Forty three** Autumn's Heal

1.9K 46 4
                                    

AN: Hi guys, read this please, konti lang itong note na ito so please give me your time to read it. First of all schooling days is about to start. I'm a college student kaya kailangan kong mag aral ng mabuti kaya expect na hindi ako ganun kadalas mag UD. Maybe once a week or once every two weeks na nyan ako mag UUD pero kapag maluwag na ang sched ko i'll UD 2 times a week kaya sana don't pressure me.

second is, gusto kong malaman kung ano ang saloobin niyo about my story so please comment it on the comment box, one comment will not be that hard right? gusto ko lang malaman kung gusto niyo ba ang takbo ng story since it's about to end.

lastly, let' s make a poll shall we. Whose team are you? Team Janus ba, Team Shenji, Tean King, Team Charlie, Team Troy o kung sino pang gusto niyong iteam kay Tracey. haha. Comment it down in every chapter kung sino ang gusto niyo and who ever wins ay siya ang gagawin kong leading man ni Tracey since wala pa akong permanent na lalaki sa dulo ngplot ko. by the way I'm team Janus haha.

so here it is enjoy reading..

Forty three** Autumn's Heal

(Tracey POV)

Gusto ko ng matawa sa reaction ng mga kalaban pagkakita sa sampu naming kasama na buhay na buhay. Hindi siguro nila ine- expect na ganun kadali matatalo ng mga kasama namin ang mga pinadala nilang haharang sa mga ito. Well, it's their fault dahil minaliit nila ang kakayahan ng mga higher ranks ng Clan namin. Mukhang hindi pa din nababago ang BHC. Dun kasi sa mga kwento nila Umma ay laging dinadaan nila sa quantity ang panglaban nila. Ang akala yata nila ay madadaan nila sa dami ang laban.

Hindi na ako nag aksaya ng panahon at nilabas ko ang baril ko na may mga bala na karayom. Ito na muna ang gagamitin ko para mas mapadali ang pagtalo sa mga weaklings nila. Ayaw kong aksayahin ang lakas ko sa mga walang kwenta nilang mga miyembro. Nakita ko din na bumunot ng baril si King mula sa loob ng suit niya. Nilabas naman ni Nami ang Whip niya. Napangiti ako noong makita ko na hawak ni Janus ang isang pares ng arnis na binigay ko sa kanya. Hindi ito ordinaryong arnis dahil kasing talim nito ang isang katana dahil sa mga sinulid na matatalim na nakapaikot dito. Kapareho ang sinulid ng arnis na yun sa sinulid na ginagamit ni Rui. Kung saan kapag nabuhusan ito ng tubig ay magiging kasing talim ito ng isang crystal. Nagiging colorless din ito kaya hindi ganoon kahalata ang sinulid nito pero kapag nasikatan ito ng araw ay kumikintab ito. Ang isang arnis ay katumbas ng limang katana na pinagsama sama mo. Sa isang hampas nito kaya nitong hatiin ang target sa limang bahagi.

Binigay ko yun kay Janus para may magamit siya na armas panglaban. Kahit naman kasi papano ay nag aalala ako para sa kanya at maging sa ibang Shadow. Sigurado naman ako na binigyan na ni Rence ng mga armas ang apat. Alam kong kaya nilang protektahan ang sarili nila at kung sakali man na may malakas silang makalaban ay nandiyan naman ang Toxic para tulungan sila sa laban. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay magfocus sa laban at wag alalahanin silang lahat. Dahil kung mas madami akong mapapatay that means na mas kokonti ang makakalaban nila. Sa ganoong paraan ay mas liliit ang porsyento na masaktan sila.

"Hey, back to back fight?" Nakangiting sabi ni King sakin kaya naman napasmirk ako. Mukhang gusto ko ang gusto niyang mangyari ngayon sa laban.

"Back to back it is." Sabi ko at agad na siyang pumwesto sa likod ko. Agad kaming nagpaputok ng mga hawak naming baril kaya naman hindi na ito nagawa pang iwasan ng mga kalaban. Nakakapagtaka nga lang dahil halos parehas kami ng mga techniques na ginagamit. Hindi ko na lang muna yun inalintana dahil nasa gitna kami ng laban pero yung way ng paghawak at pagkasa niya sa mga baril na hawak niya ay kapareho ng paggamit ko ng hawak kong mga baril kaya naman hindi ko maiwasang hindi magtaka.

Noong maubos ang mga nakapaligid samin na kalaban ay agad akong napatingin sa kanya. I don't know pero the moment I lay my eyes on him ay bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. He look so d*mn hot and handsome habang hawak niya ang mga baril niya at nakangisi siya sa mga kalaban. Para bang sanay na sanay na siya sa mga ganitong labanan pero hindi yun eh, hindi yun yung napansin ko sa kanya. Para bang ang saya saya niya sa mga oras na ito. Kahit na nasa bingit na ng panganib ang buhay namin para bang natutuwa pa siya. Gusto ko na nga siyang batukan dahil naiisip ko na gusto niya yung thought na may masaktan o mamatay samin pero hindi ko yun ginawa dahil tinutulungan din naman niya ang mga kasama namin na medyo hirap sa pakikipaglaban.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon