Chapter Two

42 5 1
                                    

Morse code, who are you?

Yorie

Hmp, baka hindi lang nila gusto yung game.

Napangiwi nalang ako sa mga nabasa kong reviews. Umalis nalang ako sa site na 'yon at saka binuksan ang escapar game app. Maglalaro nalang ako pan-tanggal stress bago ako matulog ngayon gabi.

Pinili ko ang character ni Ahravela, nang mag-start game ako ay saka nakapasok ang character ko sa isang room. Do'n ko napansin na tatlo palang kaming players sa room, kailangan maging sampu muna kami bago mag-start ang game.

Nag-antay pa ako ng ilang segundo bago may pumasok, hanggang sa may isa pang pumasok hanggang sa makaabot na kami sa sampu. Ayos! Pwede na kami mag-start.

"Hi YorieGL!"

Agad kong nabasa ang chatbox ang pagtawag sa'kin ng isang ka-team ko kasabay no'n ang pagsulpot ng bilang sa taas ng 3,2,1; tanda na mags-start na ang game.

Syempre nag-reply naman ako.

"Hello!"

Gusto ko sanang banggitin din yung name niya kaso puro ...- .. -.-. - .. -- or kung ano mang dots and dash yung name niya... Wait I think it's morse code, 'di naman ako marunong magbasa niyan.

Saka ko na kinontrol si Ahravela na agad naman lumakad sa hallway, mag-isa lang pala ako at wala akong kasabay na team. Syempre madilim sa lugar ko, inikot-ikot ko ang bawat sulok ng bahay hanggang sa makita ko ang mga bagay na pinapahanap pati na rin mga susi na need ko para magbukas ng pinto at doon ay baka sakaling may mahanap ako na kung ano mang nasa list na pinapahanap sa'kin.

DU23 had been captured

Jollibee87000 had been captured

BustedOuch had been captured

Shocks! May mga nahuli at nakulong agad, aish, makapag-rescue na nga. Napapailing tuloy ako habang naglalaro.

"YorieGL, since when did you start playing this game?"

Huh?

Agad kong nabasa ang message na bigla nalang sumulpot habang kasulukuyan kong kino-control si Ahravela. Patungo na sana ako sa second floor para maghanap at ma-rescue din yung tatlo--ay wait apat na pala dahil may nahuli nanaman na isa.

Tinatanong ako ni morse code.. yung nag-hi sa'kin kanina.

Ayoko sanang maudlot ang pag-kontrol ko kay Ahravela dahil baka mahuli ako ni Lora or Jaime, aish pero ayoko namang masabihan ng pa-famous or what dahil ako mismo ang tinatanong, kaya naman kinontrol ko si Ahravela, agad akong pumasok sa isang sulok at tinago ang character ko do'n para tago at hindi ako agad ma-notice at mahuli.

Nag-reply din naman ako agad, pagkatapos ay muli kong kinontrol si Ahravela at tuluyan na akong nakaakyat sa second floor.

"Hmm.. I think last year lang :) why?"

"Did you know that this game was created five years ago? They we're just teenagers that time."

Ha?

Bakit niya naman sinasabi sa'kin yun? Teka bakit ba niya ako kinakausap? Nahuli ba siya kaya siya nakakapagtype ng message ngayon?

Pero morse code yung name niya kaya imposible, hindi ko naman nakita na na-capture siya ng catcher.

And.. sinong mga teenager? Ah! Yung mga creator ng game? Well that's cool, they're smart if they did this game at such a young age. Malamang ay mga animators din sila.

ESCAPAR [PUBLISHED UNDER Ukiyoto Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon