(Tracey POV)
Gabi na nung makabalik ako sa dorm. Wala lang, gusto ko lang munang ilabas lahat ng galit ko para makapagpigil ako sa pagpatay. Bawal akong pumatay ng kahit sino habang hindi ko pa natatapos ang mission ko. That's Umma's task. At kailangan ko yung sundin dahil ayaw ko din namang maparusahan. Umma is really strict when it comes to our mission. Since siya na ang master ng Clan she make sure that we will not make any single mistake. Para sa kapakanan ng Clan. At para na din protektahan ang kailangan protektahan.
Naaalala ko pa noong bago palang kami ni Frai sa Clan. Umma chose to seperate me from Frai dahil na din kailangan ko daw mas maging malakas ako para na din mapalitan siya sa position niya bilang si Poison. Alam kong mahirap pero ano bang magagawa ko, ako lang ang nag iisang babae sa pamilya. Besides yun din naman ang gusto ko. Kabaligtaran ng gusto ni Frai. Frai always wants his life in peace. Ayaw niyang maging assassin kaya after his ten years of training pinadala na siya dito sa Pilipinas.
Mom said that hindi kami pwedeng laging magsama ni Frai for our protection. Gaya nung ginawa ni Lolo kina Umma at Aunt Autumn. Pero this time siniguro ni Umma na ligtas si Frai para hindi siya magaya sa sinapit ni Aunt Autumn before. Yun nga lang biglang nawala si Frai. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Hindi ko alam kung nasan siya. Kahit na kambal kami hindi ko alam ang takbo ng isip niya. Masyadong mautak si Frai. Ayaw niyang pinapakelaman ang buhay niya. Ayaw niyang may taong sinusunod kahit pa ang parents namin. Kaya sigurado ako na nagtatago lang yun. Ang pinagtataka ko nga lang ay bakit ako pa ang pinadala ni Umma para hanapin siya. Pwede namang ibang assassin na lang. Lalo na kakatapos ko lang magtraining para mapalitan siya. Pero kahit nag aalangan ako sinunod ko pa din. Para kay Frai at para na din kay Rei. Rei is my first car. Kaming dalawa ni Frai ang nagdesign nun at binili namin gamit ang sariling pera naipon ko. Gaya ko may twin car din si Rei. Yun si Rai yung car naman ni Frai na hindi ko alam kung nasan. Tinago niya yun for protection kay Umma. Alam niya kasing gagamitin yun ni Umma para mapasunod siya. Tinago ko nga din si Rei eh, di ko nga lang alam kung paano nalaman ni Umma kung nasan si Rei. Kaming dalawa lang naman ni Nami ang nakakaalam kung nasan si Rei. Besides alam ko namang hindi yun sasabihin ni Nami. Kahit naman medyo loka loka yun bestfriend ko pa din yun. At kung ano ang mahalaga sakin mahalaga na din para sa kanya.
Pagpasok ko sa dorm patay na ang mga ilaw. Siguro naman tulog na sila. Ayaw ko na ding ungkatin pa kung ano man ang nangyari kanina. Past is past. Hindi naman na kailangan pang pag usapan ang mga walang kwentang bagay.
Nagulat na lang ako nang biglang nagsindi ng ilaw. There, Dave is standing cross arms.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya pero bago pa man ako makabwelo may nagsindi na naman ng ilaw sa isang side ng sala.
"Saan ka nanggaling?" Seryosong sabi ni Ralvy. Sa totoo lang hindi bagay sa mukha niyang magseryoso ang sagwa kasi.
"Alam mo ba kung anong oras na." Sabi naman ni Janus na nakaupo pala sa isang upuan sa sala. Pero gaya ng kanina bago pa man ako makasagot may nag salita na naman.
""Yan ba ang tamang oras ng uwi ha." Sabi naman ni Charlie na seryoso din. Yung totoo anong pinaglalaban ng mga ito.
"Huy Troy ikaw na. Sasabihin mo ano di ka sasagot. Tengene naman oh prinaktis na natn kanina yan eh. Bakit natutulog kana naman." Sabi ni Charlie sabay batok kay Troy na hanggang ngayon ay tulog pa din. Hayyy ano na naman bang kalokohan ito.
"I'm tired matutulog na ako." Walang gana kong sabi pero hindi pa man ako nakakahakbang nakaharang na agad silasng lima sakin. Pati si Troy na tulog hinigit ni Charlie para mapatayo.
"Explain." Madiing sabi ni Janus pero tiningnan ko lang siya na parang bored.
"Seriously pati ikaw Janus sasabay sa mga isip bata na ito. I thought matino ka pero look at you now. Isip bata ka din pala." Sabi ko sabay smirk.
"Wag mong ibahin ang usapan. Tell us san ka galing." Sabi ni Dave so no choice. Kahit na antok na antok na ako.
"Sa labas ng school. Nagpalipas ng galit. Oh ano okay na pwede ng matulog?" Sabi ko.
"Bestfriend, hindi mo alam kung anong gulo ang pinasok mo." Seryosong sabi ni Charlie.
"You don't know me. You don't know what I'm capable of. Kaya ko ang sarili ko. And besides wala akong pakialam kung pumasok man ako sa gulo. That's the thrilling part on being a student. Kung walang thrill masyadong boring. So kung wala na kayong matinong sasabihin matutulog na ako. Tsaka please lang bago kayo matulog pakitali naman si Troy sa kama niya para hindi na mag invade ng kwarto ko. Once is enough. Baka pag naulit hind niyo na siya makitang buhay." Sabi ko at iniwan silang nakanganga. Bakit ba nila ako inaalala. I can take care of myself. Hindi nila ako kilala. I can kill anyone in just a snap kaya ano pa ba ang kakatakutan ko. Matatakot ako sa mga gurang na yun eh ang weak naman. Dagger at kutsilyo hindi maiwasan. Hindi ganoong klase ng tao ang dapat katakutan.
--
Maaga akong nagising just to see all of them in the living room. Mukhang lahat sila seryoso sa kung ano man ang pinagkakaabalahan nila. May nakita din akong black envelope sa may table at doon nakatuon ang pansin nilang lahat.
Hindi ko na sila ginulo dahil nagugutom na din naman ako. Nagluto ako ng omelette at nagfry ng hotdog at bacon. Breakfast lang naman kaya naman light meals muna. Natapos na akong magluto pero nakakapanibago talaga sila. Walang Janus na tanong ng tanong kung anong ingredient ba ang nilagay ko. Walang Troy na tulog na bumubunggo sa stove. Walang Ralvy na kurot ng kurot sa mga pagkain. Walang Charlie na naglalabas ng kung ano ano sa ref at walang Dave na nagbabalik ng nilabas ni Charlie. In short ang weird ng araw na ito dahil lahat sila hindi nakialam sa kitchen ngayon.
Binalikan ko sila sa living room pero siniguro ko na hindi nila ako makikita. Nagtago ako in a safe place kung saan rinig ko ang pinag uusapan nila.
"So what should we do now. Mukhang lahat sila nabaling na sa atin ang atensyon." Sabi ni Ralvy
"Isa pa lang naman ang invitation. Pwede pa nating baliwalain yan. Ang mahirap lang ay kung lahat sila tayo ang pag initan." Sabi ni Troy. Waahh first time ata na hindi siya sleepwalk.
"They thought Trace is one of us." Sabi ni Dave.
"Hindi naman siya part natin. Si Travis ang kasama natin dito pero since wala siya at magkamukha sila. They thought that it's Travis. So they thought na tayo ang gumawa ng first move." Sabi naman ni Charlie.
"Dahil na din sa nangyari, he is now one of us. Ang kailangan na lang ay confirmation kung payag ba siya. And besides we need to prepare. Kung sakali man na may magpadala pa ulit ng envelope hindi na natin yun mababaliwala." Sabi ni Janus.
"Mukhang magagamit na natin ang hideout. Tumaas lang ang rank natin. Dumami din ang naging rival natin." Sabi ni Troy
"I never thought na mapapataas ni Trace ang rank natin ng ganun kadali. Pero ganun din kadali ang gustong makatalo satin." Sabi ni Ralvy.
"It's okay. Alam ko namang kaya nating lumaban. Let's just ready ourselves for the upcoming battle. Right leader?" Sabi ni Dave.
"Yes and make sure that the coast is clear. Si Trace ang pinakabata satin. That onaly means na siya ang pinakadapat maprotektahan." Sabi naman ni Janus.
"Yeah tayo ang magiging daddies ni Bestfriend." Sabi ni Charlie.
"Trace five daddies to the rescue." Pag sang ayon naman sa kanya ni Ralvy.
Sumasakit ang ulo ko sa kanila. Wala akong naintindihan sa mga narinig ko. Ano bang meron sa envelope na yun. Tsaka anong part nila? Tsaka anong battle? Naguguluhan na talaga ako. Ano ba talagang meron dito sa school na pinasok ko.
__________________________________________________
ceikret
ai wo
BINABASA MO ANG
ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twin
RandomWinter's testament__ I Winter Terrice Jansen Madrigal Y Lee hereby declare that starting today, May 02,---- will give the authority to my daughter Tracey Feiri Jansen Madrigal to be the holder of my title as Poison. This testament will give her the...