Chapter Fifteen

14 2 0
                                    

A dress from Elamrune

Yorie

"I want to escape." Tila wala sa sariling bulong ko matapos kong pagisipan ang tanong. Ilang segundo siguro akong natulala sa harap ng screen nang agad akong mapailing nang mapagtanto kong nawala ako sa sarili ko. Gosh, bakit ako natulala na ewan?

Nag-focus nalang ulit ako sa screen at sa game. Kinontrol ko ulit si Celine, hindi pwedeng stayput lang siya dun noh, nasa lungga nga pala siya ng mga catchers. Pinaliko ko si Celine hanggang sa bumungad sa'kin ang hagdan, aakyat na sana si Celine do'n ng bigla nalang siyang huminto.

Eh!?

Ba't siya huminto? Hindi ko naman binibitawan ang controler ah!?

Napanganga ako sa takang-taka na napatitig sa screen, kay Celine! Lalo akong nabigla ng gumalaw siya ng kusa at napansin kong napayakap pa siya sa sarili niya at napatitig sa mga kamay niya.

Anong nangyari?

Omg! Huwag mong sabihin.. hindi ko na siya nakokontrol? Napatakip ako ng bibig dahil sa na-realize ko! Shocks hindi nga?

Omg!

An opportunity has been given to Celine, given by you, Hanna Yorie, time to play the game, they are about to lose in two minutes.

EH

HA!?

Napatayo ako agad at gulat na napatingala sa kisame ng marinig ko siya! What the heck anong ibig niyang sabihin--

Natigilan ako ng tila maramdaman kong ang malamig na hangin sa paa ko, malamig na atmosphere. Agad kumunot ang noo ko sabay yuko, laking gulat ko ng makitang may hamog na kumakalat sa sahig-- sa buong kuwarto ko!

What the heck! Shocks! Anong meron!?

Nataranta tuloy ako dahilan para gulat akong mapaatras matapos kong makita ang hamog na kumakalat sa buong paligid!

"Ano ano..." Hindi ko na alam pa ang sasabihin ko dahil sa bigla lalo na't ang bilis kumalat ng hamog sa buong kuwarto ko na halos hindi ko na makita pa ang itsura ng cute kong kuwarto!

Teka sandali dadalhin na ba niya ako? Hindi pa ako ready!

Nakatapis pa ako!

"Aaaay!" Napayakap ako agad sa sarili ko habang dahan-dahan namang bumabalot sa buong katawan ko ang hamog! Ramdam na ramdam ko ang lamig nito lalo na't nakatapis pa nga ako!

"Gosh! Wrong time ka Aaah!" Napayakap ako lalo sa sarili ko at mariing napapikit nang tuluyan ng umakyat sa mukha ko ang hamog at tuluyan akong mabalutan nito! Shet ramdam ko na ang nakakakilabot na atmosphere!

At higit sa lahat!

"Teka lang! Nakatapis ako! Aaa!" Patili ko ng sigaw at halos mapapaupo na ko sa sahig dahil sa panginginig!

Kahit kailan ay lagi niya nalang akong binibigla!

Ramdam ko ang pagbaba ng hamog sa katawan ko na tila kumawala ito sa'kin kaya napadilat ako agad. Agad akong napatingala at laking gulat ko ng makita kong nakatayo na ako sa gitna ng hallway!

Shocks ang lamig ng sahig! Bakit walang red carpet? Gipit ba ang map ng monster mode? Napaatras ako ng kaunti ng maramdaman ko ang lamig ng sahig. Shocks, hindi ko napansin na wala palang red carpet ang mansyon sa mode na 'to.

Nilingon ko agad ang paligid kasabay ng kaunting pagaalala ko na kita na sa mukha ko. Yakap-yakap ko pa rin ang sarili ko, huminto ang paningin ko sa harap at nang akmang maglalakad ako ay agad nahagip ang tingin ko sa suot kong tela at shocks!

ESCAPAR [PUBLISHED UNDER Ukiyoto Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon