KABANATA 12
Nang sumunod na araw, palabas na sana kami ni Enzo nang bahay para maghanap ng computer shop nang dumating 'yung private nurse ni Mommy. Maliit na babae siya. Tingin ko nasa mid-20s 'yung edad. Una kong napansin sa kanya 'yung malaking balat sa kaliwang pisngi niya. Pinakilala siya sa 'min ni Dad. Her name is Linda. Mukha naman siyang mabait, pero hindi ko pa nakausap nang matagal kasi umalis na rin kami agad ni Enzo. Nangulit na kasi si Enzo na pumunta na ng computer shop.
Naglakad-lakad kami sa labas pero wala kaming nakitang computer shop. "Wala atang computer shop dito," sabi ko kay Enzo. Napagod na rin ako sa paglalakad kaya pinara ko na 'yung unang tricycle na nakita ko. "Kuya, pakihatid naman kami sa malapit na computer shop dito."
"Sige po Ma'am," bibong sagot nung tricycle driver.
Inii-start na ni Kuya 'yung tricycle niya nang may mapadaang lalaki, "Tsk, tsk. Ba't mo sinakay 'yan?"
"Ha?" nagtatakang tanong ng tricycle driver. Mukhang hindi ata siya tiga-rito dahil hindi niya alam 'yung tungkol sa galit ng mga tiga-rito sa pamilya namin.
"Tara na po kuya." Nilakasan ko 'yung boses ko. "Nagmamadali po kami."
"Opo."
"Ingat ka!" sigaw nung lalaki bago pa kami makaalis. Buti na lang hindi na nag-usisa pa 'tong tricycle driver at tuluyan na kaming umalis.
***
"Ang layo naman pala ng computer shop dito Ate. Akala ko naligaw na tayo e. Ang tagal ng byahe," sabi ni Enzo habang papasok kami sa nag-iisang computer shop na nakita namin.
Pagpasok namin iisa lang 'yung tao sa loob; 'yung babaeng bantay ng shop.
"Kayo 'yung nakatira doon sa bahay ni Inang Luring 'no?" tanong niya sa 'min. Tumayo pa siya at naglakad palapit samin.
"Kami nga. Bakit mo natanong?"
"Nakita ko kayo do'n," nakangiti niyang sagot. "Pero hindi ako taga do'n. Nadadaanan ko lang 'yung bahay niyo kapag nagba-bike ako papunta sa bahay ng mga pinsan ko."
"Hindi na ba parte ng El Ciego 'to?"
"Hindi. Ibang bayan na 'to. Liblib 'yung lugar niyo."
"Kaya pala." Napatango-tango na lang ako. Kaya pala ang layo ng biniyahe namin papunta rito. "Buti kinakausap mo kami. Mukhang 'di ka ata takot or galit sa 'min."
Natawa siya sa sinabi ko. "Hindi naman kasi ako naniniwala sa tsismis."
Ngumiti ako.
"Ako nga pala si Joyce. Kayo ano'ng pangalan niyo?"
"I'm Gwen and ito namang brother ko si Enzo."
BINABASA MO ANG
INANG
ParanormalDahil sa pagkamatay ng lola ni Gwen, kinailangan nilang umuwi ng probinsya. Sa pag-uwi nilang ito maraming kababalaghan at sikreto ng kanilang pamilya ang mabubunyag.