime dahilan para agad siyang lumingon!
"Umiwas ka!"
"Aah!"
Agad nataranta ang binata dahilan para agad siyang patagilid na yumuko! Nakaiwas nga siya sa arnis ngunit agad naman nauntog ang kaniyang bandang sentido sa gilid ng katabing mesa! Agad na nahilo at mabilis na bumagsak sa sahig ang binata!
Nayanig naman ng mesa dahilan para bumagsak pa ito mismo kay Joseph!
"Joseph! Putik!" Mariin na napapikit si Jaime upang subukan na pigilan ang sarili ngunit bigo lang, kumusa pa rin ang kaniyang katawan at iniangat niya muli ang arnis upang hampasin muli si Joseph kahit pa nasa ilalim siya ng bumagsak na mesa!
Kasabay ng kaniyang paghampas ay ang pagangat ng mesa! Naitulak nito ang arnis ni Jaime dahilan para siya ay mapaatras ng kaunti. Agad niyang nakita ang agad pagbangon ni Joseph na ngayon ay dumudugo na ang gilid ng ulo at may gasgas pa ang sentido.
"May bakas ka ng sakit? B-bumakas sa katawan mo.. yung sakit?" Hindi makapaniwalang ani ni Jaime sa kaniyang isipan habang natititig sa binata. Nakapikit ang isang mata nito at halatang nagtitiis ng sakit.
"Yawa naman pards!"
Muli nanamang kumilos si Jaime dahilan para maalarma sila pareho. "Joseph umalis ka na! Hindi siya sumusukong hulihin ka!" Kasabay ng kaniyang pagsabi ay ang paghampas niya ng arnis! Laking gulat ni Jaime ng makitang humapas lang ang kaniyang arnis sa mesa na buong lakas na inangat ni Joseph at ipinangharang.
"Nakita kooo.. naa!" Buong lakas nitong sigaw habang binubuhat ang mesa ng kaunti sabay tinulak ito sa gawi ni Jaime! Nanlaki ang mga mata sa gulat ng catcher at napapikit nalang ng humampas sa kaniya ang mesa dahilan para mapaatras siya! Ngunit tulad ng kaniyang inaasahan, hindi siya matutumba.
BINABASA MO ANG
ESCAPAR [PUBLISHED UNDER Ukiyoto Publishing]
Mystery / Thriller==NOW PUBLISHED UNDER Ukiyoto Publishing! Available to purchase, you may grab a copy now and enjoy! Hart hart!== Hanna Yorie Galillian, a twenty years old girl who loves to play horror online games. But there's this one game that she like the most...