KABANATA 5
"Himala. Malakas signal ngayon d'yan sa probinsya n'yo," sabi ni Rina. Sinubukan kong tawagan siya and thank God magkakausap din kami nang maayos.
"Kaya nga. Nalibot ko ata 'tong buong bahay ni Inang para makasagap ng signal. And guess what kung nasaan ako ngayon."
"Where?"
"Dito sa tapat ng kwarto niya. Dito kasi may pinakamalakas na signal."
"No way! 'Yang pintuan sa likuran mo 'yung kwarto ng lola mo?" Mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Yeah. Dito talaga. Of all places, dito pa talaga."
"Oh fudge!" Bigla siyang natigilan habang nakatingin sa likuran ko at takot na takot ang itsura niya.
"What?! Why?!"
"May nakasilip sa pintuan!" Takot na takot siyang tumuro sa likuran ko.
Napalingon ako. Nakasarado pa rin naman 'yung pintuan. "Rina! Kaasar ka! Kinabahan ako. Mag-isa lang ako rito sa taas. Don't make fun of me."
"Joke lang. Peace!" Nag-peace sign pa siya.
"Not a good joke."
"Sorry... my bad. Anyways, napasok mo na ba 'yang kwarto niya?"
"Dati, nung bata pa 'ko, pero ngayon I don't think gugustuhin ko pang pasukin uli 'to."
"Why not? Baka may makita kang kayamanan diyan," natatawang sabi ni Rina.
"No thanks. Baka magpakita pa sa 'kin 'yung kaluluwa ni Inang at pagalitan na naman ako."
"Tanda mo na Gwen. Naniniwala ka pa sa multo?"
"Totoong may multo. After nang na-experince ko sa punerarya, masasabi kong totoo sila."
"Why? What happened? May nakita ka? Tell me." Lumapit pa siya sa sa screen. Mukhang interisado siyang marinig ang kwento ko.
"No. Ayoko. Ngayon pa na nandito ako sa tapat ng kwarto ni Inang, kung saan siya namatay? No way. Ugh, just thinking about it, kinikilabutan na 'ko."
"Ano ba 'yan. Dapat hindi mo na kinuwento sa 'kin."
"Punta ka na lang dito. Kwento ko sa 'yo."
"Pwede?"
Natawa 'ko. "Parang ang lapit, 'tsaka papayagan ka kaya ni Tita?"
BINABASA MO ANG
INANG
ParanormalDahil sa pagkamatay ng lola ni Gwen, kinailangan nilang umuwi ng probinsya. Sa pag-uwi nilang ito maraming kababalaghan at sikreto ng kanilang pamilya ang mabubunyag.