thirty four.1** Winter

2.2K 56 2
                                    

At dahil malapit ko ng matapos ang mga requirements ko sa school makakapag upate ako haha! Wish me luck. Sana talaga matanggap ako sa University na yun hayy. Bakit ang hirap magtransfer! Nasaan ang hustisya! Hehe chos lang. Alam ko namang kailangan paghirapan ang college kaya gora lang. Iniisip ko na lang na sinasabihan ako ni Baekhyun at ni D.O ng fighting! Hwaiting! Tapos sasabay pa si Xuimin na nag-a-aeygo. Waahhh lumlakas fighting spirit ko haha. So here it is enjoy!

(Third Person POV)

Hindi makatingin ng maayos si Mir kay Tracey. Natatakot siya sa tingin nito sa kanya. Pero mas natatakot siya sa posibilidad na mangyari kay Tracey kapag nalaman nito ang totoo. Napagsabihan na siya noon ng Rhelmd Noona niya na once may maalala si Tracey tungkol sa mga nawalang alaala nito ay maaaring mawala ng tuluyan ang lahat ng alaala nito at ang masakalap baka hindi na tanggapin ng utak nito ang micro chip at tuluyang magulo ang system nito. At kapag nangyari ang lahat ng ito lahat ng pinaghirapan nila sa loob ng tatlong taon ay mawawala dahil babalik na naman sila sa panahon na walang maalala si Tracey na kahit ano.

Napalunok si Mir at tumingin kay Tracey. Pinilit niyang alisin ang doubt sa mukha niya at ngumiti ng pagkatamis tamis. "Wala akong kilalang Ayen ang pangalan hyung. Sino ba yun? Siya ba ang lead mo sa ambush?" pagkuway sabi niya para lituhin ang taong nasa harapan.

"Nope. He's. he's just a. He's just a dream." sabi ni Tracey at tuluyan ng iniwan si Mir. Alam niyang wala siyang makukuhang impormasyon sa binata. At marahil nga panaginip lang ang lahat ng yun. Kung may kakilala siyang Ayen noon bakit naman hindi niya ito kilala ngayon. Nag iisip lang siya ng taong hindi naman talaga nag eexist.

Naiwang nakatayo si Mir pero hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malukungkot dahil sa nakita sa mata ni Tracey. Puno ng lungkot ang mga mata nito nung nalaman nito na wala siyang kilalang Ayen. Gusto niya itong habulin at sabihin ang totoo dito pero puno siya ng pangamba sa maaaring mangyari kaya hanggat kaya niya mananahimik na lang siya. Sisiguraduhin na lang niya na hanggat kaya niya, poprotektahan niya ito. Poprotektahan niya ang noona niya.

Nagtaka nga lang siya noong naalala niya ang sinabi ni Tracey. Panaginip. Posible kayang ang panaginip nito ang nagpapakita sa nakaraan. Posible kayang bumalik ang alaala ng noona niya sa tulong ng mga panaginip nito. Panaginip tungkol kay Ayen. Panaginip sa nakaraan nila ni King.

Sumunod si Mir sa loob ng dorm ng Shadow at naabutan ang mga kagrupo niya na nakaupo sa mahabang sofa. Nandoon din si Charlie na masusing nakatingin lang sa toxic. Samantalang si Troy naman ay nakatingin lang sa kisame at hinihintay na mahulugan ng butiki sa ulo si Charlie. Nasa kusina sila Dave, Trace at Ralvy. Pinaghahanda nila ng miryenda ang mga bisita.

Tahimik ang lahat na para bang nagpapakiramdaman. Sino ba namang mag aakala na ang dalawang grupong magkalaban ay magsasama sama ngayon para tumulong sa paglutas ng isang kaso. Ngunit hindi maikakala ang pagkailang ng bawat isa sa isa't isa lalo na sa pagitan ng dalawang pinuno.

"Oh ano? Pinauwi niyo kami para magtangahan? Mukhang may mga jetlag pa kayo magsipagtulugan nga muna kayo at kapag okay na ang pag iisip niyo saka kayo bumalik." Iritang sabi ni Tracey.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon