fifteen ** the real battle

2.7K 89 4
                                    

(Third Person POV)

Para bang natigil ang mundo ni Ralvy pagkakita sa grupo ng mga lalaki sa itaas na bahagi ng arena. Madalang lang lumabas ang mga ito ng dorm nila dahil na din sa may special treatment ang Rank 1. May sariling prof ang mga ito at sa dorm lang nila nag aaral. Kung lumabas man ang ito sa dorm nila ay siguradong may papanoorin itong magandang laban o di kaya naman ay sila mismo ang lalaban. Masyadong misteryoso ang grupo ng mga ito dahil parang lagi lang itong nagkukulong sa dorm nila. Hindi lang ito. Lagi din sila nakasuot ng jacket na may hood kung saan may nakasulat na one. Hindi niya kilala ang mga ito personally pero takot siyang harapin ang mga ito dahil may kakaiba sa mga aura nila. Nakakaintimidate ang dating nila at ikaw na mismo ang lalayo sa kanila. Pero ang pinaka iniiwasan niya sa grupo ay ang leader nito. Si King. Bukod kasi sa mga balita na nasagap niya noon. Hindi pa niya ito nakitang nakipaglaban. Sa lahat ng laban ng Rank one nakatayo lang ito at nanonood sa mga kasamahan na walang habas sa pagpatay sa loob ng center.

Isa pa sa nakakapagpalito sa kanya ay ang katana na hawak niya. Bakit ito may makamarka na Shadow? Bakit binigay sa kanya ito. Bakit parang tinutulungan siya ng mga ito. Nabaling ang tingin niya sa loob ng center ng sabay sabay umatake sa kanya ang sampong lalaking may hawak ng bakal at kadena. Mabilis niyang hinawakan ang katana at pinagsangga yun sa bakal na palapit sa kanya. Tila ba isang pirasong papel lang niya itong inihampas sa hangin para pananggala niya sa pagsugod ng kalaban pero tila nabato silang lahat nang maputol ang mga bakal at kadena ng kalaban pagtama ng katana na hawak niya sa mga ito.

Napalunok si Ralvy at parang hindi niya maprocess ang mga kaganapan sa paligid niya. Iwas dito iwas doon. Hampas dito hampas doon ang ginagawa niya. Natatakot siyang magkamali ng hawak sa katana na hawak niya. May lima na siyang napabagsak na kapwa may mga saksak at sugat na natamo galing sa katana niya. Nag umpisa ng mag init ang laban. Pinalibutan siya ng labing limang katao at sabay sabay siyang sigugod ng mga ito sa mga armas na gamit ng mga ito. Nagawa niyang iwasan ang mga atake at nagfocus siya para mapabagsak ang kalaban. Hindi gaya ng nauna. Hindi naputol ang mag katana na hawak ng kalaban sa bawat pagsangga ni Ralvy. Mas nahirapan siya dahil na din sa madami ang sabay sabay na umaatake sa kanya. Lumipas ang ilang minuto pero walang gustong magpatalo. Walang gustong mag pa agrabyado. Sa hindi inaasahang pagkakataon. Tinutukan ng isang kalaban si Troy ng katana sa leeg na siyang nagpatigil sa paglaban kay Charlie.

"P*ta lumaban kayo ng patas. Wag na wag kang didikit kay Troy." Sigaw niya sa lalaki habang iniiwasan ang mga kasamahan nito.

"Paano kung ayaw ko?" Nakangising sabi ng lalaki. Susugurin na sana siya ni Ralvy ng biglang may naghampas sa kanya ng bakal sa likod. Napahiyaw sa sakit si Ralvy at nabitiwan ang katana na hawak niya.

"Sh*t" nasabi ni Ralvy sa sarili matapos makita na ang katana na hawak niya ay nasa tabi na ng leader ng gang na kalaban niya. Sinubukan niyang lumapit upang mabawi ito pero pinalibutan lang siya ng mga kalaban niya at ang sumunod na pangyayari ay hindi niya inaasahan. May biglang sumaksak sa kanya ng dagger sa tagiliran. Umagos ang dugo mula sa hiwa na gawa ng dagger at naramdaman ng katawan niya ang sakit. Hindi pa nakuntento ang mga kalaban niya at hinampas ng kadena ang sugat niya. Napahiyaw siya sa sakit kaya naman tumayo na si Charlie. Hindi na niya maatim pang panoorin ang ginagawa ng mga kalaban sa kaibigan niya.

Matapos niyang masigurong naitabi si Troy at Ralvy ay agad siyang nakipagbugbugan. Suntok dito suntok doon. Sipa dito sipa doon. Wala siyang hawak na kahit anong armas. Alam niyang wala siyang laban sa mga ito dahil halos lahat sila ay may kalakasan din at idagdag mo pa ang mga armas na gamit nila. Nakaisip siya ng isang ideya kaya pumosisyon siya sa likod ng isa aa mga lalaki at hinawakan ang mga kamay nito. Nagmistulang puppet ang lalaki na sumusunod sa galaw niya. Ang kamay nito na may hawak na bakal ang siyang ginagamit niya para sa opensa at ang katawan naman nito ang kanyang depensa. Daing ng daing ang lalako sa tuwing matatamaan ito ng mga kasama ngunit wala din itong magawa dahil nagagawa ni Charlie na kontrolin ang katawan nito. Hindi nagtagal binawian ng buhay ang lalaki kaya naman hinagis ito ni Charlie sa mga kasamahan at sumugod pero isang putok ng baril ang nakapagpatigil sa kanya at nadaplidan siya sa kamay. Kahit hirap na sa pakikipaglaban nagawa pa din ni Charlie makipagsabayan gamit ang isang kamay na walang pinsala. Ang nasa isip niya ngayon ay tapusin ang laban para na din magamot ang mga kaibigan na sugatan.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon