Chapter Twenty

12 2 0
                                    

I almost forgot

Yorie

Ah...

Eh?

"Yorie! Hoy! Bakla!"

Yung boses na 'yon... Jacob?

Nasa'n na ako? Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko habang ramdam ko na parang bagsak na bagsak ang katawan ko ngunit wala naman na akong sakit na nararamdaman. Nang maimulat ko na ang mga mata ko, dahan-dahan kong nilingon ang lalaking bading na nakaupo sa tabi ko.

Si Jacob nga.. si Jacob!

"Jacob!?" Biglang kong usal na may halong pagkagulat pa ng tuluyan ko na siyang maaninag! Nasa'n na ako!?

"Bakla! Anyari sa'yo? ba't hindi ka pumasok?"

Hindi ko muna pinansin si Jacob ng mapansin ko kung nasa'n ako. Napaupo ako agad sa kama at bahagya akong napanganga ng makitang ang liwanag ng kuwarto-- kuwarto ko! Omg!

Nakauwi na ako?

"Hoy, ayos ka lang? Lutang ka bi? Saka sa'n galing outfit mo? Hanggang pagtulog mo naka-OOTD ka pa rin?"

Napatingin ako sa hinihigaan ko ngayon at tama nga, kama ko 'to, nilingon ko pa ang paligid ko ng may amazement at gulat sa mukha ko. Kuwarto ko nga talaga 'to!

Shet, nakauwi na ako?

Pinauwi na niya ako?

"Hoy ang creepy mo naman! Tulog ka pa rin ba?" Napatingin ako kay Jacob ng marinig ko siya. Natulala pa ako sa kaniya habang siya ay kunot na kunot ang noo habang nakatitig sa'kin. Nakalagay pa ang isang kamay niya sa dibdib niya na para bang nangangamba siya sa kinikilos ko ngayon.

"Shocks Jacob.. nakauwi na nga ako!" Hindi makapaniwalang ani ko sabay napaturo pa ako sa sarili ko. Omg, ito na talaga yung realidad ko! Anong nangyari? Bakit andito na ako agad?

Anong nangyari?

"Anong pinagsasasabi mo beh? Pa'no ka makakauwi e hindi ka naman pumasok at nandito ka lang sa kuwarto mo! Bakla, nagha-hallucinate ka ba?" Nagsimula na akong tingnan ni Jacob na talagang nangangamba na siya para sa'kin. Aba iniisip na ata ng bading na 'to na nababaliw na ako. Dahil do'n ay napatikhim ako at medyo umiling-iling sabay..

"Ah! Panaginip lang ata 'yon.. nanaginip ako e.. m-masama? Panaginip nga." Napatango-tango ako sa sarili kong sinabi habang inaalala ko rin ang mga nangyari sa'kin, weird.

Ano nga bang nangyari no'n?

"Hm! Mukha nga, para ka nga dumadaing sa sakit diyan e, kaya ginising na rin kita. By the way, what's with the outfit teh? Ang ganda ah! Bet ko!" Inayos pa ni Jacob ang turtle neck ng damit ko at mga raffles nito.

Bakit nga ba ako nakaganito? Teka hindi pamilyar yung damit na 'to ah! Sa'n 'to galing?

"Eh?"

"Di ko knows na kahit sa pagtulog mo trip mo ring umawra! Kina-career mo pagiging eme fashionista mo hanggang sa panaginip ah!"

Kahit ako ay pinagmamasdan ko nalang ang suot kong damit na ang weird pero ang ganda. Hindi ko na sinagot si Jacob kahit gusto ko ring sabihin na hindi ko alam kung saan 'to galing. Kaso naalala ko, halos tingnan na niya ako na para bang worried na siya na baka baliw na ako.

Saka bakit hindi ko alam kung saan 'to galing, ngayon ko lang ito nakita at bakit suot ko na? Saka hindi ako pumasok kahapon? Bakit? Hindi naman pala-absent ah? College na kaya ako! May pinuntahan ba ako?

Napansin ko lang si Jacob na tumayo mula sa tabi ko at umupo sa gaming chair ko. Ang kapal pa ng mukha ni bakla na basta nalang buksan yung computer ko. Taray naman talaga, ngayon ko lang tuloy na-realize na trespassing siya dito sa kuwarto ko.

ESCAPAR [PUBLISHED UNDER Ukiyoto Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon