KABANATA 6

495 34 0
                                    

KABANATA 6

Nasa kwarto ako at nagta-type ng bagong content na ipo-post ko sa blog ko once makabalik na kami ng Manila at maranasan ko uli ang mabilis na wi-fi nang kumatok si Ate Rose sa kwarto ko.


"Come in."


"Gwen, nandito ba si Enzo?"


"Wala po. Bakit?"


"Nag-banyo lang ako tapos paglabas ko wala na siya. Hinanap ko sa lahat ng kwarto, sa labas at loob nitong bahay pero wala. Kinakabahan ako. Baka na-kidnap 'yung kapatid mo."


"Po?" Napatayo agad ako at tumakbo pababa ng bahay. Sino naman kayang ki-kidnap sa kapatid ko? Nasaan kaya si Enzo? Biglang pumasok sa isip ko si Mang Rudy, kaya mas lalo kong binilisan ang takbo.


Palabas na ako ng bahay nang makita ko si Enzo na naglalakad na umiiyak papasok ng gate. Ang dumi ng suot niya at puro siya galos. "Enzo! Saan ka galing? Ano'ng nangyari sa 'yo?"


"Diyos ko po. Sino'ng may gawa nito?" sabi ni Ate Rose.


Humihikbi siyang sumagot. "Gusto ko lang makipaglaro pero inaway nila 'ko. Sabi nila pamilya ng mangkukulam daw tayo. Mamamatay tao."


"Sino'ng nagsabi niyan?" Awang-awa ako sa ayos ng kapatid ko.


"Yung mga bata doon." Tumuro pa siya sa labas. "Totoo ba 'yun Ate?"


"Hindi totoo 'yun. Walang mangkukulam sa pamilya natin at mas lalong walang mamamatay tao sa 'tin."


"Linisan muna natin siya."


"Mabuti pa nga po."


Inasikaso ni Ate Rose si Enzo. Nilinisan at pinagpalit ng damit. Habang ginagamot namin 'yung mga galos ni Enzo kinakabahan ako sa pwedeng mangyari once na dumating na sina Mommy at makita 'tong nangyari sa kapatid ko.


Narinig ko 'yung tunog ng sasakyan namin. Nandito na sila. "Ate Rose, ikaw na pong magtapos nito." Bumaba ako para salubungin sina Mommy.


"Hi Gwen," nakangiting bati ni Mommy sa 'kin. May bitbit pa siyang supot ng mga prutas.


"Where's your brother. Tulog?"


"No. Nasa taas po."


"Bakit hindi bumaba? Naglalaro na naman ba sa cellphone niya?"


"No po."


"May nangyari ba?"


"Why what's wrong?" tanong ni Dad na papasok ng bahay na balde ng pintura at pala.


"Gwen, by the look in your face, mukhang may nangyaring hindi maganda."

INANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon