KABANATA 22

394 29 0
                                    

KABANATA 22

Hindi ko maimulat nang ayos ang mga mata ko. Mabigat ang pakiramdam ng ulo ako. Nakaramdam ako nang matinding kirot. Mahinang ingit lang ang lumabas sa bibig ko dahil sa busal na nakalagay dito. Hindi ako makakilos. Kahit nahihilo pa ako, naaninag ko ang lubid na nakapulupot sa katawan ko. Nakagapos ako sa upuan kaya hindi ako makakilos. Inikot ko ang mata ko sa paligid. Nasa bahay uli kami ni Inang, sa harap ng poon na basag-basag na ang mga nakapatong sa rebulto ng mga santo. Tulad ko nakagapos din sa upuan at may busal sa bibig sina Liam, Ate Rose at Enzo.

Gising na rin ata si Ate Rose dahil bahagyang nakabukas ang mga mata niya at bahagyang gumagalaw ang kanyang ulo. Mukhang tulad ko hinampas din siya ng matigas na bagay dahil puno ng dugo ang mukha niya. Si Liam naman wala pa ring malay at dumudugo ang tagiliran. Si Enzo, gising na rin at kahit may busal sa bibig ay dinig ko ang impit niyang iyak. Basa ng luha ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

Kahit nanghihina pa ako, sinubukan kong tanggalin ang pagkakagapos ko, pero sadyang mahigpit ang pagkakatali nito at parang nakapako sa sementong sahig ang mga upuan dahil kahit anong kilos ang gawin ko'y 'di ito natitinag. Napatingin ako kay Enzo dahil sa malakas pero impit niyang sigaw. Nakatayo na pala sa tabi ko si Mommy nang hindi ko namamalayan.

Yumuko si Mommy para magpantay ang mga mukha namin, "Gusto mo ng tulong?" tanong niya at itinapat sa mukha ko ang hawak niyang kutsilyo. Umiling ako. Ngumisi siya "Okay." Dumeretso siya nang tayo at naglakad paikot sa aming apat bago huminto sa likuran ni Liam. "Gising na pala kayong lahat maliban sa isang 'to." Mahigpit niyang hinawakan sa buhok si Liam at hinila hanggang sa matingala ito. Ilang beses din niyang niyugyog ang ulo ni Liam pero hindi talaga ito nagigising.

"Tama na!" sigaw ko na halos hindi maintindihan.

"May katamaran pala 'tong batang 'to. Mas gustong matulog. Kung ganun, eh 'di 'wag na nating paggisingin." Ang bilis ng mga pangyayari. Sa isang iglap may malalim at mahabang gilit na sa leeg si Liam at bumubulwak ang dugo mula rito. Parang wala lang kay Mommy ang ginawa niya at ipinunas pa niya sa puti niyang dress ang duguang kutsilyo.

Sa sigaw ko na nga lang pwedeng ilabas ang galit ko, pigil na pigil pa dahil sa busal sa bibig ko. Si Ate Rose nakayuko na at parang wala pa rin sa sarili at hindi alam ang nangyayari habang si Enzo nawalan ng malay.

Naglakad palapit sa 'kin si Mommy. "May gusto kang sabihin?" tanong niya sabay tanggal ng busal sa bibig ko.

"Napakasama mo! Hayop ka! Demonyo ka! Kung sino ka man! Tigilan mo nang pamilya ko! Huwag ka na mandamay ng ibang tao! Walang kasalanan si Liam! Mabuti siyang tao! Bakit pati siya pinatay mo?! Sino ka ba?! Ano'ng kailangan mo sa 'min?! Bakit mo 'to ginagawa?! Si Inang ka ba?! Pamilya mo kami 'di ba?! Kung gusto mo ng tigapag-mana, sige! Kunin mo na 'ko!" Sa dami ng sinabi ko isang ngiti lang ang isinagot niya sa 'kin.

Maya-maya dumating naman si Dad. "Nag-lalaro ba kayo? Sali ako? May naisip akong bagong game. Kids, gusto niyo?" Excited na sabi ni Dad. Hindi mawala ang ngiti sa mukha niya. Napatingin siya kay Enzo. Bigla siyang nalungkot. "Tulog pala si bunso." Akala ko hindi na niya itutuloy ang plano niya, pero ngumiti siya uli, "Tayong na lang tatlo."

"Ano'ng rules ng laro?" tanong ni Mommy. Sa itsura naming tatlo ako lang ang hindi natutuwa sa laro na 'to.

"Gwen here are the rules. Makinig kang mabuti. Salitan kaming magtatanong sa 'yo ng Mommy mo. Kapag nagtanong ako at tama ang sagot mo, Mommy mo ang mapaparusahan. Kapag mali naman ang sagot mo, ako na nagtanong ang mapaparusahan. Ganon din sa Mommy mo kapag time na niya magtanong. Kapag tama ang sinagot mo sa tanong niya, ako ang may parusa. Kapag mali naman, ang Mommy ang may parusa."

Kung ganun, hindi na lang ako sasagot.

"Alam kong iniisip mo. Eh 'di hindi na lang ako sasagot. No. No. Kapag hindi ka sumagot. Ikaw ang mapaparusahan."

INANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon