Forty six** it's happening....

2K 48 2
                                    

Forty six** it's happening....

(Dave POV)

Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Alam kong parang napakaimposible ng iniisip ko pero hindi ko maikakala na posibleng tama ang hinala ko. Yung Tracey na nakita ko kanina siya yung Tracey na kasama ni Nami noong nasa Japan pa kami. Noon ay hindi ako naghinala kahit may kutob na ako dahil pwede talaga siyang maging kamukha ni Travis dahil kambal sila pero dahil doon sa nabasa ko sa journal ni Travis nalaman ko kung sino talaga siya. I didn't expect na ganun kadali niya ako maloloko. Ang tagal ng pinagsamahan naming magkakaibigan at ang akala ko ay kilala ko na talaga sila pero nagkamali pala ako. Hindi ko man lang nahalata na ang babae nasa harapan ko noon ay walang iba kundi ang nawawala kong kaibigan. Na yung Tracey na nakilala namin noon ay walang iba kundi si Travis.

I'm about to go and look for Travis nung may narinig akong sigawan sa likod ko. I saw Janus holding Trace in his arms. May kutob na din ako na Trace is not really Trace dahil wala namang nabanggit si Travis sa journal niya about his twin brother named Trace. Ayaw ko pang magconclude sa ngayon pero there is really a part of me na gustong maniwala na si Trace ay ang totoong Tracey. Alam kong magulo pero yun kasi ang sinasabi ng utak ko. Agad kong nilapitan ang mga kasama ko na nagkakagulo kay Trace. Minsan talaga may pagka shunga ang mga ito. Di man lang nila naisip na dalin si Trace sa clinic. Anong akala nila? Nasa pelikula sila tapos hihintayin muna nilang mamatay yung bida bago dalin sa ospital. Mag iiyakan muna sila bago tumawag ng ambulansya.

"Alam niyo ikamamatay talaga ni Trace kung hindi niyo pa siya dadalin sa clinic." Sabi ko habang nakapoker face. Alam ko sa sarili ko na this is not the usual me. Pero anong bang maggagawa ko eh maski ako nagugulo na kung alin na ba ang papaniwalaan ko ngayon.

Without saying any word ay dinala na namin sa Clinic si Trace. Buhat buhat siya ni Janus habang kitang kita mo ang worry sa mukha niya. I just can't help to think of it. Kung totoo nga na si Trace ay yung totoong Tracey ano kayang mararamdaman nila kapag nalaman nila na niloko pala kaming lahat ni Trace. Na pinaikot niya kami sa kamay niya at nagsinungaling siya sa amin dahil lang sa kagustuhan na mahanap si Travis.

Pagdating namin sa clinic ay nandoon si Rence. Siya na yung nag asikaso kay Trace pero there is something in him na para bang bigla na lang siyang nagpanic. May tinawagan siya sa phone niya at minutes later ay dumating yung kuya nila Trace wearing a worried expression. Pumunta siya kay Trcae pero parang may mali talaga. Maski siya ay parang gulat. Kumuha siya ng maliit na knife, scalpel ata ang tawag dun ay inilihis ang ulo ni Trace. Hiniwa niya ang part sa likod ng kaliwang tenga ni Trace kaya naman lahat kami ay nagulat. Balak ba niyang patayin yung kapatid niya? Pero ang mas ikinagulat ko ay walang dugo na dumaloy mula doon sa part na hiniwa. Tinahi din naman agad yun ni Rence at nilagyan ng bandage.

"Prepare the ambulance, isasama ko siya sa hospital. He needs an urgent treatment as soon as possible. Rence, call Rhelmd tell her that I need her help as soon as possible. I'll be the one who will tell Umma and Appa about this matter." Ma autoridad na sabi ng Kuya nila Trace na hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang pangalan.

Nakaupo lang kaming lima ng mga Shadow sa upuan sa loob ng clinic habang pinapanood silang magkagulo. Para bang sobrang urgent ng pangyayari at ikamamatay ito ni Trace. Then it hit me. Hindi kaya ako ang dahilan kung bakit nangyari ito? hindi kaya ako ang nagtrigger ng sakit niya dahil sa mga sinabi ko kanina. Ang gusto ko lang naman ay umamin siya samin. Yung sabihin niya ang totoo at hindi yung niloloko niya kami. Teka nga, bakit ba ako nakokonsensiya? Hindi ko naman alam na may mangyayaring ganito. Kung alam ko lang edi sana hindi ko na siya kinausap kanina. Edi sana sinundan ko na lang agad si Travis at sa kanya ikiconfirm ang lahat.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon