Chapter Thirty Eight

10 2 0
                                    

Escape interupted

Yorie

Para bang may umaandar na lamig at init na temperature sa buong katawan ko, paiba-iba, papalit-palit.

Dahan-dahan akong napadilat, nanlalabo pa ang paningin ko ng subukan ko na agad na bumangon. Nang luminaw na ang paningin ko, saka ko lang napagtanto na nandito pa rin ako sa pwesto kung saan ko nakaharap ang catcher!

Teka anong oras na?

One minute ang forty three seconds

Eh?

Agad nanlaki ang mga mata ko sa bigla ng maalala ko ang dapat kong gawin! Wala na akong oras ano ba!

Agad akong napalingon sa paligid ko hanggang sa makita ko ang isang matabang syringe sa tabi ko.. doon ko lalong naalala na si dark controller ang nakaharap ko kanina.. anong nangyari? Napatingin tuloy ako agad sa sarili kong katawan pati sa mga kamay ko, kinapa ko pa ang mukha ko pati buhok ko para sure..

Okay naman ako?

One minute and forty one seconds

Ah! Kailangan ko ng kumilos!

Ano nga ba 'yon-- ah rescue!

Agad na akong tumayo kasabay naman no'n ang isang mabilis na heartbeat sign! Agad akong nag-crouch at binilisan nalang ang lakad ko, hindi ko alam kung nasa'n banda ngayon ang catcher!

Agad akong nakalabas sa isang hallway, dead end sa harap ngunit may mga hallway pa sa magkabilang gilid ko, doon ko rin nakilala ko saan patungo ang mga 'to. Sa kaliwa ay patungo sa taas kung nasa'n ang jail, sa kanan ay isang pang way patungo sa nagiisang exit door!

Parang nananadiya naman yata 'to!

Kung magrerescue ako agad, okay. Pero napansin ko kanina na laging may nang-interupt.. which means may catcher na nang a-ambush.

One minute and thirty six seconds

Ganun din naman kapag may nagtatangkang magbukas ng escape door..

Shit.. what should I do?

Lalong bumilis ang heartbeat sign na dahilan ng bahagya kong pagkataranta! Lumingon ako agad sa likod ko at nabigla ng makita si Jaime na para bang wala sa sarili ngunit dire-diretso siya sa'kin!

Kiaro's brother!

Napakagat-labi ako ng maisip ko ang dapat kong gawin! Agad akong naglakad patungo sa kaniya ngunit agad akong napahinto ng bigla siyang maglaho!

Eh!?

One minute and thirty seconds

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nalang siyang sumulpot sa likuran ko! Akala ko ay huli na ngunit--

Para bang kumilos ng kusa ang katawan ko at mabilis ko siyang nilingon! Para bang nag-slow motion ang lahat, naisip ko lang agad ang weapon dress ko kaya't agad-agad ay itinaas ko ang isang kamay ko at itinapat ang palad ko sa malapit sa kaniyang dibdib. Agad umandar ang kuryente mula sa'kin patungo sa kaniya!

Mariin pa akong napapikit sa una hanggang napagtanto ko nalang na humagis na siya palayo sa'kin!

Narinig ko pa ang pagdaing niya sa sakit kaya nakapagat labi ako sa kaba!

One minute and twenty eight seconds

Oh my..

Hindi ko inasahan na gagawin ko 'yon ng gano'n kabilis..

Pero saka na ang pagiisip! Agad na akong tumakbo kay Jaime at pansin ko rin ang agad niyang pagtayo at akmang hahampasin nanaman niya 'ko. Kaya't agad akong yumuko ng todo sabay angat at yakap sa kaniya!

ESCAPAR [PUBLISHED UNDER Ukiyoto Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon