thirty four.2** Hidden Rivalry

2.4K 57 2
                                    

(Shenji POV)

Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon. Tae naman kasi eh. Di ko alam na susugod si Master dito ng walang pasabi. Nalaman tuloy yung ginawa namin ni Maki. Patay kami nito kapag pinarusahan kami. Baka ipadala niya kami sa Iraq at doon isabak sa gyera. O di kaya naman ay mawalan kami ng misyon at ang masaklap eh alisin kami sa Clan. Kumbaga sa basketball graduate dahil sa dami ng offence.

Pero ang hindi ko inaasahan ay yung lima. Hindi ko pa sila nakita sa loob ng Clan house. Well nakatakip mga mukha namin kaya di ko sila makikita pero yung presence nila ay never ko pang naramdaman. Gusto ko mang isiping nagbibiro lang si Master pero mukha siyang seryoso at isa pa may mga tatto sila. Paano sila nagkaroon ng ganun. Kaming mga Reb Blood Clan assassins kasi ay may mga tattoo sa likod. At ang tattoo na yun ay hindi basta basta dahil iisa lang ang kayang gumawa noon. And that's Uncle Rhon. May kakaibang machine kasi na para lang sa tattoo na yun kaya imposibleng peke yun.

"Is this a kind of joke? This isn't funny Umma." Sigaw ni Tracey dahil maging siya di makapaniwala. Well siguro mas shock siya dahil di niya alam na assassins kami ng Clan nila. Hindi niya maalala.

"This is not a joke. It's reality aegi(baby)." Mahinahon na sabi ni Master habang nakaupo dun sa couch.

"Don't call me aegi. I'm not Frai!" Pagkatapos sabihin ni Tracey yun ay pumasok na siya sa kwarto niya leaving all of us dumbfounded. Di ko alam kung namalik mata lang ako pero i saw her eyes in tears. Nasasaktan siya. And i can't help myself but to hurt too. All i want is to see her happy, that's why i sacrificed everything. Umurong ako sa engagement namin for her happiness. Akala ko sasaya siya kapag pinalaya ko siya pero bakit parang ang lungkot pa din niya.

Nakita kong sinundan siya ni Janus sa room niya and all i can do is to clenched the pillow in my lap. Alam kong wala akong karapatan pero f*ck bakit ganun. Bakit parang ang close close nila. Yung Tracey na kilala ko ayaw na ayaw na hinahawakan siya. Ayaw  nun na may pumapasok sa kwarto niya. Ayaw nun ang may hihiga sa kama niya. Ayaw nun ang pinapakelaman ang gamit niya. Pero bakit ang Tracey na nakikita ko ngayon ay kabaligtaran.

Nakita kong tumayo si King pero umupo din ulit. Malamang nagdalawang isip siya kung susundan niya si Tracey o hindi na. Alam kong nasasaktan siya. Alam kong mahal na mahal niya si Tracey. Alam kong nagseselos siya kay Janus. Pero tang*** bakit parang mas nasasaktan ako. Ako kasi ang dapat na may karapatan. Ako kasi dapat ang kasama niya ngayon. Ako dapat ang nakaalalay kay Tracey. Ako dapat dahil ako ang fiance niya. Pero dahil sa tangn*ng kaduwagan nawala lahat. Dahil nung nalaman kong mahal siya ni King ako na ang dumistansya. Ako na ang nagparaya. We used to have this bro code. Kaya bago pa mahalata ng iba ako na ang kusang nagtago ng nararamdaman ko para sa kanya. Na kahit ayaw kong iurong ang engagement namin ay pumayag akong mawalan ng bisa yun para magkaroon siya ng kalayaan na mahalin si King. Pero noon yun. Noong panahong mahal nila ang isa't isa. Sa nakikita ko kasi ngayon hindi na mahal ni Tracey si King. Na parang balewala lang sa kanya ito. Na kahit anong paglalapit ang gawin naming lahat sa kanilang dalawa ay walang epekto. Ito na ba ang panahon para itama ko lahat. Ito na ba ang sign na dapat ko ng kunin kung ano ang para sakin talaga. Dapat ko na nga bang kunin si Tracey sa kanila. Argghh hindi ko na alam ang gagawin ko.

end**

(Tracey POV)

Huh aegi? Bakit si Frai ba ako. She used to call me Fei and Frai as aegi tapos ngayon aegi na din ang tawag niya sakin. F*ck. Alam kong di ko dapat ginawa yun kay Umma pero baka kung ano pa ang masabi ko. Baka masumbat ko pa sa kanya na mas mahal niya si Frai kesa sakin. Na kahit kambal kami ni Frai ay lagi na lang si Frai ang inaalala niya. Noong una naiintindihan ko kasi nga malayo samin si Frai at tuwing weekends lang namin nakakasama pero di naglaon di ko na siya maunawa. Lagi na lang si Frai. Si Frai ang mabait. Si Frai ang masunurin. Si Frai ang magaling. Paano naman ako. Paano naman si Feiri. Lagi na lang ako sa anino ni Frai. Lagi na lang akong pangalawa. Lagi na lang si Frai ang mahal niya.  Kambal kami pero bakit mas mahalaga si Frai sa kanya. Si Frai kahit anong gusto niya pinapabayaan nila pero bakit ako lagi na lang bawal. Tapos ngayong nawala si Frai pinasok niya ako sa boy's department para lang malaman kung tinatago ba ng mga kasama niya si Frai. Para hanapin si Frai. Lagi na lang si Frai. Nakaksawa na.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon