Thirty eight** Cheat

1.7K 49 2
                                    


(Tracey POV)

"What the hell Troy. Are you kidding me? Sa tingin mo gugustuhin kong pumunta doon na nakapang damit babae. That's insane. Kung ako sayo matutulog nalang ulit ako kung ayaw mong ako ang magpatulog sayo ng panghabang buhay." I said while glaring at him. Naknang. Ngayon na nga lang gigising wrong timing pa ang lintik.

"Mukha ka naman kasi talagang babae Trace. Kahit si Janvee ang akala niya noon ay babae ka right? So hindi tayo mabubuking kung ikaw ang magpapanggap na babae." Depensa pa niya sa sarili niya.

"Stop this none sense. Maghanap na lang kayo ng ibang babae na pwedeng maging undercover." Sabi ni Shenji. I eyed him thankfully. Baka kapag nagbihis babae ako ay ako naman ang mabuking and I don't want that to happen. NEVER.

"We don't have any choice. Ang kailangang maging undercover ay dalawa sa atin dahil we don't have any time left. Baka kapag naghanap pa tayo ng iba ay maging pabigat pa ito sa atin." Sabi naman ni King.

"So you're counting yourself as the other lady spy? Since ikaw din naman ang nag suggest and the fact na mukha ka ding babae." Sabi ni Dave. Gosh, I can sense some mis understanding between the two of them. Para bang kanina pa may invisible na kuryente sa pagitan nila. Same with Janus.

"No. I'm just stating a fact and not saying that I'll be the other one." Depensa ni King sa sarili niya.

"Walang patutunguhan ang usapan na ito kung mag aaway lang kayo. Let's just do it in my way." Sabi ni Rence while showing a creepy smile on his face. Para bang ayaw ko tuloy omoo kung papayag ba ako sa kanya.

"Paano naman kami makakasiguro na hindi kalokohan yang sinasuggest mo hyung." Sabi ni Mir na ngayon na lang ulit nagsalita. Kanina ko pa kasi siya napapansin na para bang may sariling mundo habang may pinag uusapan kami. Para bang may mabigat siyang problema na dinadala.

"I can assure you na mas okay ang idea ko kesa magturuan kayo." Sabi ni Rence kaya naman napatango na lang kaming lahat. Wala namang mawawala kung pagsasalitain namin siya. Kung ayaw man namin sa ideya niya ay pwede naman naming hindian.

"Okay, here's the deal. Nakikita niyo ba itong mga lace na hawak ko? Each lace ay may pare parehong sukat but the end of the four laces is different. May ibang kulay ay dulo ng maga ito. Two is blue and the other two is red. The two people who get the blue will be our boy representative while those who get the red ones are the girl representatives." Sabi niya while showing us color white laces. May apat nga doon na kakaiba ang dulo. I guess his tactic is no harm at all. Kumbaga dito lilitaw ang salitang tsamba. It's luck who will decide kung sino ang pupunta sa ball. We all nod our head, meaning lahat kami pumapayag sa ideya niya. Ang kinakabahala ko nga lang ay yung ngiti niya na nakaka ewan. Para bang may masama siyang binabalak at doon ako kinakabahan.

Isa isa kaming humawak sa mga dulo ng lace na nasa kamay niya. Noong lahat kami ay may hawak na bumilang siya ng one to five saka niya binitawan ang pagkakahawak sa kabilang dulo kung saan nakatago ang kakaibang kulay ng apat na dulo ng mga lace. Agad akong tumalikod sa kanila dahil may kakaiba akong nararamdaman sa lace na hawak ko. Para bang bigla akong kinabahan noong hinila ko ito.

Halos manlaki ang mga mata ko pagkakita na may kulay red sa dulo ng lace na hawak ko. Naririnig ko silang nagdidiwang dahil hindi nila nakuha ng may pula na lace pero parang kahit anong ingay nila ay di ko marinig dahil ang focus ko ay nasa lace na hawak ko. F*ck, tinamaan nga naman ng kamalasan.

Agad kong pinutol ang pulang part ng lace ko at pasimpleng binulsa ito. Alam kong cheat ang ginawa ko at magiging unfair ako pero hindi ko pwedeng hayaan na ako ang magpapanggap na babae dahil na din sa babae talaga ako. At ayaw kong mabisto ng wala sa oras.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon