KABANATA 8
Sa araw ng birthday ni Enzo, umalis si Dad nang maaga at hindi ko alam kung saan nagpunta. Bibili siguro ng birthday cake ni Enzo. Si Ate Rose naman, naglalaba dahil maganda ang panahon ngayon. Maaraw unlike kahapon na makulimlim. Si Enzo nasa kwarto. Nasa sala naman ako with my laptop. Nasa last episode na 'ko ng series na pinapanood ko nang may maamoy ako na nasusunog. Nagmamadali akong pumunta sa kusina at dinatnan kong malungkot na nakatulala si Mommy doon habang may hawak na papel at envelope.
"Mom!" sabi ko habang nagmamadaling pinatay 'yung kalan dahil nasusunog na 'yung mantika sa kawali."
"Oh my God. Nawala sa isip ko na may nakasalang ako. Papainitin ko lang sana 'yung mantika." Kinuha ni Mommy 'yung sunog na kawali at itinapat sa bukas na gripo.
"Ano po bang iniisip niyo?"
"Wala. Nakalimutan ko lang talaga."
Tiningnan ko 'yung hawak ni Mommy kanina na iniwan niyang nakapatong sa may lamesa.
"Nakita ko sa mga gamit niya kanina. Pakipanik mo nga sa kwarto namin. Baka mabasa rito. Magluluto na 'ko ng handa ni Enzo."
Sinunod ko si Mommy at pumunta ako sa kwarto nila. Akala ko nandoon si Enzo pero nang pumasok ako wala siya doon. Nakita ko lang 'yung cellphone niya na nakapatong sa kama. Kinabahan ako. Baka lumabas na naman siya nang walang paalam. Baka kung ano na naman ang mangyari sa kanya. Umikot ako para lumabas agad ng kwarto nang bumulaga sa harapan ko si Enzo. Nagtago lang pala siya sa likod ng pinto. Sa gulat nabitawan ko 'yung envelope na hawak ko. Tawa naman nang tawa si Enzo.
"Pasalamat ka birthday mo ngayon," sabi ko habang pinupulot ko 'yung envelope.
"Ate laro tayo."
"Ano namang laro?" Naglakad ako palapit sa drawer na nasa tabi ng kama at doon ko ipinatong 'yung envelope.
"Taguan. Ikaw taya." Hindi ako sumagot agad. Kunwaring nag-iisip pa ng sagot. "Sige na." Humawak pa siya sa braso ko at tumalon-talon na parang kuneho.
"Uhmm... Sige na nga. Para sa birthday boy."
"Yes!"
Humarap na 'ko sa pader. "Tagu-taguan maliwanag ang araw..." imbes na buwan, araw 'yung sinabi ko. Ang aga pa kasi at tirik na tirik pa 'yung araw. "Masarap maglaro sa dilim-diliman..." Naririnig ko pa 'yung yabag ni Enzo. Hindi ata malaman kung saan siya magtatago. "Pagbilang kong sampu nakatago ka na..." Palayo na siya at hindi ko na marinig. "Isa... dalawa... tatlo... sampu..." Hindi ko binuo 'yung bilang. For sure hindi na rin niya 'ko naririnig. Hindi na 'ko nag-abalang hanapin siya sa kwarto nila dahil sigurado akong lumabas siya ng kwarto. Sure din ako na wala siya sa kwarto ko dahil hindi ko narinig na bumukas 'yung pintuan ng kwarto ko na katabi lang nung sa kanila. 'Yung pintuan pa naman ng kwarto ko lumalangitngit sa tuwing nagagalaw. Imposibleng hindi ko 'yun marinig. Kaya ang una kong pinuntahan 'yung kwarto ni Ate Rose. "Enzo?" Sumilip ako sa ilalim ng kama at tinignan ko 'yung cabinet pero ang laman lang noon ay mga iilang gamit ni Ate Rose. Hindi ko siya hinanap sa kwarto ni Inang dahil sure ako na hindi siya papasok doon para magtago kaya bumaba na 'ko para doon siya hanapin. Pero wala siya sa kusina, sa banyo, sa sala, pati sa labas ng bahay.
BINABASA MO ANG
INANG
ParanormalDahil sa pagkamatay ng lola ni Gwen, kinailangan nilang umuwi ng probinsya. Sa pag-uwi nilang ito maraming kababalaghan at sikreto ng kanilang pamilya ang mabubunyag.