Epilogue

21 4 0
                                    

So long...

Napalunok na lamang mula sa kaniyang patuloy na pagiyak si Elamrune. Isinuksok na lamang niya ang kaniyang mukha sa leeg ni Yorie habang lumuluha, mas niyakap niya pa ito at patuloy na humihingi ng tawad sa kaniyang isipan.

"Oii, huwag kang umiyak... everything went according to plan."

Agad napadilat ang isang mata ni Elamrune at mahigpit na niyakap si Yorie matapos marinig muli ang nakakapanindig balahibo na boses. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at lumingon sa direksyon kung saan ang kaninang tumumbang si Lora ay dahan-dahan nanaman tumatayo.

Agad bumalot kay Lora ang makapal at itim na usok sa kaniya hanggang ito ay biglang magbago ng anyo. Mula sa itsurang si Lora at nagbago ito at naging isang tila human shadow.. isang anino na nasa anyong tao at kitang-kita lamang ang matutulis at mahahaba nitong mga ngipin! Tila umuusok at purong puti rin ang kaniyang mga mata.

"First time seeing me? Ahahaha! Syempre, bakit ko naman ipapaalam ang lahat ng tungkol sa'kin di'ba? Lalo na't nagkakalat ang mga tulad mong taksil sa panig ko." Nanatiling nakangiti ang kaniyang itsura kung kaya't kitang-kita ang halos lahat na yata ng mga matutulis niyang ngipin, nabigla pa si Elamrune nang makita ang dila nitong kulay itim. Ngunit imbis na matakot ay galit lamang siyang tumitig sa halimaw.

"Napasaya ako ro'n.. kaya't bibigyan ko ulit kayo nagpapakataon." Agad na ani nito na ipinagtaka ng binata ngunit nanatali lang ang galit niyang titig.

"Nasa panuntunan ko naman.. kung nais niyo akong sirain, dapat ay sakripisyong buhay ang ihahanda.. kaya't sige.. maliligtas lahat ng naging biktima mula sa limang taon na lumipas. Kasama na rin kayo ni Anonymous at Jessica.. ang galante ko di'ba?" Muli itong tumawa na animo'y talagang nangaasar. Lalo namang sumama ang itsura ni Elamrune.

"Ngunit ang kapalit.. ang kaluluwa ni Galillian! Kaya't sa'kin na siya.. ahaha."

"f**k you!"

"Oh! Huwag mo kong sumpain, kinikilig ako e." Itinaas pa nito ang dalawa niyang aninong kamay at muling tumawa.

"Isipin mo nalang na ang panuntuan ko ay isang kontrata.. at nasusulat ro'n na kapag hindi ako sumunod, buhay ko ang kapalit.. aware ka naman sa panuto natin di'ba?" Humagikgik pa ito kay Elamrune at bahagyang lumapit sa kaniya, lalo namang niyakap ni Elamrune si Yorie at kahit nais man niyang ilayo ang dalaga ay ubos na ubos na talaga ang kaniyang lakas.

"Kaya hindi ka dapat magalit bata.. sumunod ako sa kasunduan e, nagsakripisyo kayo ng buhay kaya ibinigay ko ang hinihiling niyo.. ayan! Pakakawalan ko na yung mga biktima from five years ago. Kukunin ko naman si Galillian pagkatapos."

"You planned all this.. you really.. want her soul since the beginning.. so you tricked us by believing.. that everything is under our.. our control." Halos kita na sa mukha ni Elamrune ang frustration at napapayuko pa habang sinasabi iyon.

"Oh! Alam ko 'yon, bakit pinapaliwanag mo pa? Hahaha! Sayang ka.. isa ka pa naman sa mga magagaling kong empleyado kaso.. tsk pangit mo palang katrabaho." Umiling-iling pa ito sa harap ni Elamrune.

"Siguro kong kilala mo talaga ang boss mo, hindi ka magtataksil ng gano'n na lang.. I'm a soul eater, Enigmatic.. I'm a lord who eats the souls of the weak. Kaya't hindi ka dapat kumikilos ng basta-basta."

ESCAPAR [PUBLISHED UNDER Ukiyoto Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon