Chapter Five

22 2 0
                                    

Find it out yourself

Yorie

"Kaya mo 'yan Yorie! Abutin mo hangga't hindi pa bumabalik ang catcher!" Buong lakas na ani sa'kin ni Celine kahit pa pagalaw-galaw siya at patakbo-takbo.

The new character is something

How can she do that? Hindi naman allowed ang mga characters sa game na gumanyan ah?

Guys baka ganiyan lang talaga ang update ng escapar ngayon, hindi naman tumutugon yung player niyan e.

"Bilisan mo!" Sigaw pa sa'kin ni Brake na nakatalikod naman sa'kin. Aba! Akala ba niya gano'n-ganon ko lang maaabot yung green button!? Sexy ako pero putcha imposibleng maabot ko 'to ng gano'n-gano'n lang, nahaharangan pa rin ako ng mga rehas no! And my butt is bigger than my boobs! Wag nga siya!

"Teka lang naman! Pinupush ko na nga yung sarili ko oh!" Sigaw ko rin pabalik sa kaniya, abusado 'to!

Pilit kong inaabot yung green button gamit ang isang paa ko na nakalabas sa pagitan ng mga rehas! Do'n ko nga lang napansin na wala na pala yung isang sapatos ko! Hala mahal 'yon!

Nakakapit ako sa mga rehas, nakaupo na rin ako sa sahig ng kulungan na 'to habang nakalabas ang isang paa ko. Halos isang dangkal pa ang layo ng paa ko sa green button na nasa sahig! Shocks nakapalda pa naman ako pero bahala na!

"Aargh!" Sigaw ko pa habang pilit inaabot ang green button pero ang layo pa talaga ng paa ko! "Shocks hindi keri ng toes ko!" Reklamo ko na, halos makaramdam na ako ng ngawit dito! "Hindi ba kayo pwedeng gumalaw! Pigilan niyo yung paggalaw ng player niyo sa inyo, argh!"

"Isang libong beses at mahigit na naming sinusubukan 'yon pero hindi namin kaya at sumasakit lang lalo ang katawan namin, ikaw lang talaga diyan." Tila may pagaalala naman sa boses ni Ahravela na aniya sa'kin kahit hindi siya sa'kin nakaharap. Taray, nilaro lang kita kahapon sa computer, kaharap na kita ngayon, mababaliw na talaga ako bago matapos 'to.

At kahit masakit na sa singit itong ginagawa ko, gora pa rin ako at wala akong balak huminto hangga't hindi ko napipindot 'yang pesteng button na 'yan! Baka naman may gustong mag-rescue! Mga pakshet!

"Pakshet! Baka gusto niyong may mag-rescue na! Hindi naman lahat nahuli ah!?" Sigaw ko pa sa labas ng selda kahit hindi ako sure kung possible ba na may makarinig sa'kin o isa lang din akong character na hindi naman nagbibitaw ng mga salita.

She's trying to reach the green button?

Pwede pala 'yan? Hindi naman magawa ng ibang characters 'yan ah.

Makakalabas ba tayo rito without someone na magre-rescue? Looks like she's trying so hard. I can't believe escapar game did this, I'm amazed.

Ichichika ko talaga ko kay bespren! I'm doing a screen recording na! Hahah!

Wala akong pakielam sa comments niyo dahil wala naman kayo dito! Hindi niyo alam na pwede na namin 'to ikamatay!

Wait? Kay Jacob yung last chat ah?

Agad akong napalingon sa buong paligid ng labas ng selda, agad kong nakita si Flora na napaka-creepy ng itsura at nakatayo lang sa gilid. What the heck so si Flora pala ang gamit ni Jacob ngayon?

Hinampas ako niyan kanina! Kapag ako talaga nakalabas na rito sa larong 'to hahampasin ko rin 'yang si Jacob!

"Argh kainis!" Gigil ko ng sigaw tuloy habang pilit paring inaabot yung button! Pasalamat sana ako dahil nasa sahig pero wala! Hindi ko naman abot!

ESCAPAR [PUBLISHED UNDER Ukiyoto Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon