thirteen**vitamins

3.3K 73 3
                                    

(Tracey POV)

Kanina ko pa pilit pinapakalma ang sarili ko dahil konting konti na lang talaga pag uuntugin ko na ang mga ulo ng Umma ko pati na din itong loka loka niyang bestfriend. Ang dami kong hirap at stress na pinaghirapan para lang makapunta agad dito tapos ano ang dadatnan ko? May pictorial pala for Aunt Iki's collection at ako lang naman ang ginawa NA NAMAN nilang model. Ilang beses na bang nagyari ito? Hindi ko na mabilang dahil hindi din ako makapalag. Tatawagan nila ako and i need to see them asap pero in the end kailangan lang pala nila ng model na magsusuot nung mga inembento nilang damit.

Kanina pa ngalay ang panga ko sa pagkakangiti sa harap ng camera. Kanina ko pa gustong ihagis itong upuan sa tabi ko sa magaling kong ina na kasalukuyang nanonood sakin. Tuwang tuwa siya yung tipong parang kumikislap na yung mata niya dahil nagawa na naman niya akong pagsuotin ng makikintab na damit. Ito ang ayaw ko sa pagiging model. Pinilit lang naman kasi ako ni Umma na maging model dahil sayang daw ang ganda. Pero hello! Ang hirap kayang maging model lalo na kapag inaayusan ka nila. Ilang beses na ba akong natusok ng karayom habang inaayos ang damit na nakasuot sakin. Ilang beses na ba akong nairita dahil sa makati ang tela ng damit ko. Ilang ulit naba nila akong binlack mail para lang mapapayag na magsuot sa damit na ginawa nilang dalawa.

Pwede naman kasing sila Unnie na lang ang pinagsuot nila nito. Sigurado akong tuwang tuwa pa yung mga babae na yun kapag nagpictorial sila. Kaya lang sa kasamaang palad hindi sila lahat mahagilap kaya sa last second tinawagan ako ni Umma. At ako namang si gaga basta na lang sumugod dito and boom. Eto na ako ngayon sa harap ng camera pilit na ngumingiti kahit banas na banas na.

Idagdag mo pa sa frustration ko ang ngumangawang si Nami na kanina pa tawag ng tawag. Nakalimutan kong pinangakuan ko pala siyang magshoshopping kami kaya ayun kanina pa nagngangawa sa phone ko. Sa sobrang inis ko tinanggal ko na lang ang battery ng phone ko para din magtigil siya. Ngayong mainit ang ulo ko wag silang magsabay sabay dahil baka masapak ko silang lahat. Pero sabagay hindi ko din masasapak si Umma. Hindi ko kasi siya kayang talunin. Alam mo na leader siya ng Clan. Isa din siyang assassin malamang sa alamang magaling siya kaya kahit anong push ko in the end talo pa din niya ako. Well ganun talaga ang maganda minsan kelangan mong matalo para di hassle sa beauty.

It's already 6p.m. kst nung matapos ang shoot. 5p.m. pa lang ito sa Pinas kaya kung aalis ako ngayon masasamahan ko pa ng isang oras si Nami at makakapunta pa ako sa battlefield. Kasalukuyan kong inaayos ang mga dadalin ko pauwi dahil na din sa hindi ako pwedeng magpalit dito as a boy ulit kaya sa hideout na lang ako magpapalit later kaya dadalin ko na lang ang mga kailangan ko. Kumuha na din ako ng assassin tools dito para diretso laban na mamaya. Wala namang nagsabi sakin na bawal magdala ng armas so maganda ng handa. Lalo na at hindi ko alam ang iniisip ng kalaban. Ang sigurado lang ako ay gagawin nila lahat para lang manalo at yun ang hindi ko hahayaan. Palabas na ako ng room na inukupa ko ng pumasok si Umma. She's wearing her serious but soft expression on her face. Like a typical mom who cares for her daughter.

"Feiri."

"Yes Mom?"

"You know how much i love you. I love you and your brothers and all of you are the most important for me. Take care of yourself for Umma arraso(alright). Be a good girl while you're not with me." She said teary eye.

"I love you too Umma. But why are you saying those things to me. I'm not dying or anything." Pagkasabi ko nun tuluyan na siyang umiyak. May alam ba sila na hindi ko alam? Bakit siya umiiyak.

"I just want you to know that i love you Feiri. I love you to the point na itinago namin kayo ng Appa mo para maprotektahan kayo. I just want you to know na mag ingat ka dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala sakin ang baby ko." Sabi ni Umma sabay yakap sakin. I don't know pero there is really something wrong. Hindi ganito kavocal si Umma.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon