Chapter Thirty Seven

8 2 0
                                    

Laboratory II

Yorie

"Nasa'n na 'yon? Putik, sa'n ba 'yon napadpad?"

Four minutes and thirty seconds nalang, binilisan ko na lalo ang paglalakad at pilit tinatandaan ang lugar na dinadaanan ko. Bihira lang ako maglaro sa laboratory map at ang mas nakakainis pa, mukhang updated ang map na 'to! Napakaraming pasikot-sikot at puro nakakakilabot at malalaking incubator ang nadadaanan ko. Itim pa yung liquid sa loob, kung hindi itim, dugo! May iba't-ibang species pa sa loob..

Hindi lang 'yon dahil sa kalagitnaan nang mabilis kong paglalakad, ilang incubator din ang nadaanan ko kung saan si Lora o Flora ang laman o kaya si Kiro.. isa 'yon malamang sa mga bagong update dahil sa old lab map, wala naman ang mga 'yon..

Bakit ako may feeling na parang may gusto silang sabihin? O ipakita?

Hindi ko naiwasang kilabutan nang madaanan ko ang mga 'yon, masyado pa kong nag-isip tungkol sa mga 'yon kaya't pinilit kong magfocus muna sa dapat kong gawin..

Pero teka...

Shet..

Napahinto ako agad sa mabilis kong paglalakad.

Saan kaya nagtatago ang core na 'yon rito!? Gosh! Hindi ko pinagisipan 'tong map na 'to!

Kiarogameplay had completed the task

Eh?

Ang taray!

Kumikilos na pala siya, kasalukuyan ko pa naman din siyang hinahanap.

Kiarogameplay: Where are you Hanna?

Ay taray, nakakapagchat rin siya?

Agad akong naglakad muli ng mabilis at hinanap ang pinto na kakulay ng susi kong itim. Buti nalang din at nahanap ko agad ang pinto at mabilis itong binuksan, inikot ko lang ang doorknob at saka sinara ulit ang pinto, no need na sa key, understood naman na nasa akin na 'yon.

YorieGL: open the main door!

Yup, automatic message nalang! Wala akong time magtype ng todo no!

Four minutes and nineteen seconds nalang.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at dahan-dahan ring lumabas.

"Slow lang.. ayokong ma-ambush--"

SHET!

"YAAAH!"

SI SLENDERMAN NA HUBAD NA WALANG GENITALS!

"Maa-ambush pa nga!" Iritado kong sigaw at mabilis na tumakbo! Putik! Nataranta yung mga laman-loob ko sa bigla niyang pagsulpot! Sobrang creepy!

"Kiaro!"

Nasa'n na ba 'yon!? Wala pa akong nababasang nabuksan na yung pinto!

Confirmed! We're in monster mode!

Agad akong lumiko sa kung saan man! Puro malalaking incubator pa ang nadadaanan ko kaya paliko-liko pa ako!

"Aaaaah..."

Iiih! Ungol ng halimaw!

Puro pader pa na gawa sa tiles ang laboratory na 'to, takte, nakakaligaw at--

Teka..

Four minutes and ten seconds

Napahinto pa ako saglit sa na-realize ko. Ngunit tumakbo rin ako agad ng marinig ko ulit ang ungol ng halimaw sa likuran ko!

What if the core is hiding behind the walls? O kaya maliit lang 'yon at nagko-comoufladge sa loob ng incubator? Aaaack! The best talaga minsan 'tong utak ko! Hindi ko tuloy maiwasang matawa sa sarili ko habang tumatakbo!

ESCAPAR [PUBLISHED UNDER Ukiyoto Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon