KABANATA 23

766 40 15
                                    

KABANATA 23

"Gwen, sige na. Payag ka na. Lagyan kita make-up," sabi ni Ate Lilly habang inilalapit sa mukha ko ang hawak na brush. Isa sa mga pasyente rito sa mental hospital si Ate Lilly. Base sa narinig kong kwento rito, dati siyang beauty queen na pinagpalit ng asawa sa ibang babae na mas bata sa kanya. "Mas lalo kang gaganda kapag naayusan na kita. Tingnan mo si Gael..." ngumuso siya sa direksyon ng lalaking nurse na nagbabantay sa amin. "...kanina ka pa tinitingnan. Wala ka pang ayos niyan." Napatingin ako kay Gael. Nginitian niya 'ko. Halos linya na lang 'yung singkit niyang mata kapag ngumingiti siya. Pinigilan kong matawa. "Gusto ka niya," bulong ni Ate Lilly.

Walang kaalam-alam ang mga tao sa mental hospital na isang taon na kaming magkarelasyon ni Gael. Sa loob ng apat na taon, iba't-ibang doktor na ang nakausap ko. Lahat sila ginustong matulungan ako, pero wala silang nagawa. Sa lugar na 'to, tanging si Gael lang ang tao na totoong nakaintindi sa 'kin. Siya lang ang naniwala sa mga kwento ko.

"Nakabantay na naman siya sa 'tin," sabi ni Gael habang nakahiga kami sa kama, nakayakap ako sa tagiliran niya at nakapatong ang ulo ko sa ibabaw ng dibdib niya. Nasa loob kami ng bodega ng ospital. Nasa dulong parte ito kaya walang masyadong pumupunta. "Pero alam niya kung kailan siya dapat magpakita. Sa tuwing tapos na tayong," hindi niya natapos ang sasabihin dahil tinapik ko siya sa tiyan niya. "Ouch! Masakit 'yon," natatawang sabi niya. "Pero seryosong tanong, wala naman akong masamang gagawin sa 'yo pero bakit lagi siyang nakabantay sa 'tin?"

"Bakit 'di mo siya tanungin. Ikaw lang naman ang nakakakita sa kanya."

"Sinubukan ko na, pero 'di ako pinansin. Sa 'yo lang naman siya laging nakatingin. At nagpapakita lang siya sa 'kin kapag magkasama tayo."

"Gusto siguro niyang iparating sa 'kin na disappointed siya dahil 'di ko nagawang iligtas 'yung kapatid ko."

"Wala ka namang magagawa para sa kapatid mo nung mga panahong 'yon."

"At hanggang ngayon, wala pa rin akong kayang gawin."

"Hindi totoo 'yan. Gusto mo itakas kita ngayon din?"

"Nasisiraan ka na ba ng ulo? Gusto mong mawalan ng lisensya at trabaho?"

"Seryoso, gusto kitang ilabas dito. Hindi ka dapat nandito."

"Masaya na 'kong magkasama tayo rito."

"Paano tayo bubuo ng pamilya?"

Napabangon ako sa sinabi niya, "Pamilya?"

"Oo, pamilya. Ayaw mo ba?" Sa totoo lang, simula nang makulong ako sa mental hospital na 'to, nawalan na ako ng pag-asa. Nawalan ako ng kakayahang mangarap. Tinanggap ko nang buong buhay na akong nakakulong.

"Huwag kang mangarap nang imposible. Makuntento na lang tayo sa ano'ng meron tayo ngayon."

"Gu—." May sasabihin pa sana siya kaya pinatahimik ko siya ng halik. Siya lang naman ang kailangan ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan siya mananatili sa tabi ko, basta sa ngayon ang mahalaga sa bawat oras na kasama ko siya pakiramdam ko buhay ako at may rason ako para mabuhay.

***

Tahimik akong nagbabasa ng libro na bigay sa 'kin ni Gael nang marinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko. "Gwen, may bisita ka," sabi ng babaeng nurse na lumapit sa 'kin. Nakayuko ako kaya ang una kong nakita ay 'yung mga paa nila. Tumingala ako at sa tabi niya, nakita kong may dalawang matanda na mukhang mag-asawa.

"Sino sila?" tanong ko. Ngayon ko lang kasi nakita 'yung dalawang matanda.

"Mga umampon sa 'kin."

"Enzo?" Napatayo ako nang makita ko siyang lumabas mula sa likuran ng mag-asawa.

"Kumusta ka na Ate?" Tumakbo siya papunta sa 'kin at niyakap ako.

INANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon