(Tracey POV)
Kahit na inaantok pa ako maaga pa din akong tumayo sa kama ko dahil na din sa pagbubulabog ng mga lengya kong dormmate. Naririnig ko pa ang childish na sigaw nila Ralvy at Charlie. Idagdag mo pa ang sigaw din ni Dave at Janus sabay bulabog sakin. And take note pati ang pagbangga sa pinto ko which is si Troy yun. Malamang natutulog na naman at bumabangga sa pinto ko.
Hinihila na nga lang ako ni Charlie kanina pagpasok ng gate ng department dahil hindi ko na maihakbang ang paa ko sa sobrang antok. Ngayon alam ko na ang feeling ni Troy kapag hinihila siya ni Ralvy. Naka jersey pala kami ngayon. No. 9 ang jersey number ko. Yun kasi ang jersey ni Frai eh. At dahil sa sleeveless ang jersey naka black t shirt ako sa loob. Mabuti na lang at nakaganun din sila. Mga gaya gaya eh. Nakita lang nilang magandang tingnan yung suot ko nag sipag suot din ng ganun.
Pagdating ko sa gymnasium punong puno ng studyante ang mga seats. Pati mga babae galing sa kabilang department nandito. Akala ko ba bawal ang babae dito? Tapos ngayon nandito silang lahat sa gym.
"Hoy akala ko ba bawal ang babae dito?" Nakasimangot na sabi ko kay Ralvy.
"Chill lang bestfriend pwedeng pumunta ang mga babae dito kapag may game ng basketball o kaya naman kapag allowed sila gaya ngayon." Paliwanag niya sakin pero nakasimangot pa din ako. Paano ba naman kasi ang ingay nila. Tili ng tili. Babae ako pero hindi ako ganyan umasta noh.
"Matutulog muna ako kayo na ang bahalang maglaro." Sabi ko kay Janus kaya naman nagnod siya. Alam niya sigurong badtrip ako. Tsaka sanay naman silang maglaro na silang lima. Pagkarinig ni Ralvy sa sinabi ko agad niyang niyugyog si Troy na hanggang ngayon ay tulog pa din.Ano pa bang aasahan ko dyan. Magugulat ka na nga lang kung gising yan eh.
Nagsimula ang game at nakaupo lang ako sa bench. Inaantok ako pero di ako makatulog sa sobrang ingay kaya nanood na lang ako. May itsura naman ang mga kalaban. Pero kapag tinabi mo sila kay Janus nagmumukha silang talampakan. I'm not that mean pero ang layo ng agwat ng mukha nila Janus sa mukha ng mga kalaban. Halos lahat nga ng babae dito sila Janus ang Chinicheer.
Magaling naman sila Janus pero sadyang madaya lang ang kalaban. Isama ko pa yung madayang ref na halatang nakapanig sa kalaban. P*ta basketball ba ito o wrestling. Kitang kita na nga sinuko si Dave tapos hindi pa din yun foul. Nakita na nga tinulak si Troy tapos wala man lang offensive foul. End na ng first quarter pero yung lamang ng kalaban tambak na. 36-12 ang score. Ang daya naman kasi eh. Halatang masakit na din ang nararamdaman ni Dave dahil sa paniniko sa kanya nung mukhang unggoy na kalaban. Dapat sa mga taong ganyan hindi na nabubuhay sa mundo. Nagrereklamo na nga ang mga manonood pero baliwala lang nila. Ang aim nila dito manalo sila at mapahiya kami.
Habang naglalaro sila napatingin ako sa may upper part ng seats ng gym. May group ng mga guys dun na halatang seryoso sa panonood. May mga jacket sila at may tatak na one sa harapan. Seven silang lahat at ang cool nilang tingnan. Pero may nakapukaw ng pansin ko sa kanilang lahat. Yung isang lalaki na kulay brown ang buhok. Parang kilala ko siya. Parang nakita ko na siya before. Parang may something sakin na gusto siyang lapitan. Nanlaki ang mata ko nung mapatingin siya sakin. Parang there's something like pain and sadness in his eyes.
Napalingon na lang ako sa court ng biglang nagkagulo. Dumudugo ang mukha ni Dave. He's injured. May mga medic na umalalay sa kanya at dinala siya sa clinic. Nilinis na din ang patak ng dugo sa sahig. Doon ko lang din namalayan na end na ng 1st half. Ibig sabihin ba nito buong quarter akong nakatingin sa lalaki na nasa taas. Tumingin ako ulit kung nasan siya. Kung nasan sila. Pero wala na sila doon.
Nagsimula na akong mag stretching para na din palitan si Dave. Halatang may masakit na ding nararamdaman si Troy at Ralvy. Si Charlie naman ay halatang down na dahil sa laki ng tambak sa score. Habang si Janus ay pinaliguan ang ulo ng malamig na tubig. Siguro para na din kalmahin niya ang sarili niya. Alam kong kanina pa niya gustong manapak pero siguro hindi siya lumalaban sa pananakit dahil alam niya na isa itong basketball game at hindi kailangan ng pisikalan kahit na ang mga kalaban ay kanina pa nananakit ng pisikal. Hindi ko man alam kung ano ba talagang nangyari kay Dave. Alam ko naman na kagagawan ito ng kalaban namin. Their dirty tactics ay hindi uumbra sakin.
BINABASA MO ANG
ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twin
RandomWinter's testament__ I Winter Terrice Jansen Madrigal Y Lee hereby declare that starting today, May 02,---- will give the authority to my daughter Tracey Feiri Jansen Madrigal to be the holder of my title as Poison. This testament will give her the...