(Tracey POV)
"Anong kailangan mo sakin King." Seryosong sabi ko. Pero siya nakangiti lang yung tipong nang aasar.
"Kilala mo na pala ako Tracey. Pero hindi naman yan ang tawag mo sakin dati eh." Sabi niya. Parang kahit na nakangiti siya hindi ito abot hanggang mga mata niya. There's emptiness and sadness in his eyes making it looks cold. Kung cold na si Janus well itong taong kaharap ko ngayon ay mas malala pa sakanya.
"King ang pangalan mo right? Tsaka ito pa lang ang encounter natin na alam ako ang pangalan mo kaya wag mo akong lituhin sa mga sinasabi mo. Ngayon uulitin ko anong kailangan mo sakin." Madiin kong sabi kaya naman naging seryoso na din ang mukha niya. Nagulat na lang ako nung bigla siyang humakbang palapit sakin at sa isang iglap nakayakap na siya sakin. Ang bilis ng kilos niya pero wala akong time para isipin kung gaano siya kabilis dahil kailangan kong isipin kung paano ako makakawala sa hayup na to. Sinubukan ko siyang itulak at ilayo sakin pero kahit na gaano yata ako kalakas parang unti unti akong nanghihina. Hindi ko alam pero parang pamilyar sakin ang pakiramdam na ito. Ang pakiramdam na yakap yakap niya ako.
Natigil ako sa pagpalag at pinakiramdaman ko na lang ang puso ko na ngayon ay parang gusto ng lumabas sa katawan ko. Ganito yun. Ganito din ang naramdaman ko nung time na niyakap ako ni Janus pero dito sa yakap ni King parang may mali. Parang may halong pananabik at pagdurusa. Hindi ko na makontrol ang emosyon ko at parang ambigat na sa pakiramdam ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Naramdaman ko na lang na bumasa ang uniform ko sa bandang balikat kung saan nakapatong ang ulo niya. Ngayon ko lang din naamoy na amoy alak siya at malamang lasing itong tao na ito. Hindi nagtagal humigpit na ang yakap niya sakin habang humihikbi. Para siyang bata na iniwan ng magulang niya at kailangan niya ng karamay sa mga oras na ito. Yung tipong kapag bumitiw siya sakin ay mawawalan siya ng buhay.
"Bakit hanggang ngayon hindi mo pa din ako maalala. Tracey please lang alalahanin mo ako. Alalahanin mo kung ano ang mayroon tayo. Nakikiusap ako sayo. Ang sakit na kasi eh. Hindi ko na kaya pang bantayan ka mula sa malayo. Gusto ko na ulit bumalik sa tabi mo." Pagkatapos niyang sabihin yun ay nawalan na lang siya bigla na malay. Siguro dahil na din sa labis na kalasingan. Pero tae. Paano ako nito. Hindi naman pwedeng magdamag kaming nakatayo ng ganito. Hindi ko din naman alam kung saan dadalin itong lalaki na ito. Gustuhin ko mang tawagan si Maki kaya lang naiwan ko naman sa dorm ang phone ko. Kamalasang buhay nga naman oh. Never kong pinangarap mag alaga ng lasing!
Wala na akong ibang nagawa kundi ang dalin siya sa dorm namin. Badtrip oh. Patay ako kay Janus nito pag nagkataon. Problema nga naman oh. Isa pa sa pinoproblema ko eh kung saan ko papatulugin itong lasenggo na ito. Aba kapal ng face niya kung sa kama ko dun siya hihiga. Hind naman pwede sa mga kwarto nila kasi as much as posible ayaw kong malaman nila na pinatuloy ko itong lalaki na ito dito. Balak ko na pagkagising niya papaalisin ko siya agad bago pa sila umuwi. Argh asar no choice sa ka ko na nga lang. Wag lang niyang itry na sumuka dito dahil mapapatay ko siya ng wala sa oras.
"Feiri." Paulit ulit na bulong niya habang nakapikit ang mga mata. Hindi ko alam pero ang bigat sa pakiramdam kapag naririnig ko ang pangalan ko mula sa kanya. Sino ba talaga siya. Kahit anong pilit kong alalahanin kung sino siya ay wala talaga akong mapiga sa utak ko.
"Fei wag mo akong iwan." Pagkasabi niya nun bigla na lang may lumabas na luha sa mga mata niya. Umiiyak siya ng tulog. Ganito ba yung sakit na pinadanas ko sa kanya. Bakit kasi hindi ko maalala na part siya ng buhay ko. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang papaniwalaan ko.
Lumabas na ako sa kwarto ko at nagdecide na magluto na lang ng lunch namin ng mga kasama ko. Di na ako papasok since halfday lang naman ang pasok namin kada friday. Bukas na din naman aalis ang mga studyante papuntang Japan. Well di naman ako naiinggit kasi ilang beses na akong nakapunta ng Japan. Mas may thrill pa nga yung pagsolve ko ng ambush dito. Parang ito na yung pinaka first mission ko. Ito ang unang mission ko sa Clan na may kinalaman sa pagpatay. Yung kasing paghahanap kay Frai amboring. San san kasi nagsusuot yung pangit na yun.
BINABASA MO ANG
ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twin
RandomWinter's testament__ I Winter Terrice Jansen Madrigal Y Lee hereby declare that starting today, May 02,---- will give the authority to my daughter Tracey Feiri Jansen Madrigal to be the holder of my title as Poison. This testament will give her the...