Fifty three**Just Crazy

1.6K 40 2
                                    


Fifty three**Just Crazy

(Tracey POV)

Kanina ko pa tinitingnan yung mga baking equipment sa harapan ko. I don't know why I'm doing this in the first place. Anong alam ko dito? Bukod sa kumain ay wala akong nagagawang matino sa kusina tapos sasabihin nila na talent ko ito? Are they f*cking kidding me?

Maghugas nga ng mga pinagkainan di ko kayang gawin magluto pa kaya? And worst baking? Mas okay pa sana kung pinagawa na lang nila ako ng thousands of different type of poisons magagawa ko pa pero ng magbake. The hell it will be dooms day.

Hindi ko din alam sa sarili ko kung paano nila ako napapayag. Basta ang alam ko lang sinabi ni Janus na ako ang incharge sa kitchen while his eyes is fix on me. And then boom eto ako ngayon nganga. Sabi na nga ba at may kakaiba kay Janus. He's a wizard, a witch, a mangkukulam or whatsoever. He cast some spell on me kaya hindi ako makahindi sa kanya.

Kanina pa sila lumabas kaya alam ko na patapos na sila sa ginagawa nila at ako ni maghiwalay ng mga egg yolk di ko pa nagawa. I tried searching on the internet on how to bake but the hell feeling ko kinakain ako ng mga words. Yung tipong lumalabas sila sa screen ng phone ko at nagiging monster kaya naman hinituan ko na ang pagbo- browse because it has no sense at all.

I calm myself and face the utensils. Okay how do I will use this kind of stuff? I close my eyes and try to remember how Frai bake cookies while he's with me before. He used to add the dry ingredients in a bowl and all the wet ingredients in the other bowl. Huh madali lang pala ito. All I need to do is mix mix and mix and tada I'm done. Oh my gosh Tracey you are so great talaga.

Kinuha ko yung flour, baking soda, cocoa powder, sugar, powder cream, powdered milk, and parmesian Cheese since I'm going to bake chocolate and cheese cake. May ganun ba? Bahala na kung wala mang ganung klaseng flavor edi nakaimbento ako ng bagong flavor then my name will be in the history.. haha I'm so bright talaga. Hinalo halo ko lang yung mga ingredients habang nkangiti kasi nakikita ko na yung future ko. May mag iinterview sakin sa tv tapos sasabihin kung bakit ang talino ko at naimbento ko yung ganung flavor. Oh my gosh I cannot!!

Pero teka bakit parang may kulang? Bilin sakin ni Umma before na everytime daw na magluluto there's always a need for salt and pepper to taste. I need to obey Umma para a success ng recipe ko. So I also get the salt and pepper pero nakita ko din yung creamer at coffee. Baka magtampo yung sugar kasi siya kinuha ko tapos yung mga kabrad niya di ko sinama kaya naman kinuha ko na din sila. The more the merrier.

Hinalo ko na sa mixture yung salt, pepper, creamer and coffee. When I thought it's enough na nakita ko yung chili powder. Kawawa naman siya kasi siya na lang yung natira sa shelf kaya kinuha ko na din siya. Naging kulay reddish brown yug mixture. Wow ang ganda pala ng color kaya dinamihan ko na yung chili powder para maging kakulay siya ng red velvet. Idol ko kasi yun sa Kpop. Para kapag nainterview ako sasabihin ko na yung color ay nakuha ko sa favorite kpop group ko. It's my time to shine and then they will notice me kyaaaahhh. Fangirl's dream.

I also get another bowl and then mix the eggs, milk, condense milk, evaporated milk, cream, grated cheese, vanilla and chocolate syrup. Ihahalo ko n asana yung powder mixture kaya lang nakita ko yung other condiments sa may isang shelf. Kawawa naman sila kung hindi sila magagamit kaya naman kinuha ko na sila and add them to the mixture. Toyo, suka, patis, catsup, oil and oyster sauce. I think this cake will be superb. After I add those ingredients I mix it with the powder mixture and the nilagay ko sa may baking pan ba yun? Basta dun sa parang silver na lalagyan and nilagay ko sa oven. I'll just wait for 15 minutes for my creation.

While waiting naisipan kong magmelt ng chocolate for cake's coating and cheese and mallows for decoration of the cake. I hate icing kaya naman ganito na lang ang gagawin ko.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon