Sacred diary
Third person
"Tsk.. they're making me mad huh?" Ani ni Elamrune sa sarili habang nakaupo sa isang swivel chair, nakaharap siya ngayon sa sandamakmak na computer sa kaniyang harapan kung saan makikita iba't-ibang sulok ng lugar kung saan ngayon ginaganap ang laro ng lahat.
Masama ang tingin ni Elamrune isa isang computer kung saan kita ngayon ang nakatalikod at nakayukong si Yorie. Nakahawak pa ito sa kaniyang braso kung saan nito sinugatan ang kaniyang sarili.
Sunod naman siyang napatingin sa itaas na bahagi sa isa pang computer kung saan kita ang binatang si Joseph, halatang natataranta pa ito.
Dahan-dahang pumikit si Elamrune at saka ito muling bumulong sa sarili.
Joseph.. you have only one task find the sacred diary and don't trust anybody.
•~•~•~
"Ack!"
Agad pabagsak na napaupo si Joseph sa lupa habang mariin na nakapikit. Kunot-noo siyang napatingin kay Yorie na ngayon ay nakayuko at halatang pinipigilan pa rin nito ang sarili.
Saglit pang natulala ang binata, nang matauhan ay agad nitong sinuri ang sarili, wala naman siyang natamong sugat kahit pa napakalapit rin ng pagwasiwas ng kuko ni Yorie sa kaniya.
"A-Alis..."
"Yorie..."
Napakuyom nalang ng kamao si Joseph sa inis sa kaniyang nasasaksihan sa dalaga. Wala na siyang nagawa kun'di ang tumayo nalang agad at mabilis na tumakbo palayo.
Joseph.. you have only one task find the sacred diary and don't trust anybody.
"Hindi ko gets.. ah!" Inis sigaw ni Joseph habang ang habol hininga at mas binilisan pa ang kaniyang pagtakbo.
Sa kalagitnaan ay agad siyang nakakita ng isang simpleng bahay sa tabi, agad siyang tumakbo patungo roon at nang makalapit sa pinto nito ay hingal na hingal niyang hinawakan ang doorknob ng pinto. Bubuksan na niya sana ng agad siyang makarinig ng isang heartbeat mula sa orihinal na catcher.
Nagdalawang isip pa siyang buksan ang pinto at halos mapakagat-labi na siya sa kaba ngunit mas nanaig pa rin ang tapang niya, dala na rin siguro ng kasanayan niya sa lahat ng uri ng takot rito. Agad niya itong binuksan, bakas man sa mukha ang kaba, kunot-noo niyang binuksan ng tuluyan ng pinto.
Agad nanlaki ang kaniyang mga mata ng makita si Flora, isang catcher at si Ahravela na gulat na nakasulyap sa kaniya.
"Ahra!" Gulat niyang tawag sa kaibigan ngunit hindi ito makasagot. Agad naman kumilos si Flora dahilan para maalerto si Joseph at bahagyang mapaatras.
"Haha... Haha!"
"Joseph! Alis!"
"Shit!"
Agad na tumalikod si Joseph at mabilis sa bahay na 'yon! Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalayo ay muli niyang narinig ang boses na halos limang taon na niyang hindi naririnig.
The sacred diary, joseph. Don't forget that you can move freely now.
"Ah! Oo nga!" Agad siyang napalingon sa bahay na 'yon, tuluyan ng nakalabas si Flora habang nakangisi ito sa kaniya. Kaya naman agad siyang tumakbo palayo at paliko kung saan patungo sa gilid na bahagi ng bahay! Agad siyang nakakita ng bintana kaya naman buong lakas siyang tumalon at kumapit rito.
"Nakakagalaw na nga ako.." bulong pa nito sa sarili, agad niyang iniangat sa sarili hanggang makapasok siya sa loob ng bintana na 'yon. Kunot-noo siyang napatingin sa loob nito at natigilan ng makita niya si Ahra na ngayon ay nakatingin sa kaniya ng may takot sa mga mata nito.
BINABASA MO ANG
ESCAPAR [PUBLISHED UNDER Ukiyoto Publishing]
Mystery / Thriller==NOW PUBLISHED UNDER Ukiyoto Publishing! Available to purchase, you may grab a copy now and enjoy! Hart hart!== Hanna Yorie Galillian, a twenty years old girl who loves to play horror online games. But there's this one game that she like the most...