Chapter Twenty Four

13 2 0
                                    

Dark light

Yorie

Namalayan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa sahig ng kuwarto ko habang hawak ko ang diary ni papa. Idinikit ko ito sa dibdib ko at pumikit kasabay no'n ang pagtulo ng huling luha ko. Oo huli na, grabe na kasi 'tong sipon ko, 'di na ako makahinga.

Pagkatapos ng sinabi ni papa, isang malaking liwanag na talagang nakakasilaw ang sumulpot sa harapan ko. Pagdilat ko ay namalayan ko nalang ang sarili kong nakaupo rito habang nakalapag sa harap ko ang diary. Nakalapag na ang mga taling nakabalot sa'kin kanina at nakabilog pa sa'kin.

Mas niyakap ko ang diary ngayong na-realize ko na kay papa nga talaga 'to. Nang mahismasmasan na rin ako sa pagluha ko ay muli kong binuklat ang diary ni papa at nilipat-lipat ng pahina.

May sulat na yung pages this time at lahat ng nasaksihan ko kanina, pati yung mga pinagsasasabi ni papa ay nakasulat rito, detalyado pa.

Napahinga ako ng malalim at dahan-dahan na binaba ang hawak kong diary at saka natulala ro'n. Hindi pa rin pala pagod ang mga mata kong umiyak, one more pa daw.

Hindi pa rin ako makapaniwalang involve si papa dito na akala ko ay ako lang ang nakakaalam at isa lang ako sa napili ni Elamrune na gawin ang nakakabaliw na misyon na 'to.

Isa rin palang creator si papa ng Escapar at napasok lang siya do'n dahil sa pera.. kaya pala noong nabubuhay pa siya, never kaming nagkaroon ng problema sa finacial dahil sa kaniya, nabibigay pa nga niya ang lahat ng gusto ko.

Lahat pala ng perang 'yon ay galing sa kadiliman ng larong kinahiligan ko pa!

At dahil sa larong 'yon namatay si papa!

Ang buong akala namin ay na hit and run siya.. nawalan na rin kami ng pagasa na mahuli ang sumagasa dahil himalang wala kaming makuhang evidences.

"You won't be able to read that book if you keep on crying.. everything will be blurry in your eyes."

Natigilan ako at agad inangat ang paningin ko. Malabo na nga ang vision ko dahil sa pag-iyak. Kaya kinusot ko na ang mga mata ko.

"Eh?" Nasa harapan ko na pala 'tong si Elamrune.. kapantay ko siya ngunit hindi naman siya talagang nakaupo. Nakayakap siya sa magkabilang tuhod niya at nababalanse niya yung sarili niya kahit hindi nakaupo ang pwetan niya sa sahig.

May sweet smile pa siya sa'kin.

Aba teka!

"Shocks.. ba't ka nandito!? Tresspassing ka ah!" Gosh! Nawala lahat yung lungkot sa sistema ko ng ma-realize kong pinasok niya 'tong kuwarto ko!

"Hmm?"

"Susunduin mo na agad ako? Akala ko ba may two days pa ako? Liar ka!" Kumunot agad ang noo ko sa kaniya ng maisip ko 'yon, aba kailangan ko pa rin ng beauty rest. Ito nanaman si nambibigla! Pati page-emote ko gagambalain pa!

"Oh.. look at you, after you found out the truth, you still have the guts to get irritated at me.. how cute." Lalo pa siyang ngumiti ng hindi labas ang ngipin. Hindi rin niya inaalis ang titig niya sa'kin.

Natigilan naman ako sa sinabi niya about sa truth. Nalungkot nanaman tuloy ako ng maisip ko si papa.

"Naiintindihan ko na..."mahina kong ani kay Elamrune habang nanatili akong nakayuko. Napabuntong hininga ako at napapatitig sa hawak kong diary. Hinaplos ko ito ng daliri ko at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Sinadya ni papa ang lahat ng ito sa'kin dahil may tiwala siya sa'kin. Naniniwala siya sa tapang na meron ako.. hindi ko naman alam kung gaano ako katapang, nakakaramdam pa rin ako ng takot. Pero sa lahat ng nalaman ko, kahit pa pwede akong magka-heart attack anytime.. tuloy pa rin ako, Elamrune.. I'll continue this."

ESCAPAR [PUBLISHED UNDER Ukiyoto Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon