Sixty** You're Beautiful
Maagang nagising si Tracey at halos walang tulog dahil magdamag siyang binabagabag ng kanyang mga nalaman. Sa bawat minutong dumadaan ay padami ng padami ang kanyang mga naalala. Sa bawat pagpikit ng kanyang mga mata ay may isang tao siyang laging nakikita. Si Janus. Lahat ng mga alaala nila ng magkasama. Lahat ng mga pinagsamahan nila ay unti unti na niyang naaalala. Maging ang damdamin niya para dito na kanyang nalimutan ay unti unti na ding bumabalik at hindi na niya alam ang kanyang dapat na gawin.
Masyadong magulo ang isip niya sa kung ano ba ang dapat piliin niya. Ang kasiyahan niya ba o ang kasiyahan ng kakambal niya na wala ng ibang ginawa mula pa noon kundi ang magparaya para sa kanya. Ngunit sa huli mas nananaig pa din sa kanya ang kakambal. Nakokonsensiya siya dahil hindi nito magawang makasama ang taong minamahal dahil sa kanya. Matagal ng nagtiis ang kakambal niya para s kapakanan niya. Kahit na medyo inis pa siya dito dahil nagawa nitong magsinungaling sa kanya nananaig pa din ang awa niya sa kakambal. Gusto na niya itong maging masaya. At isa lang ang alam niyang paraan para mapasaya ito. Ang isakripisyo niya ang nararamdaman niya kay Janus, ang pigilan ang nararamdaman niya bago pa man ito lumala.
Ngunit tila ba pinaglalaruan siya ng tadhana dahil ilang oras palang ang dumaan mula nung magdesisyon siya ay si Janus na agad ang bumungad sa kanya. Busy ito sa pagluluto ng kanilang almusal. Napahawak si Tracey ng mahigpit sa may pintuan ng kusina. Pilit niyang pinipigilan ang sarili na lumapit kay Janus pero tila ba may sariling isip ang mga paa niya dahil kusa itong naglakad papunta kay Janus.
Pinanood niya itong magluto ng pritong itlog at bacon. Simpleng pagkain pero ang tingin ni Tracey dito ay ubod ito ng sarap. Napatikhim siya kaya naman nilingon siya ni Janus sa kanyang kinatatayuan. Nagsalubong ang kanilang mga mata at tila ba huminto ang mundo niya nung sandaling ngitian siya ni Janus. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Pilit na sinisigaw ng kanyang isipan na tumakbo na siya palayo sa lugar na iyon. Hindi na siya dpat pang magtagal ngunit ayaw sumunod ng kanyang mga paa. Kusa ding gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at tuluyan ng tinalo ng kanyang puso ang kanyang utak.
"Ngayon lang. Kahit ngayon lang. Hahayaan ko na muna ang puso ko na sumaya." Sabi niya sa sarili.
"nagugutom ka na ba Trace? Gusto mo ng kumain?" tanong ni Janus kay Trace.
"Mamaya na lang, wait ko na lang silang magising." Hindi mapakaling sabi ni Trace. Ngayong bumalik na ang nararamdaman niya para kay Janus ay hindi na niya alam kung paano ito pakikitunguhan ng hindi nito nahahalata ang damdamin niya.
"Okay, malapit na din naman akong matapos dito. Relax ka lang dyan." Nakangiting sabi ni Janus kaya naman para bang nastatwa si Tracey sa kanyang kinauupuan.
--
Dumaan ang maghapon ng hindi mapakali si Tracey. Alam niya sa sarili niya na mali ang ginagawa niya dahil sa bandang huli ay siya din naman ang mahihirapan ngunit hindi niya mapigilan ang dinidikta ng puso niya. Kung hindi niya siguro nalaman ang tungkol sa pagpapakasal ni Frai ay maaaring sundin niya ang sinasabi ng puso niya. Ngunit dahil sa nalaman na din niya na siya naman talaga dapat ang magpakasal at sinalo lang siya ng kakambal niya para bang hindi niya kakayanin pang lumigaya kung ang kakambal naman niya ang nagdudusa.
Ilang ulit niyang iniwasan ang mga tingin sa kanya ni Janus dahil pakiramdam niya ay matutunaw siya kung patuloy siyang makikipagtitigan dito. Limang araw na lang at aalis na din siya. Iiwanan na niya ang lahat dito sa Pilipinas. Ang mga masasaya at malulungkot na alaala niya kasama sila. Hindi na niya dapat pang hayaang mahulog ng tuluyan ang puso niya. Dahil kung patuloy niyang ipipilit ang sinisigaw ng puso niya ay baka maging selfish siya, baka makalimutan niya ang tama at baka takasan niya ang kapalaran na matagal ng nakaguhit sa palad niya.
BINABASA MO ANG
ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twin
AcakWinter's testament__ I Winter Terrice Jansen Madrigal Y Lee hereby declare that starting today, May 02,---- will give the authority to my daughter Tracey Feiri Jansen Madrigal to be the holder of my title as Poison. This testament will give her the...