KABANATA 21

367 25 2
                                    

KABANATA 21

"Kaya sobrang thank you. Kung hindi dahil sa 'yo, nakakulong pa rin siguro kami doon and who knows kung ano pang masaklap na pwedeng nangyari sa 'min," sabi ko kay Liam matapos kong ikwento sa kanya lahat ng nangyari.

"Kung hindi ikaw ang nagkwento niyan sa'kin, hindi ako maniniwala. I know your parents, and lagi ko silang nakikita sa mass every Sunday. Wala sa itsura nila na magagawa nila 'yun."

"They're not my parents anymore. May something sa bahay na 'yun na naging dahilan kung bakit sila nagkaganon. I need to find someone who can help us. I have to turn my parents back to normal."

Napalingon ako kay Enzo na natutulog sa kandungan ni Ate Rose at napatanong ako sa isip ko. Maibabalik ko pa nga ba ang pamilya ko sa normal?

***

Dahil sa kawalan ng tulog at pagod, hinatak na ako ng antok. Nang magising ako, madilim na at nakahinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam kung nasaan na kami. Wala akong ibang nakikita kundi malawak na bukid. Wala ring bahay kahit isa. Wala sa loob ng sasakyan si Liam at parehong tulog pa rin sina Ate Rose at Enzo sa likod.

Nakataas 'yung hood ng sasakyan. May problema siguro sa makina. Napabungtong-hininga ako. Hay, bakit ngayon pa?

Bumaba ako ng sasakyan at nakita ko si Liam na nakayuko at may inaayos sa makina. "Liam?"

Dumeretso siya ng tayo at tiningnan ako. "Glad you're awake. Bigla tayong tumirik and sinusubukan ko 'tong ayusin. Can you hold the light for me?" Inabot niya sa 'kin 'yung hawak niyang flashlight. Nahinto kami sa tapat ng poste na may ilaw, kaso sobrang hina naman ng liwanag nito at hindi enough para makita ni Liam 'yung makina ng sasakyan.

"Matagal pa ba?"

"Honestly, hindi ko alam."

Bigla akong nakaramdam ng kaba, lalo na nang matanaw ko na may sasakyan palang nakaparada rin sa kalsada 'di kalayuan sa bandang likuran namin. Mula sa kinatatayuan ko, aninag ko na kotse 'yun. Hindi ko lang masigurado kung ano'ng kulay at modelo. Nakaparada 'yung sasakyan, pero patay ang mga ilaw nito.

"M-may kotse," sabi ko.

"Kotse?"

"Sa likuran natin. Kanina pa ba 'yun doon?" Sumilip sa gilid si Liam. "Huwag mong tingnan," pigil ko sa kanya.

"Hindi ko alam. Nung tumirik tayo, wala naman 'yan kanina. Baka nasiraan din."

"Kung nasiraan, bakit walang tao na nag-aayos?"

"Baka naman 'di nasiraan, baka inaantok lang 'yung driver kaya tumigil muna."

"Kinakabahan ako. Hindi ko ma-explain pero kinakabahan talaga ako."

"Gusto mo puntahan ko?"

Akma na siyang aalis pero hinawakan ko siya sa braso para pigilan, "Dito ka na lang. Ayusin mo na lang 'yan." Babaliwalain ko na lang sana 'yung kotseng nakaparada sa likuran namin at itutuon ang atensyon sa ginagawa ni Liam kaso biglang bumukas ang ilaw sa harapan nito. "Shit!" Napasigaw ako at napaupo sa takot. Nanginginig 'yung buong katawan ko. Narinig ko 'yung pag-andar ng kotse kaya napatakip ako ng tenga.

Nilapitan ako ni Liam at umupo siya sa tabi ko. "What's wrong?"

"Baka parents ko 'yan." Napakapit ako sa braso niya.

Wala siyang sinabi. Tinapik-tapik lang niya 'yung kamay ko na nakakapit sa kanya. Ilang segundo kami sa ganung ayos nang dumaan sa gilid namin 'yung kotse hanggang sa lagpasan kami. "You should get back inside," sabi niya at kinuha ang hawak kong flashlight. Tumayo naman ako, bumitaw sa pagkakahawak sa kanya at sinilip 'yung sasakyan. Malayo na ito sa'min kaya hindi ko nakita 'yung itsura at plate number. Papalayong ilaw na lang nito ang nakita ko. Ibinaba naman ni Liam 'yung hood ng sasakyan. "Mukhang hindi ko na 'to maaayos. Susubukan ko na lang tumawag ng tulong." Inilabas niya 'yung cellphone niya at sumubok tumawag. Mukhang walang signal dahil naglakad-lakad pa siya at itinaas 'yung hawak na cellphone.

Sumakay na uli ako sa sasakyan, at inilapat ang likod ko sa sandalan. Nakapagpahinga naman ako kanina pero parang pagod na pagod pa rin ako. Pumikit ako at bahagyang minasahe ang magkabila kong sintido. Saglit ko palang naipipikit ang mga mata ko nang may marinig uli akong tunog ng sasakyan kaya napadilat ako. May sasakyan na paparating sa kabilang lane. Nakasisilaw 'yung liwanag ng ilaw nito. Bigla itong umiba ng lane hanggang sa nakasalubong na 'to sa amin. Huminto ito ilang metro ang layo. Hindi na maganda ang kutob ko at mukhang ganun din si Liam dahil bigla siyang pumasok sa sasakyan.

"Liam, mukhang kotse 'yan ng parents ko," bulong ko. "I think tama 'yung kutob ko. Sila 'yung kotse kanina."

Nagmamadali kong ginising sina Ate Rose at Enzo. Habang pabalik-balik ang tingin ko sa kotseng nasa harapan namin at sa bukas na glove compartment kung saan naghahanap ako ng kahit na anong gamit na pwede kong ipang-self-defense. Sobrang liwanag pa rin ng ilaw ng kotse. Walang bumababa. Parang nakikipagparamdaman sa amin. Nang makita kong bumukas na 'yung mga pintuan ng kotse, napababa na 'ko. Hindi kami safe sa loob ng kotse. Pwede nila basagin 'yung bintana. Kailangan namin tumakbo, palayo or worst kailangan namin lumaban sa parents ko kung gusto pa naming mabuhay.

Bumaba na rin si Liam at may kinuha sa likod ng sasakyan. Ako naman pilit na ginigising sina Ate Rose at Enzo na sobrang lalim ng tulog. Nakailang sigaw din ako sa pangalan nila bago sila nagising pareho. Mukhang na-sense nila sa boses ko 'yung urgency ng sitwasyon dahil mabilis silang bumaba ng sasakyan. Nang ibalik ko 'yung tingin ko sa kotse nakatayo na sa magkabilang gilid nito 'yung mga magulang ko. Nakatayo lang. Hindi gumagalaw. Wala pa silang ginagawa pero ibang kilabot na ang dala nila sa 'kin.

"Is that..." Hindi pa natatapos ni Enzo 'yung tanong niya sumagot na ako ng oo at hinatak na siya papasok sa bukid na mas mataas pa sa 'min ang mga tanim na palay.

Bago pa kami tuluyang makapasok sa loob ng palayan, narinig ko pa ang malakas na tawa ni Mommy. "Takbo mga anak ko! Takbo! Huwag kayong pahuhuli kundi lagot kayo!"

Palingon-lingon akong tumatakbo habang hawak ko sa kaliwa kong kamay ang braso ni Enzo, at mahigpit ko namang hawak sa kanang kong kamay ang screwdriver na nakuha ko kanina sa glove compartment ng sasakyan ni Liam. Tumatakbo ring nakasunod samin sina Ate Rose at Liam na may hawak naman na baseball bat.

Hindi ko alam kung gaano kalayo na ang natakbo namin, at kung saan kami papunta pero ramdam ko na sa katawan ko ang hingal at pagod lalo na si Ate Rose na halos habulin na ang hininga at si Enzo naman na naduduwal na. Ang hirap na ng sitwasyon para sa 'min sumabay pa ang ulan na mas lalong nagpahirap dahil naging madulas ang tinatakbuhan namin.

"Ate hindi ko na kaya," humihingal na sabi ni Enzo.

"Hindi tayo pwede tumigil. Hindi natin alam kung nasaan na sila. Kung malapit na ba sila sa 'tin. Hindi nila tayo pwede abutan."

Tumatakbo pa rin ako habang hatak si Enzo nang biglang madulas at sumadlak ang balakang ni Ate Rose sa lupa. Mukhang masama ang pagkakabagsak niya dahil namimilipit siya sa sakit. "Tumakbo na kayo. Iwanan niyo na ako," sabi niya habang nakahawak sa balakang at hindi malaman kung ano'ng pwesto ang gagawin.

"Mauna na kayo. Ako nang bahala kay Ate Rose."

Labag man sa kalooban, sinunod ko ang sinabi nila. Nagpatuloy kami ni Enzo sa pagtakbo sa gitna ng ulan at madulas na palayan. Halos hindi na ako makakita dahil sa magkahalong patak ng ulan, luha at hampas ng palay sa mukha namin. Ang tanging nagpatigil lang sa 'min ay ang malakas na sigaw ni Ate Rose kasunod ang putok ng baril. Napaupo sa takot si Enzo. "Ayoko na Ate! Ayoko na talaga! Mamamatay tayo! Papatayin din nila tayo!" sabi niya habang nakayuko at yakap ang magkabilang tuhod.

Pinilit kong patayuin si Enzo. "Tayo na Enzo. Malapit na sila. Hindi ka pwedeng sumuko," pagmamakaawa ko sa kanya.

"Hindi ko na kaya."

Umiling ako. "Hindi. Kaya mo. Please Enzo."

"Ayoko na, Ate."

"No. Parang-awa mo na, please tumayo ka na d'yan. Hindi pwedeng matapos ang buhay natin dito," sabi ko habang hinahatak siya sa braso. Unti-unti nakumbinsi ko rin siya. Dahan-dahan siyang tumayo at tumingin sa akin. Akala ko makakausad na kami pero nang makita ko ang panlalaki at takot sa mga mata niya habang nakatingin sa likuran ko, alam kong huli na. Isang malakas na hampas ang naramdaman ko sa ulo ko at ang sunod ko nang nakita ay ang umiiyak na mukha ni Enzo habang kinakaladkad ni Mommy palayo at ang papalapit na nakangising mukha ni Dad bago ako tuluyang mawalan ng malay.

to be continued...

INANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon