Green button
Yorie
Agad kumunot ang noo ko, agad ko ring tiningnan ang pareho kong kamay nang mapagtanto kong kumikilos nga ako ng ayon sa sarili ko!
Wala ba akong player na magkokontrol sa'kin?
Pero wait! Naalala ko no'ng tuwing naglalaro ako, laging meron name tag sa ibabaw ng ulo ng character ko, which is yung user name ko! Nang maalala ko yun ay agad akong tumingala para makita kung may lumulutang bang nametag sa ulo ko at--
Teka...
Username ko 'to ah? May kapangalan ba akong player!?
YorieGL
Pero sa'kin 'yang name na 'yan!
"Ssst."
Agad akong kinilabutan nang may sumitsit! Agad akong napatingin sa kabilang bahagi ng sofa at nakita ko Lora!
"Shit!" Agad kong sigaw! Agad akong kumaripas ng takbo at muntik niya pa akong mahampas! "A ha ha ha!" Nakakalibot niya pang tawa matapos niyang maihampas ang mahaba niyang latigo na buti nalang ay naiwasan ko!
"Si Lora!" Naiiyak kong ani at mabilis na tumakbo palayo! Agad kong narinig ang yabag ng sapatos niya at sinusundan niya ako! Para siyang baliw na lasing at pagewang-gewang maglakad habang hindi tumitigil sa paghalakhak!
Shet! Kailangan kong magtago kailangan ko siyang isahan! Ano ba Yorie di'ba magaling ka sa larong 'to?
Iih! Tao lang ako! Biglaan ang lahat at hindi ko talaga maiiwasang mataranta!
"Tulong!" Naiiyak ko ng ani habang tumatakbo, ngayon ay nasa madilim na hallway na ako, natataranta pa akong napapalingon sa likuran at ng makita kong lumiko si Lora sa kabila pang hallway ay dahan-dahan akong huminto sa pagtakbo habang naghahabol ng hininga at diretsong nakatingin sa daan.
Shocks napagod ako do'n! Gusto ko sanang maupo muna pero ayokong mamatay! Ayokong mahuli at ilagay sa kulungan.
Pero di na talaga kaya ng heart ko. Agad akong napasandal sa katabing pader dahil sa pagod, ngunit nililingon-lingon ko pa rin ang magkabilang gilid ko, nasa gitnang parte na ata ako ng hallway at.. alam ko 'to.. kapag dineretso ko pa ang hallway hanggang dulo may dalawang yugto ng hagdan pababa. May pinto din akong makikita do'n..
Oo nga! May mga nakatagong mga gamit do'n at maaaring may makuha ako do'n katulad ng sa game..
Nang ma-realize ko 'yon, nagulat ako ng biglang may mga words nanaman na sumulpot na mismo sa harap ko! Mga listahan ng dapat kong makuha. Nabigla din ako ng may umusbong pang mga salita sa baba ng listahan!
Jeoa had been captured
Bluebird had been captured
May na-captured na dalawa..
Hindi lang 'yon dahil may mga words ulit na umusbong sa baba no'n, isang chat!
Bluebird: guyz help! Hahaha!
Totoo nga talaga... Nasa loob nga ako ng escapar game.
Iih naloloka na ako! Napahawak tuloy ako sa ulo ko at napailing-iling! Ang dilim dito sa hallway pero mas nangingibabaw ang matindi ko pa rin na pagkalito, naiintindihan ko naman ang nangyayari pero hindi pa keri tanggapin 'to ng sistema ko!
"Haaaa!" Mahaba kong usal na para bang pilit kong kinakalma ang naguguluhan kong utak habang nakahawak pa rin ang parehong kamay ko sa ulo ko! Nagi-inhale-exhale din ako ng paulit-ulit.
JJBB: may bagong character! Nice kamukha ng friend ko!
Nanlaki ang mga mata kong may sumulpot na words ulit sa ere dito sa harap ko at nabasa ko ang username ni Jacob! May bagong character? T-teka.. hindi kaya.. ako yung tinutukoy niya?
BINABASA MO ANG
ESCAPAR [PUBLISHED UNDER Ukiyoto Publishing]
Mystery / Thriller==NOW PUBLISHED UNDER Ukiyoto Publishing! Available to purchase, you may grab a copy now and enjoy! Hart hart!== Hanna Yorie Galillian, a twenty years old girl who loves to play horror online games. But there's this one game that she like the most...