KABANATA 9

451 32 1
                                    


KABANATA 9

"Mommy."


"Gwen, huwag ngayon. Birthday ng kapatid mo. Ayokong magtalo tayo." Tama si Mommy. Kailangan naming gawing masaya itong araw na 'to para kapag naisip ni Enzo 'tong 8th birthday niya hindi multo ang maalala niya. "Ituloy mo na lang 'yang pagbabalot ng lumpia."


"Opo."


Habang abala kami sa kusina. "I'm back!"


"Daddy!" Tumatakbong lumapit si Enzo kay Dad na may hawak na malaking box ng cake.


"I got your birthday cake!"


"Chocolate?"


"Yep! Your favourite."


"Cake lang po Daddy?" Mukhang may hinahanap si Enzo.


"Yeah. Why?"


Umiling lang si Enzo at saka bumalik sa sala para maglaro.


"I got the puppy." Bulong ni Dad. "Nasa kotse. Natutulog."


Pigil na pigil 'yung excitement ko. Gusto ko na makita 'yung puppy kaya binilisan ko 'yung pagbabalot ko ng lumpia para maluto na agad at maumpisahan na 'tong birthday celebration ni Enzo. Halos lahat kasi naluto na ni Mommy, itong lumpia na lang ang hindi pa.


Matagal ko na rin gustong magkaroon ng alagang aso after mamatay 'yung huli naming alaga na si Ginger 3 years ago. Ngayon kasi na college na 'ko, I can't have a pet dahil hindi ko rin maasikaso. Kapag may pasok kasi, sa dorm ng school ako nag-stay and pets aren't allowed and weekends lang ako umuuwi sa bahay and minsan nga hindi pa 'pag sobrang daming ginagawa sa school. Lalo na I'm on my third year this coming schoolyear. Start na ng thesis at mas magiging busy ako. But now na mag-eight years old na si Enzo, maybe naisip nila Dad na he can take the responsibility na to have a pet and I'm really happy for him kasi ang tagal na rin niyang nire-request 'yun kina Dad. Five years old palang ata siya 'yun na ang hiling niya but raising a pet is a big responsibility. Hindi pwedeng matutuwa ka lang sa umpisa pero kapag ayaw mo na hindi mo na aalagaan. Pets aren't toys.


"Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday Enzo!" Pagkatapos naming kumanta, dahan-dahang lumabas ng bahay si Dad nang hindi napapansin ni Enzo, para kunin 'yung puppy na nasa loob ng kotse.


"Let's light the candles na!" sabi ni Mommy. Umarte pa siya na kunwaring ayaw masindihan nung mga kandila dahil ang tagal bumalik ni Dad. Pero nang nang makita niya na pabalik na si Dad, hawak 'yung cage, sinindihan na niya 'yung kandila.


"Make a wish!" sabi ko.


"Sana pagbigyan na ako ni Mommy at Daddy na magkaroon ng pet dog!"


Pagka-ihip ni Enzo sa kandila, kinalabit siya ni Dad sa balikat, "Enzo."


INANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon